Chapter 6: First Day part 2

4K 105 3
                                    

~Coleen's Pov~

OH MY GOODNESS

nakakalat kasi lahat ng gamit niya sa sahig. Gabundok na hugasan sa sink. Nakakalat ang ibang gamit niya sa paligid. Pumunta ako sa kwarto niya at nagulantang ako sa nakita ko. Ang gulo ng kama niya akala mo kakatapos lang gumawa ng milagro kagabi. Ang gulo ng beedsheet nakakalat yung mga unan tapos yung mga damit niya hindi naka ayos. Parang gusto ko na tuloy umuwi. Hinilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko sa sobrang inis.

sinadya niya ba toh o sadyang ganito na talaga siya?.

"Ikaw na bahala kung anong uunahin mo" sabi niya. Ano nga ba uunahin ko?. Paano?.may alam ba ako?. Kakayanin ko ba?. Ughh. Ang daming gumugulo sa akin. Napapadyak na lang ako sa sobrang pagkairita. Hindi ko akalain na ganito pala ipapagawa niya saakin.

1month?.eh hindi pa nga ako nagsisimula sa unang araw ko mukhang hindi ko na kakayanin eh. 1month pa kaya?. Samantalang yung sa kaniya napaka effortless lang para sa kaniya na ipagtangol ako dahil tingin palang mangangatog na ang sinumang magbabalak na saktan ako. Grabe nagsisisi ako na ewan. Kapag hindi ko naman ito ginawa baka hindi na ako makapag aral pa. Ughh kainis napaka epal talaga.

"Ano. Tutunganga ka na lang ba dyan?. " sabi niya. Sobrang lalim siguro ng iniisip ko.

"Magsisimula na nga eh " sabi ko tapos inirapan siya.

"Kailangan pagdating ko tapos kana " utos niya at lumabas na ng condo. Saan naman yun pupunta?.  Tss. Pake ko ba. Mas maganda na yung wala siya dito baka guluhin niya lang ako kapag andito siya.

Nilapag ko muna yung bag ko sa mesa tapos pinusod ko yung magulo kung buhok para walang sagabal. Hinubad ko yung leggings ko kaya tanging cycling lang ang suot ko. Huminga muna ako ng malalim bago nag-umpisang pulutin yung mga nakakalat sa paligid.

Pulot dito. Pulot doon. Kapagod everywhere. Inayos at pinunasan ko yung mga gamit na nakakalat. Tapos tinapon ko sa basurahan yung mga papers, cans, plastics, at iba pa. Tinangal ko lahat ng mga kurtina at pinalitan ng bago naghalungkat muna kasi ako kanina kaya nalaman ko kung saan nakalagay lahat ng dapat kung gamitin. Nagpalit din ako ng beedsheet at punda. Pagkatapos kung mag palit ng mga iyon tinupi ko naman lahat ng damit ni Zach. Tapos  nilinis ko lahat ng sulok ng condo niya. Feeling ko nga aatakihin ako ng hika sa sobrang alikabok eh.

2 hours.........

Natapos na ako sa pagpupunas, pag-aayos, pagliligpit, pag papalit at marami pang iba sa loob ng dalawang oras. Grabe ang lawak kasi ng condo niya at sa totoo lang wala akong alam sa paglilinis kaya kunh ano ano na lang inuna ko. Basta maayos at malinis sa paningin ko.

Pumunta naman ako sa kusina. Basang basa na yung white T-shirt ko ng pawis. Hinahabol ko na rin hininga ko sa sobrang pagod. Sinimulan ko na yung paghuhugas ng pingan. Sabon dito .banlaw doon. Lagay dito. Punas doon. Pagkatapos kung maghugas pumunta ako sa laundry para labhan yung mga kumot, damit niya, punda, kurtina at iba pa.

Nang mailagay ko na yung mga damit niya sa washing machine duon ko lang naisip na hindi pala ako marunong maglaba. Ano ba dapat gawin?. Ano uunahin?. Hala paano toh?. Bahala na nga. Nilagyan ko ng powder yung washing machine tapos pinaikot ikot duon yung damit ni Zach. Sinunod ko naman yung mga kurtina. Punda. Kumot at iba pa. Tapos binanlawan ko tapos nilagyan ng maraming Downy yata yun?. Tapos sinampay na. Grabe ang bigat pala ng mga kumot sobrang kapal kasi eh.

Pagkatapos pumunta naman ako sa banyo para linisin yun. Kuskos dito kuskos doon. Hindi naman marumi kaya saglit lang ako duon.

Pagkatapos pumunta naman ako sa kusina para magluto. Sa lahat ng ginwa ko ito lang ang alam kung gawin. Tinuruan kasi ako ni mommy at nanay che magluto kaya kereng kere ko na ito. Niluto ko yung paborito kung pagkain ang Adobo. Ito kasi ang una kung natutunan .buti na lang kompleto si Zach ng Ingredients kaya hindi ako nahirapan. magluto.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon