CHAPTER 2

431 20 1
                                    

Chapter 2( SG )

Zelieese POV

"Nakahanda na ba lahat ng gamit mo dyan? Baka may nakalimutan ka? Wala pa naman uwian don" sabi ko kay Jana habang nag-iisip kung ano pa ang kanyang nakalimutan

Nung nabasa namin ang poster, no. 1 rule is walang uwian. Dahil may libreng dorm na silang ibibigay sa amin.

Nakakapangilabot nga lang kung ano ba talaga ibig sabihin ng SG? bakit para bang libre lahat. May sikreto ba 'tong paaralan na to?

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo, Jana? Desidido ka na ba talagang mag-aral don?" sambit ko habang sinisara ang aking bag na may lamang damit

"Why not? Bihira lang tayo makakita na libre lahat, Zel? Aatras ka pa ba?" sambit nya na napataas ang kilay

"Okay" tipid kong sagot sa kanya

-----

"Rawr rawr!" tahol ng aso ng makita kami. Nakatali sya sa harap ng school ng SG University

Maala-palasyo pala talaga ang lugar na 'to. Hindi mo iisipin na eskwelahan. Isang palasyo na kulay red ang kulay na may halong white

"School ba talaga 'to?" sambit ni Jana, habang nakahawak sya sa shoulder bag nya

"Pupuntahan ba natin kung hindi? SG nga nakalaga--" naputol ang sabihin ko nang may napansin ako

Bakit walang naka-lagay na UNIVERSITY? Tanging "SG" lang nakalagay

"See" sambit ni Jana.

Lumapit sya sa may entrance kung saan saradong sarado 'to. Walang butas na makikita mo kung ano ang loob

Tumaas nang aking balahibo ng may biglang nagsalita

"Welcome to SG University. Ano ang kaylangan nila?" Isang magandang boses na babae parang anghel

Napapakinggan lang namin sya sa speaker malapit sa doorbell. Hindi pa pinipindot ni Jana ang doorbell pero nagsalita ito agad

tumingingin sakin si jana, na may sinesenyas?

"Ready?" mahina nyang sabi na hindi maririnig ng speaker.

tumango na lamang ako.

"A--ahmm. Mag eenroll po sana kami ng bestfriend ko" sambit ni Jana na palinga linga sa akin

"Okay. Come in Ma'am" sambit ng babae sa speaker na agad kusang bumukas ang gate, na wala manlang tao. Ang galing ng nagplano neto!

May sumalubong sa amin na isang babae na may panyo sa ulo, maganda sya pero kakaiba ang awra nya

"Dun po kayo sa Admin Office" sambit nito na inilahad pa ang kamay para ituro

Napahawak sakin si Jana habang naglalakad papunta sa office na sinasabi

"Mauna ka" sabi ko kay Jana, na pahinang tulak sa pinto ng office

"Bitch. Una kana" natatawa netong sabi, gusto nya ko ilipat sa kinatatayuan nya ngunit nagmatigas ako

Nagulat kami nang biglang nagbukas ang pinto.

Pumunta agad si Jana sa likod ko, kaya ako na nasa unahan. Fucking shit

"Nagkakahiyaan pa kayo" sabi ng babae na hindi masyadong katandaan
Napangiti nalang kami sa kanya "Maupo kayo dyan mga ija" sambit neto na una na kong umupo sumunod si Jana

"Sure na ba kayo dito?" sabi ng admin sa amin

Nagkatinginan kami ni Jana, na sinesenyasan ako na sabay daw kami

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon