Chapter 9 ( Bodega )
Ito na ang araw na mag-uumpisa na iisalang ang lahat ng naka punta sa announcement
Nakakaba... Kaya ko ba 'to?
Hanggang ngayon wala pa si Jana, nasaan ba sya? bakit hindi sya nagpapakita sa amin? maski ang kanyang pinsan ay hindi nya alam kung nasaan sya
Nilibot ko ang paligid kung saan nakahiga sila Thrayll, Cleo, Jaysec, Zene sa higaan ni Jana at ang myembro ay sa lapag. Pahalang sila para magkasya sila
Tinignan ko ang labas ngunit madilim pa ang kalangitan... bumaba ako at dahan dahang naglalakad papunta sa bintana
Nilipat lipat ko ang ang aking tingin sa magkabilang hallway na walang tao
"Psst!" isang sitsit ang narinig ko na malapit sa akin
shit. Bwg nanaman ba 'to? pero may laban sila ngayon ah? may oras pa silang mang-rape
"Bat di ka pa natutulog?" nagulat ako at napatingin sa likod ko kung saan nangagaling ang sitsit
Si...si Thrayll
"Ma--master" gulat kong sambit sa kanya
"Don't call me master cause I'm your..." putol nyang sambit
Napaatras ako dahil umaabante sya sakin
"Awch" naramdaman ko na bintana na pala ang nasa likod ko
Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa grills. At nakakulong ako sa kanya. Wth, Thrayll
"Cause I'm your..." lumapit ang ulo nya sa tenga ko na napapaatras ako dahil sa kiliti
"Nothing" natatawa nyang sambit
Kumunot ang noo ko at tinulak sya. Nakakainis! Paasa -____-
Bumalik ako sa higaan ko at nagtalukbong
"Nag expect ka no?" natatawa nyang wika
"Shut up" sambit ko habang nakatalukbong ng kumot... Oo na nagexpect ako!
"Shhh. Matulog kana kasi" sambit nya at naramdaman kong may umupo sa kama ko
Dahan dahan kong binaba ang kumot ko at unti-unting lumingon sa kanya... nakita ko syang nakangiti, kahit madilim ay nakikita mo parin ang maala-brown nyang mga mata
"Black gang warrior ka ba?" ngisi kong sambit na ikanuot ng noo nya
"Wat dafak! I'm not like that, Zel. Wala akong balak na ganon sayo" natatawa nyang wika
Okay.. ikaw na walang pagnanasa sa akin -___-
"Master" isang boses na babae ang narinig ko na nanggagaling sa controller
"Sino to?" tanong nya habang hawak nya ang controller
Akala ko ba 'master' lang pwede don? Bakit nagtanong pa sya?
"Jana 'to. Puntahan mo ako dito sa bodega. Tulungan mo ko" sambit ni Jana...
Nagtataka ako bakit parang iba ang boses nya? Bakit parang seryoso masyado ang mga tono nya na hindi natatakot ang boses? Si Jana ba talaga yon o katulad kay Jaysec nagpapanggap nanaman
Nagkatinginan kami ni Thrayll at sinesenyasan ko na siguraduhin nya
"Jana? Ano kulay ng talampakan mo kung ikaw yan?" tanong ni Thrayll sa kabilang linya sabay ayos ng buhok
Tulog parin ang mga ka-myembro nya kahit ang lakas na ng boses ni Thrayll.
"Tutulungan mo ba ko o hindi?!" narinig ko ang paglakas ng boses nya
"Kaya mo na yan" wika ni Thrayll at agad itong pinatay
Tumayo sya at kinuha ang kanyang Jacket na black
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na napa-upo ako
"Pupuntahan ko sya" sambit nya at agad papunta na sa pintuan
"Thrayll! Wag! baka hindi si Jana yon" pag-aalala kong sambit at agad akong tumayo para mahawakan ang kamay nya
"Alam ko pero wala naman masama kung manigurado diba?" sambit nya
Lalo kong hinigpitin ang paghawak ko sa kamay nya habang ang isang kamay ay nakahawak na sya sa door knob
"Meron! Mapapasama ka, Thrayll" sambit ko at umiinit na ang mata ko
"Wag kang mag-alala sa akin, Zel. Kaya ko ang sarili ko... Kapag wala pa ako ng 6:00 am pasunodin mo na ang ibang myembro maliban kay Jaysec at Cleo na sila ang magbabantay sayo" sambit nya at pinunasan nya ang mga tumutulong luha ko
Tumango na lamang ako. Wala na akong magagawa kung 'yun ang gusto nya
"Mag-iingat ka, Thrayll. Please?" wika ko
Niyakap nya ako.. naaamoy ko ang pabango nyang ginamit
"Mag-iingat pa ko, gusto ko pa grumaduate no" natatawa nyang banggit
Tumawa na lamang ako at dahan dahan ko na binitawan ang nakahawak kong mga kamay sa kanya
Ngumiti sya sa akin at dahan dahan nyang binuksan ang pinto na agad akong sumunod hanggang sa tapat lang, tinignan ang pag-alis nya na unti-unting nawawala sa dilim
Sana okay ka lang, Thrayll.
Sana balikan mo pa ako...
Dahil sasabihin ko pa sayo na unti-unti na akong nahuhulog sa'yo
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mystery / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"