CHAPTER 37

92 8 0
                                    

Chapter 37 ( Goku )

Cleo's POV

Nakita ko si Goku na nakahiga sa lupa. Pvta! Hindi 'to pwede

"Jaysec!" sigaw ko na tila dahan-dahan syang pumikit

"Go-goku!!" sigaw ng mga kasamahan ko na tumakbo kay Jaysec

Naglakad ako papalapit kay Zene

Naiwang nakatayo sila Jana at April kay Jaysec habang ang mga kasamahan ko ay pilit na ginigising si Jaysec. Tumingin ako ng malalim sa demonyong ngiti ni Zene

"Hindi ako makapaniwala.. na magagawa mo 'to--sa kaibigan mo" diin kong sambit sa kanya

Nakatayo lamang ang isa nyang alagad sa tabi nya habang nakahawak ito sa bulsa na para bang may hawak

Ang hirap. Ang sakit isipin na sa ilang taon na pagsasamahan namin ay may ahas pala... May ahas palang gustong patayin kami

Naramdaman ko na lamang na dahan dahan tumayo ang mga kasamahan ko sa likod ko

Narinig kong humalakhak si Zene

Parang hindi sya.. Hindi sya ganito... Hindi ganito ang kaibigan namin

"Ngayon maniwala kana! Hindi ako si Zene!" nanindig ang kalamnan ko sa sinabi nya "Ako si Preyl. Lider ng---" Ngiti ni Zene sa kasamahan nya na sumenyas na sya na magdudugtong ng sinabi nito, puno ng hikaw ang gago.

"...Black Warrior Gang" ngising wika ng alagad nya

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nila? Sya si Preyl? Kaya pala kapag nakikita ko 'yon ay laging nakamaskara na Gold na may Black. Sya pala ang hayop na yon

Leader ng mga malilibog?--- Now I know.

Unti-unti na nagsi-sink in sakin lahat...

"Nice! Ang galing mong magpanggap" narinig kong mahinang palakpak ni Wiz

"Tangina! Sa Four years nating magka-kaibigan. Paslang ka palang hayop ka!" Gigil na sambit ni Greig

"Tangina mo sagad!" sabat ni Carl

"Ahas!" wika ni Deff

"Sino sa inyong dalawa pumatay kay Goku? Tangina!" galit na sinabi ni Seb

Tiniklop ko ang mga kamao ko habang tinitignan ng matindi ang hayup na paslang

"Ako, bakit?" natatawang sabi ng kasamahan ng Ahas

"Ohh! Nice! Ikaw pala" angas na lumapit si Seb sa lalaking dugyot

Kailangan namin paghigantihan ang ginawa nila sa dalawang kasamahan namin na namatay.

Crenox at Goku. Bibigyan namin kayo ng hustisya

Nakita ko ang kamay ng dugyot kung saan may hawak syang bagay sa loob ng kanyang bulsa

"Se--"

Naputol ang sasabihin ko ng hinawakan nya ang kamay ng dugyot kung saan nakahawak ito sa patalim

"Kanina ko pa yan alam, Bro" natatawang sambit ni Seb

Ngumiti na lamang ako nang sinugod na nila Greig ang alagad ng ahas

Nilingon ko sila April na nakatulala parin. Woah! Para silang mga sabog "Jana! Humingi kayo ng tulong! Hanapin mo si Thrayll. April? Bantayan mo lang si Jaysec dyan" wika ko sa kanila na natauhan agad

"Si-sige, Kuya" tarantang sunod ni Jana at agad ito bumaba

Nabaling ang tingin ko kay Zene na balak sanang tumakas

Hinatak ko ang kwelyo nito sa batok pahatak sakin

"Br-bro. Pa-pasensya" pinagpapawisan ito na pilit parin kumakawala sa pagkakahawak ko

"Bro? Ang lakas pa talaga ng loob mo ma-tawag tawagin akong bro--- Pagkatapos nyong patayin si Jaysec? Putangina--- Wag mo na kong tawaging tropaaa!" sambit ko ng suntukin ko ang mukha nito at tumingin sya sakin ng malalim

