Chapter 42 ( Let me go )
(Play ▶ Sad Song by
We The Kings)Sa buhay natin, hindi puro kilig ang matatanggap natin.
Sapagkat may pait at sakit tayong mararanasan,
At 'yon ang kailangan nating tanggapin.
"Haaaay! Ang hirap naman" bulong ko sa aking sarili habang inaalis ko ang mga luha na kanina pa tumutulo
"Lagi ka nalang umiiyak, Zel." nagulat ako nang may nagsalita at umupo ito sa katabi kong swing
Ano nanaman ba ginagawa niya rito?
"Pa-pake mo ba?!" irap kong sabi sa kanya at patuloy lang ako pagtulak sa aking sarili
"Bakit ka ganyan?" kunot na noong tanong ni Thrayll na ikinatigil ng paa ko ang pag swing sa aking sarili
Tinignan ko siya nang may pagtataka.
"Ano sabi mo? Bakit ako ganito?" umismid ako na napatawa na lamang sa sinabi niya "Ganyan ka ba talaga ka-tanga?" diin kong sabi na agad kong pinunasan ang luha ko
Tumayo ako at humarap sa kanya. Nanatili lang siyang nakaupo sa swing na di manlang n'ya ginagalaw.
Nakatitig lang sya sa akin "Ako pa talaga ang tanga?" ngiwi n'yang tanong na napataas ang kilay ko sa inaskad niya
"Oo na! Ako na... Ako na ang tanga! Happy?" sambit ko sa kanya at tumayo na siya sa kinauupuan niya
Hindi ko alam kung ano gusto niyang ipahiwatig sa akin pero ngayon palang nasasaktan na ako
"Tanga ka, kasi minahal mo ang isang katulad ko! Kahit alam mo namang hindi kita kayang mahalin pabali--"
"Kahit hindi mo ko kayang mahalin pabalik. Tama ba?" pagdugtong ko sa pagputol sa sasabihin niya, lumingon muna ako sa kanan para punasan ang luha ko at bumaling muli sa kanya "Ayon na nga eh. Minahal kita kahit alam kong walang sukli, Thrayll. Kasalanan ko ba? Sisihin mo 'tong puso ko" duro ko sa aking dibdib habang humihikbi na ako
Walang reaksyon ang kanyang mukha na nakatingin lang sa akin
"Sisihin mo 'to.. Kasi kahit nasasaktan na 'to, patuloy parin sinisigaw ang pangalan mo eh" pagpunas ko muli sa mga luha ko
"Kalimutan mo na ako, Zelieese. May A--April na ako" malamig na boses na sagot niya sa akin
Hindi siya makatingin sa akin pagkatapos n'yang sabihin 'yon.
"Hu--humanap ka nalang ng i-iba" utal n'yang sabi na nasa malayo ang kanyang tingin
Napangisi nalang ako at tinignan lang siya
"I tried to divert my attention to others but it is still you, it's always been you." napakagat ako ng labi sa pagpipigil kong paghikbi "...Ikaw parin talaga, Thrayll" sabi ko na pinunasan ko ang mga ayaw magpapigil na mga luha ko
"Marami pa dyan, hindi lang ako" tumingin siya sa akin na ikinagulat ko sa pagyakap niya sa akin.
Ang higpit ng yakap niya, hindi ako makahinga sa mga yakap niya. Sinubsob ang kanyang sarili sa leeg ko.
At ako, dahan dahan akong gumanti sa pagkayakap sa kanya at hinigpitan pa. Ayoko nang tigilan 'to. Mahal na mahal ko siya
Nabasa na ang balikat nya sa mga luha ko
"Please, Zelieese. Forget me?" lalong humigpit ang yakap n'ya sa akin. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya "Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Hindi ko deserve 'yan, Zel. Nasasaktan kita at napapaiyak..." rinig ko ang paghikbi niya sa leeg ko "Ayokong nakikita kitang nasasaktan, My Princess. Hindi ko kayang nakikita kitang umiiyak, My Queen" sabi niya na ikinangiti ko
Tinawag niya ako ng Princess? Queen? Ano ibig sabihin ang mga 'yon? Lalagyan ko nanaman ba ng malisya ito?
"Hindi ko kaya, Thrayll." sambit ko na lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya "Sabihin mo sa akin na hinding hindi mo ko mamahalin. Lalayo na ako" hikbi kong sabi
bumalikwas siya ng pagkakayakap na ikinanoot ng noo ko.
"I don't need to fucking say that, Zelieese. I love you! Mahal kita noon pa man! Tangina... Kaya wag mong sasabihin sa akin 'yan" wika niya sa akin na naramdaman ko ang pagpunas ng mga kamay niya sa mga luha ko
Ang gulo. Ano ba sinasabi niya? Kanina sabi niya-- What the fuck! Ano ba talaga?
"Bakit? Sinabi mo dib--"
Nagulat ako sa pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nakadilat ako nang nakapikit naman siya at agad itong inalis agad
Naramdaman ko ang halik na may pagmamahal. Kay Thrayll ko lang naramdaman 'yon
Bakit? Bakit binitawan mo agad? Shit. Nakakabaliw ang labi mo, Thrayll.
Dinikit niya ang noo niya sa noo ko
"Mahal kita, Zelieese. Pero may nangangailangan sa akin at 'yon ang dahilan kung bakit hindi kita magawang ipaglaban, Sweetie" sabi niya
Napapikit ako nang dumikit ang labi niya sa noo ko
"Anong klaseng pangangailangan 'yon, Thrayll? Ano?" pangungulit kong tanong sa kanya
"Wag mo nang alamin. Basta mahal kita at 'yon ang importante. Mahal na mahal kita.. Mag-iingat ka" kurot niya sa pisngi ko na ikinangiti niya at agad itong tumalikod
Napahikbi nanaman ako. Wag mo ko talikuran, Thrayll. Ang sakit eh
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na tumigil siya sa paglalakad
Hindi manlang ito lumingon at tumuloy muli sa paglakad
"Thrayll!" tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng patalikod. Naramdaman ko ang abs nya
"Wag mo kong iwan oh! Mahal mo ko diba? Ang daya mo naman eh. Ipaglaban mo naman ako, Thrayll." paghikbi kong sabi sa kanya
"Zelieese" malamig niyang boses na lalo akong humigpit sa pagkakayakap "Let me go" diin n'yang sabi na dahan dahan niya tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya
Lalo ko itong hinigpitan "No! No! Please, Thrayll. Wag mo kong iwan" pagmamakaawa ko sa kanya
Wala manlang akong natanggap na sagot niya subalit tinanggal niya na ng tuluyan ang pagkakayakap ko sa kanya
Napaluhod ako sa lupa. Habang tinitignan siyang naglalakad palayo sa akin
"Bakit ganyan mo lang ako kadaling bitawan..." di ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulhol
Naiwan akong nag-iisa sa kalagitnaan ng dilim.
Ganito ang puso ko. Madilim na. Sobrang sakit na.
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mystery / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"