Hindi sa aking kwento ito. Ito ay pag mamay-ari ni P.L.U.
Enjoy
Alas-6 palang ng umaga pero gising na si Jed, dahil ito ang unang araw niya sa bagong University na nilipatan.. Uo tama ang nabasa ninyo, lumipat siya sa ibang school dahil sa isang matinding dahilan. At mamaya ko na sasabihin.. excited? excited? haha.. okay sa pagpapatuloy..
As usual pagbangon niya agad niyang kinapa ang kanyang salamin sa side table ng kanyang kama. Again uo bulag ang ating bida.. joke! malabo lang.. kaya nga yun ang title eh, hmm.. kayo talaga..
Daily routine na niya ang mag ehersisyo sa umaga, kaya naman napapanatili niya ang kanyang magandang katawan, hindi payat, hindi naman chubby.. sakto lng ika nga..
Matapos siyang nakaligo ang magbihis ng uniform, at saka bumaba at dumiretso sa kusina upang mag-almusal.
Halos ganito naman na ang nakagawian niya tuwing may pasok siya sa eskwela..
" Good morning anak," ang bungad na bati ni aleng Liza sa kanya.
"Good morning din po Nay". Sabay halik sa pisngi nito.
Hala maupo kana diyan at lalamig na ang pagkain, aya nito sa kanya.
Si Aleng Liza at Mang Johny ang tumayong magulang niya mula pagkabata..Sanggol palang si Jed ng pumanaw ang kanyang Mommy. Ang kanyang Daddy naman ay mas piniling magtrabaho sa ibang bansa bilang isang electrical engineer sa isang kumpanya sa middle east.. DUBAI to be exact. Kung tutuusin ay kaya na siyang buhayin ng kanyang ama kahit hindi na ito mag abroad.. marahil may mas malaim pang dahilan kung bakit niya pinili na malayo sa anak.. Hindi narin ito nag-asawa pang muli.
Ang mag asawang Liza at Johny, ay walang anak sa halos 30 years ng kasal, sapagkat may deperensya sa matres si Aleng Liza at hindi na maari pang magkaanak.
Sa simula pa noong sanggol si Jed ay silang mag-asawa na ang nag-alaga dito. At sila narin ang nakagisnang magulang nito.
Mabait ang mag-asawang ito at talaga namang itinuring na nila itong tunay na anak. Ngunit minsan nalulungkot parin siya at gusto niyang makapiling ang kanyang Daddy. Noong nasa elementary siya ay lagi itong umuuwi tuwing pasko, upang makita ang anak.. ngunit nabawasan ang pag uwi nito nitong tumungtong na siya sa high school, hanggang sa telepono nalang sila nag-uusap. Laging dahilan nito ang kanyang trabaho at may malaking project silang ginagawa. Akala niya ay uuwi ito noong 18th buerhday niya noong nakaraang taon, pero to the last minute tumawag ito sa kanya na hindi makakauwi.. labis na kalungkutana nag nadarama n gating bida sa panahong iyon.. mabuti nalang at pinaliwanagan siya ng kanya Nanay Liza at tatay Johny na para naman sa kanya ang ginagawa ng ama.
Pinilit niyang magging masaya at inisip nalang na tama nga ang sinabi nila Aleng Liza sa kanya.. Hindi naman naman sila pinapabyaan ng kanyang ama. Sobra-sobra pa nga kung magpadala ito sa kanila ng panggastos sa isang buwan at may malaki pera pang naka deposit sa bangko.
Sa madaling salita financially, ay walang problema sa kanya.
"Jed anak," bilisan mo na baka ma late tayo at traffic ngayon..sigaw ni mang Johny sa kanya habang nagsisipilyo siya.
"Nariyan na po" sagot niya dito.
Kahit college na si Jed. Hindi parin siya hinahayaan ng kanyang Daddy na mag drive.
Di naman siya nagreklamo doon. iniisip niya nalang na pinoprotektahan lang siya ng Daddy niya.
Sanay narin naman siyang laging hatid sundo ni mang Johny sa school, kahit may naririnig pa siyang tinutukso sa kanya ng mga kakalse niya noon. Di nya nalang ito pinansin at kalaunan ay parang nasanay narin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Boy Labo Meets Mr. Bully
HumorHighest rank in Humor #92 when boy labo meets the super yabang na bully. kwento ito na magpapakilig sa sistema niyong kinain na ng ka-bitter-an PAUNAWA: Ang kwentong ito ay pag mamay-ari ni P.L.U