Oh c'mmon. I like that shit

Hinawakan nya ang pisngi nya kung saan dumapo ang apoy kong kamao sa pagmumukha n'ya

Hinawakan nya ang kamay ko na agad ako nakaisip ng teknik na tinuro ni Thrayll. Umikot ako para maikot din ang kamay nya sa nakahawak sakin at agad ko 'tong inupper cut ngunit... agad nyang naiwas na ikinagulat ko

"Akala mo hindi ko alam ang gagawin mo?!" ngisi sabay apak sakin sa paa na naalala ko ay tinuro din ito ni Thrayll sa amin

Hayup na yan! Alam nya rin ang teknik ni Master

Umiwas ako ng may kutsilyo na nakahawak ito

Umatras ako ng konti... Tinignan ko sa likod ko ang nagkukumpulan nila Wiz kung saan pinagtutulungan nilang lima ang alagad ng ahas na to

Pagkalingon ko kay Zene ay nadaplisan ng kutsilyo ang pisngi ko.

Puta! Mabuti na lamang umiwas agad ako pero ang sakit tangina. Yung inalagaan kong mukha

"Tangina!!!" sigaw ko ng tumakbo ako sa kanya na naramdaman ko na lamang na parang lumipad ako at agad kong sinipa ang mukha nya dahilan ng pagkatunog ng leeg nya

Mabilis syang bumagsak sa lupa na tila nahimatay ata ang ahas

Pagbaba ko sa lupa ay hingal ang natamo ko

Hindi ko aakalain na nagawa ko ang pinaka itinuro samin ni Master

Tinignan ko sila Greig na di parin tinitigilan ang alagad ng ahas. Lumapit ako para tignan ang alagad ng ahas kung ano na itsura

"Tangina!" mahina kong boses na sinabi ng makita ko ang mukha nito

Tila punit punit na ang damit at puno ng saksak

Hindi mo na makilala ang mukha dahil sa mga dugo nito

Lumapit ako para paawatin na sila

"Tama na. Patay na" wika ko na agad sila na natauhan

Nakita ko ang pag-pahid ng mga luha nila na may naramdaman akong sakit

Ayokong nakikita silang umiiyak... Pogi kami pero tangina. Kapag may nawala sa isa sa amin ay parang pumapangit sil--kami

Agad ako nag lahad ng yakap sa kanila na tila nag group hug kami.

"Napaghiganti na natin sila..." hikbi ni Deff

Nang bumalikwas na kami sa isa't isa ay agad kaming napatingin na nanatiling natutulog

Lumapit ako dahan dahan.

Umupo sa harapan tabi nya

"Goku?...Patay ka na ba talaga?" kunot kong noo na napatawa na lamang ako

Hindi ko pinapansin si April na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa amin

"Bro? Napatay na namin sila. Napatay na natin. Gumising kana oh" yugyog ni Wiz dito na tila tuloy tuloy ang pagpatak ng luha

"Thrayll?!" Naagaw ang atensyon namin kay April at sila Thrayll na dumating habang nasa likod nila ang mga pulis

Niyakap agad nito si Thrayll ngunit hindi gumaganti ng yakap si Master dahil nakatulala ito kay Jaysec

Hinawakan nya ang braso ni April nang hindi manlang inaalis ang tingin kay Jaysec at dahan dahan ito inilayo sa kanya sabay takbo patungo sa direksyon namin

Lumuhod ito para maabot si Jaysec

Shit. Naiiyak na talaga ako

"Goku! Gumising kana dyan! Okay na... Okay na ang lahat" pilit na ginigising ni Thrayll si Jaysec na hindi parin dumidilat.

Naririnig ko ang mga hikbi ng mga katropa ko habang si Greig ay sinuntok pa ang pader

"Goku!--Jaysec! Tangina! Gumising ka!" diin na sambit ni Master habang patuloy ang pagtulo ng mga luha nito

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon