Hindi po sa aking kwento ito. Ito ay pag mamay-ari ni P.L.U.Enjoy
Moment of truth: The Results
Tulad ng inaasahan napunta kay Jed ang Titulo na Mr. Campus Popular nakatanggap siya ng isang Trophy at Sash plus cash na Ten Thousand dollars..Chooss!! syempre Peso lang..
Malaki ang lamang nya sa botohan maging sa text at online voting malaki ang margin ng lamang niya. Kaya naman malaki ang pag-asa nila Jessica at Chester na siya ang tatanghaling Mr. University.
Best in Talent naman ang nakuha ng Architecture student na mukhang maangas.. nag fire dance nga kasi ito. At talaga naman magaling.
Mr. Frienship naman ang nakuha ng maamong mukha ng isa nlang kasamahan na lalaki. E di ikaw na palakaibigan.. haha
Halos magksabay ang pag announce ng winners sa babae at lalaki.. kaya lalong nakakakaba ang bawat tagpo.
Ang mga audience akala mo ay nagpipigil na ng hininga nila, ang kanina lang na maingay ay naging seryoso at tahimik upang malaman ang maga kalahok na nanalo.
Our second runners-up... bigkas ng MC sabayan ng beat ng drums...
Please come forward as I call your name contestant Number 3 & 5.
Sigawan naman ang mga tao.
Natitirang number nalang sa babe ay 2 & 6
Samantalang ang kasama ni Jed na mayabang ay number 8
This time the numbers that I've been calling is our 1st runners-up.
Please come forward contestant number 2 & 5
Sa madaling salita di nakuha ni Jed ang Title na Mr. University.
Si mayabang na yun at isang Management student ang tinangghal sa gabing iyon.
Di na nagtaka si Jed kung bakit naroon si Red sa taas ng stage, sya pala ang mag turnover ng crown sa hinirang na Mr. University.
Matapos ang picture taking at shakeing hands akma na sama siyang babalik sa back stage ng may humawak sa kanyang kamay.
Nagulat siya ng tignan niya iyon kung sinu.. si Red.
Ang nakangting si Red, ito nanaman ang nararamdaman niyang kaba, at kakaibang pakiramdam habang awak-hawak nito ang kanyang kamay.
Pinisil pa ito ni Red ng bahagya sabay lapit ng bibig sa kanyang tainga at binate siya.
"You're the real winner for me" saad ni Red.
Simpleng "Thank you" at tango lang ang nabigkas ni Jed sa mga oras na iyon.
Akma pa sanang magsasalita si Red pero tinatwag na siya ni Jessica na kanina pa pala nakamasid sa kanila.
Jai congrats!! I'm so proud of you, kahit hindi mo nakuha ang title para sa amin ikaw parin ang panalo. Naron narin sila Alex at yung stylist pati sila Aleng Liza at Mang Johny ay naroon din sa backstage at agad na niyakap ang kanilang alaga.
"Anak, proud na proud kami ng Tatay Johny mo kanina habang pinapanoodd ka namin.. a tsigurado ako na ganun din ang Mommy at Daddy mo.
Bahagya naman nalungkot ang kanyang mukha ng marinig ang huling sinabi ni Aleng Liza kaya iniba na ni Jessica ang topic.
Ahhh guys.. dercho na tayo sa bahay namin, may kaunting salo-salu na hinanda doon si Mommy para sa atin..
Halos gulat naman ang lahat sa narinig.
Diba dapat kami ang maghanda ng salo-salo para kay Jed? Sabat ni Aleng liza na parang nahihiya.
Cge na ho.. pwede naman yan sa ibang araw gawin Nanay Liza.
Tayo nalang daw ang hinihintay doon sa bahay.
Matapos maglipit ng mga gamit ay agad naman nilang tinungo ang bahay nila Jessica.
Wow Jessie ang yaman nyo pala, ang pagkamangha naman ni Chester.
Naku mga magulang ko lang, Di ako no.
Si Jessica ay anak sa unang asawa ng kanyang nanay, pero di sila kasal ng lalaki dahil may sarili itong pamilya. Huli nang malamn ito ng kanyang Mommy kaya, hindi na niya ginulo ang tatay ni Jessica at pinabyaan na ito sa tunay na asawa. At ito na nga nakapngasawa ulit ito ng isang Briton na mabait naman at responsible. Babae din ang unang naging anak sa ikalawang asawa.Oh tama na yan guys.. next naman ang iba ha? Baka maluha pa ako.Si Jessica
Malaki ang garden ng bahay nila Jessica na ang ganda din ng pagkaka landscape.. may iilang bisita narin ang naroon..
Birthday party pala iyon ni Jessica kaya naman na asurpise talag ang lahat.Jessie naman di man lang nagpasabi.. sana nakabili ako ng gift sayo. Pagtatampo ni Chester.
BINABASA MO ANG
Boy Labo Meets Mr. Bully
ComédieHighest rank in Humor #92 when boy labo meets the super yabang na bully. kwento ito na magpapakilig sa sistema niyong kinain na ng ka-bitter-an PAUNAWA: Ang kwentong ito ay pag mamay-ari ni P.L.U