CHAPTER 41

132 8 0
                                    

Chapter 41 ( Spoken Words )

"Tama na" sambit ni Jana sa akin na katabi ko

Andito na kami sa malapit na bar, malapit na kaming makompleto

Kulang lang ng isa... Si Thrayll

Pati pa pala ang kanyang minamahal

Aangka pa sana ako kumuha ng isa pang bote ngunit naunahan na ako ni Jaysec "Salamat ha" ngiti nitong sabi na inirapan ko lang

Kakagaling lang ng commatose nito hinayupak na 'to kaya binabawi ang dati nyang gawi

Kami lang ata ang mahabang lamesa dito dahil kami ang maraming grupo.

Halos lahat kami ay mga single pa. Si Wiz lang at si Thr--Thrayll lang naman ang taken dito

Naagaw ang atensyon namin sa babae na pumunta sa stage

"Sino magaling mag-spoken word dito?" tanong nya habang nililibot nya ang kanyang mga mata sa loob ng bar

Nahihilo na ako..

Wala pa sil--- Wala pa siya.

"Ito, miss oh!" nagulat ako sa sigaw ni Jaysec na ikanagulat ko rin dahil ako pala ang dahilan ng paglakas ng boses n'ya na tinuro pa ako

Tumaas ang kilay ko na agad ko binaba ang kamay ni Jaysec na nakaturo sa akin ngunit yung mga kasamahan ko naman ang tumuro sa akin. What the...

Umiling nalang ako sa babae na nasa stage at ngumiti ito sa akin "Ikaw, miss." sambit nya habang bumababa

Nakakahiya. Halos lahat ng tao na nasa bar nakatingin sa akin

"Ayoko!" taray kong wika sa kanila

"Wag ka ngang Kj, Zel. D'yan mo ilabas lahat ng hinanakit mo" sabi ni Cleo sa akin na tinignan ko lang siya "Nakita na kita one time nag is-spoken words sa dorm n'yo" napatawa ito sabay lagok ng alak na hawak niya

Tumingin ako sa kanan ko na nandito na pala 'yung babae. Sinusundo na ako

Nakakainis.

"Go, Zel!" pagtutulak sa akin ni Jana

"Go!" wika ng mga SG Members

Bahala na. Mabuti na lamang at nakainom ako

Umiling na lang ako at sumama sa babaeng nagsundo sa akin

Habang papunta ako sa stage, naaaninag ko ang tinginan ng mga tao sa paligid ko

"Broken siguro 'to, kaya tinuro ng mga kasamahan" wika ng babae na dumaan ako sa harap nya

Agad ko siyang tinignan na agad nagtago sa likod ng kasamahan niya

"Baka gusto mo nang mamatay?" irap ko sa kanya at pumunta na ako sa stage

Nakapatay na ako ng tao. Baka gusto niyang makatikim

Pero iba parin ang nararamdaman ko ngayon, bigla akong kinabahan sa dami ng tao sa harap ko.

Halos lahat ay nakatingin sa akin... Shit

"Go, Miss." ngiti sa akin ng babae na nagsundo sa akin at tumabi na sa baba ng stage

Ako nalang ang tao dito sa stage na ito. Nangangatog ang mga tuhod ko

First time ko mag spoken words sa maraming tao

Debale, wala naman siya eh.

Inayos ko ang standy ng mic at inayos ko rin ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at nginitian sila

Narinig ko nalang ang pagtugtog ng isang kanta na damang dama ko sa pag sasalita ko

(Play the music ▶ I'll never go by Rovs Romerosa)

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon