2 hours later, muling nagpatawag ng presscon ang Phillipine Coast Guard, sa pamumuno ni Major Roger Mendoza, matapos matanggap ang nasabing tawag, " As of 12 PM today we found the wreckage of the 2nd vessel , M/V ISLAND HOPPER and according to the passengers manifest 15 of them are students, and 5 crew member aboard the vessel . 8 bodies we're recovered and 7 survivors, 5 is still missing. We can't give any other information as of the moment. Search and rescue operation still on going hoping to find for any survivor. Please standby for the next 2 hours for the update.. thank you very much."
Hindi naman na sila nag entertain pa ng ibang questions, matapos ang presscon na iyon.
Hindi parin maalis sa mukha ng bawat kaanak ang labis na pag-aalala, lalo na ng nalaman nilang may 8 katawan na ang natagpuan. Kahit ang Daddy at Mommy ni Red, ay labis parin ang pag-aalala. Lalo na si Aleng Liza at Mang Johny.
Mag-hihintay pa sila ng dalawang oras, at habang papalapit ang oras na iyn wala naman pagsidlan sa kaba ang nadarama ng mga kamag-anak. Kaya naman nag daos sila ng isang mass, para naman kahit papano ay mabawasan ang bigat ng kanilang problemang kung paano nila matanggap ang pagkawala ng mga minamahal sa buhay kung sakaling kabilang ito sa mga namatay
Samantala sa Isla:
Dala marahil ng matinding pagod ay nakatulog naman ang dalawa sa lilim ng isang punong naroon. Tanging dahon sa puno ng niyog ang ginawa nilang sapin.
Unang nagising si Jed, sa ingay ng hampas ng alon sa dalampasigan, (high tide na kasi) tahimik na pinag-mamasadan ang paligid, iginala ang mga mata at nakita niya si Red na mahimbing parin ang pagtulog. Muli naman nanumbalik sa kanyang alaala ang trahedyang nagyari sa kanila kagabi lang. Biglang sumagi naman sa isip niya ang kanyang Daddy at ang dalawang matanda na malamang ay alam na ang nagyari sa kanya sa mga oras na iyon.
Naisipan niyang maglakad lakad sa dalampasigan, baka sakalaing may makita din siyang survivor o mga kawatan na inanod sa naturang isla.
Ngunit bigo siya sa kanyang inaasam sapagkat wala man lang ni bakas na mga debry mula sa bangkang kanilang sinakyan ang naanod sa islang iyon.
Minabuti niyang bumalik sa lugar kung saan iniwan nito si Red kanina ngunit , hindi na niya nakita doon.
Biglang siyang kinabahan, ang daming pumasok sa kanyang isipan. Baka may ibang tao (katutubo) na nakatira sa isla, at kanilang tinagay si Red..(weeeh?? May ganun Jed)
Di kaya'y may mabangis na hayup at kinain si Red? (at isa pang weeh?)
Hindi naman kasi agad makakaalis si Red dahil nga sa na-sprain ang paa nun.
Di na siya nakatiis at madaling hinanap ang huli., sumigaw na siya ng sumigaw pero walang
Red ang sumagot sa kanya.
Lalong lumakas ang kaba na nadarama.
Pero bigla niya naisip na baka pinag ti-tripan lang siya nito. Maaring nagtago lamang sa mg apuno ng niyog.
Umabot na ng mahigit 15 minuto ang kanyang paghahanap pero wala parin Red nagpakita, kaya naman lalong lumakas ang kaba na nadarama. Baka nga totoo ang kanyang mga naiisip kanina.
Lumawak pa ang luagr na kanyang pinaghahanapa papunta na iyon sa kakahuyan at medyo masukal na bahagi ng isla, nilakasan niya ng kanyang loob at sigaw .
Ng sa di kalayuan may narinig siyang parang tunog ng lagaslas ng tubig .
Habang palapit ng palapit sa naturang lugar kung saan nagmula ang naturang tunog, nakumpirma niya na nga ito na isa itong batis. (maliit na water falls) ahaha.dunno the term basta yun.
Napatigil siya sa pagsigaw nung nakalapit na siya doon dahil namangha siya sa kanyang nakita. Breath taking ika nga, parang nasa paraiso siya sa sandaling iyon, ang tubig ay napalinaw, at sa ibaba ng falls may isang parang swimming pool na nagkulay green at blue dahil sa reflection. Sobrang mangha ni Jed sa lugar, paano ba naman sa TV lang niya ito kadalasan nakikita. Kaya nawala rin sa isip niya ang paghahanap na nawawalang si RedSinubukan niyang lumapit sa falls para mas ma appreciate sa kagandahan nito pero bahagya siyang napaatras ng biglang may umahon mula sa ilalim ng tubig.
Walang ni isang saplot sa katawan, pero di naman niya gaanong natitigan ito dahil bukod sa medyo may kalayuan ang kanyang distansiya mula sa lalaki ay agad naman niyang iniwas ang tingin at biglang nagkubli sa isang puno.(plus Malabo ang kanyang mata kaya given na yun ahaha..good alibi boy labo)
BINABASA MO ANG
Boy Labo Meets Mr. Bully
HumorHighest rank in Humor #92 when boy labo meets the super yabang na bully. kwento ito na magpapakilig sa sistema niyong kinain na ng ka-bitter-an PAUNAWA: Ang kwentong ito ay pag mamay-ari ni P.L.U