CHAPTER 19

147 11 0
                                    

Chapter 19 (Brother)

Nagising na lang ako nang pawisan..

Kumukalam ang tyan ko..

Anong oras na ba?

Papatayin ba nila ako dito?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid na puro karton ang laman, nasaan ba ako?

Bodega?

Dito na nila nilagay si Jana noong tumawag sya kay Thrayll...

"Thrayll?" wika ko sa aking sarili

Bakit wala pa sya?

Oo nga pala.. Hindi nya alam na andito ako. Ang tanga ko talaga

"Ang init!" napatingala na lamang ako

Nakalugay pa ang buhok ko, sino ba hindi maiinitan? Nasa kulob ka pa. Wtf!

Napatingin ako na may tumutunog sa pintuan parang tinatanggal nila yung pagkakasara ng pinto

Pagbukas ng pinto ay nasinghap ko ang simoy ng hangin na parang mabubuhay pa ako

Tinignan ko ang labas kung saan madilim at nagsasayawan na mga puno dahil sa hangin

Pumasok ang isang lalaki kung saan may hawak na pinggan at isang boteng tubig

Binaba nya ito sa harap ko

"Kumain kana muna dyan bago ka patayin" sambit ng lalaki na tama lang katawan. Nakatakip na black na mask

Kinilabutan ako nang sinabi nyang 'bago ako patayin?' Hindi pwede! Hindi maaari

"Joke lang wag kang kabahan. Kumain kana" binawi nyang wika at aangkang lalabas na

"Are you fucking kidding me? Paano ako makakakain nito kung nakatali ang mga kamay ko?" taas kong kilay na sabi sa kanya na ikinanuot ng noo nya

"Pwede namang makiusap ng maayos, Miss diba?" napailing na lamang ito at pumunta sa likuran ko para tanggalin ang pagkakatali

Naramdaman ko ang konsensya sa kanyang sinabi. Tama sya hindi ako nakiusap ng matino.

"Hmm. So-sorry" utal kong sambit sa kanya

"Okay lang. Ramdam ko yang nararanasan mo" wika nya at pumunta sya sa harap ko

"Salamat" ngiti kong sabi sa kanya habang iniistretch ko ang kamay ko, nakakamiss magkaroon ng malayang kamay

Tumayo sya at aangka nanamang aalis nang tinawag ko sya na ikinalingon nya "Ramdam mo? Naranasan mo na ba 'tong naranasan ko?" kunot noo kong tanong sa kanya

Nakita ko syang natawa at nagpamulsa

"Naranasan ko nang malipasan ng gutom" natatawa nyang sambit at umiling na lamang

Damn. Akala ko naman yung ganito na kidnap

"Bwisit" taray kong sambit sa kanya "pero salamat ulit" wika ko

"Wag ka mag-alala, may magliligtas sayo. At yung tao na yon, pasabi sa kanya sorry.." hinawak na nya ang doorknob

"Wait!" sigaw ko sa kanya na napahinto naman sya ngunit di sya lumilingon sa akin. Naghihintay lang sa mga sasabihin ko

"Si-sino?" tanong ko sa kanya

"Brother ko. Si Master." wika nya at lumingon sa akin na dahan dahan nya tinanggal ang mask sa kanyang bibig "Pakilala mo na lang ako sa kanya ha? Di ko pa sya name-meet kahit isang beses. Ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa ni Daddy" ngiti nyang wika sakin

Kumunot ang noo ko dahil sa gulo ng iniisip ko

Brother? Syempre father nya yung kumuha sa akin? At hindi nya alam na may brother sya?

"Wait. ang gulo. Umupo kana muna pwede? nakakangalay tumingala eh" napahawak ako sa pisngi ko na masakit parin

Napailing sya at sinara muli ang pinto, binuksan nya
Sumunod naman sya sa akin at umupo sya sa isang bakanteng square na parang box ng biscuit na ikinaharap sa akin

Tumahimik ang paligid tanging isang malabong liwanag ng ilaw na sapat para makita namin ang isa't isa

"Ano ba itatanong mo?" binasag nya ang katahimikan at nagkwatro ang kanyang upo

Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin ako sakanya na nakatitig lang sya sa akin

His eyes... so damn much good

Pero mas gwapo si Thrayll

"Hindi alam ni Thrayll na may brother sya?" litong tanong ko sa kanya at napansandal sya

"Yup. Actually di nya alam na ang gumagawa ng lahat ng 'to ay si Daddy. Kapatid ko sya sa tatay.." panimula nyang wika

Natahimik lang ako at naghihintay ang susunod nyang sasabihin. Napabuntong hininga sya at umayos ng upo

"Sa totoo lang hindi nya kilala si Daddy.. Bakit?" napailing syang nakangiti "Nung bata palang sya iniwan na sila.. Kaya nung kinuwento sa akin 'to ni Dad ay namuo ang konsensya ko para kay daddy."

Nang laki ang mata ko nang pinunasan nya ang kamay nya, hindi ko namalayan na lumuha na pala sya

"Bakit ngayon? bakit ayaw nya magpakilala kay Thrayll? mabait si Thrayll. Maiintindihan nya siguro yon" wika ko sakanya na nakatitig lang sa kanya

Umiwas sya ng tingin sa akin at bumaba ang tingin nito sa lupa habang nakatukod ang dalawang siko nya sa hita nya

"Alam ko. Mabait si Kuya sa taong malapit sa kanya o sa kamag-anak nya. Alam ko yon kasi binabantayan ko sya. Ako nagbabantay ng CCTV ng unibersidad na 'to" wika nya na di parin tumitingin sa akin "Alam mo ang kinatatakutan ko?" tumingin sya sa akin "Ang mapatay nya si Daddy nang hindi nya manlang makilala, O ako. Wala syang sinasanto kapag hindi nya kilala ang isang tao"

Napailing na lamang ako. Hindi dapat. Hindi dapat mangyari ang mga ganong bagay.. Alam ko ang feeling na mawalan ng ama gaya ng namatay si Tatay. Paano pa kaya si Thrayll? na hindi manlang nya nakilala ang tatay nya

"Hindi ako papayag na mangyari yon. Bakit ba ginagawa to ng ama mo? Ganon ba talaga ugali non?" kunot kong tanong sa kanya

Ngumisi sya sa akin at inayos ang buhok nya "Don't judge the book by its cover ika nga"

Tumayo sya at napatingala ako "Maiintindihan mo rin ang lahat, Zelieese" ngiti nyang sambit sa akin at dahan dahan na pumunta sa pintuan

"Ano pangalan mo?" pahabol kong tanong sa kanya na hindi manlang lumilingon

"Ciendrik.. Ciendrik Curtson" sambit nya na agad nyang isinuot ang kanyang mask at binuksan na ang pinto

Tinanguan na nya ako na hudyat na muli nanaman ako ilo-lock.

Nakita ko ang labas na papasilaw na ang araw

Mag-uumaga na pala..

Dahan dahan nyang isinara ang pinto na at naririnig ko na ang mga kadena nito

"Thrayll Curtson?" natatangi kong sambit

Napatingin na lamang ako sa binigay ni Ciendrik na pagkain at agad ko 'tong sinunggaban. Gutom na talaga ako

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon