Chapter 46 ( Paalam )
"Buksan mo na 'yung pinto. Baka gusto mo pang pagbuksan kita?" ngising wika ni Thrayll sa akin na nasa likod ko
"Paano 'yan, tinatamad ako. Uuwi na ako by--" aangka na sana akong bumalik sa pinanggalingan namin ng humarang naman siya.
Natulala ako sa katawan niya. Kahit naka Tshirt lang ito ay mababakas ang kaseksihan n'yang taglay
Padaanin mo ako.
Pag-iiwas ko nang tingin sa kaniya na nakatingin lang siya sa akin
"Pumasok kana kasi" papalapit siya ng papalapit kaya paatras din ako ng paatras ng nararamdaman ko na 'yung pinto sa likod ko
"Kapag hindi ka pa pumasok. Ako na ang magpapasok sayo" nilapit niya sa akin ang mukha niya sa tainga ko nang napaatras na ako ng tuluyan
"Aaaaray!" sambit ko nang bumagsak ako sa sahig. Shit! Bukas naman pala ang pinto
Nakita ko ang pagtawa ni Thrayll na kumindat pa ito
Inirapan ko na lamang siya. Napatingin ako kay April na nasa paanan na pala ako ng kama niya
Nakita ko ang pag-ngiti niya sa akin at inirapan ko lamang ito
Alam ko naman na tuwang tuwa siyang nakikita niya akong nasasaktan lalo na't si Thrayll pa ang dahilan
Nakita ko ang pag-alok sa akin ni Thrayll ng kamay niya
Tinignan ko pa ito..
Kukunin ko ba ito?
Ay hindi. Nagmo-move on na ako
"Kaya ko na sarili ko." pagtaas kong kilay na sinabi at dahan dahan akong tumayo
Ramdam ko ang pagsakit ng puwet ko.
"Ayaw mo kasing pumasok eh" seryoso nitong winika na iniwasan ko na lamang ng tingin "Sorry" malamig niyang sinabi at saka na lumabas
Kami na lang ang naiwan ni April dito
Hays! Wala 'man lang pasintabi! Nakakainis talaga. Iniwan ako dito sa mahal niya
Inikot ang paningin ko sa kwarto na ito. Iniiwasan ko ang mapatingin kay April
Inis ang nararamdaman ko sa kaniya
"Zelieese" Mahinang boses ni April na tama lang para marinig ko
Kunyari ay wala pa ako naririnig
Sanay naman akong magpanggap
"Zel--" wika niya na bigla itong inubo
Dahan dahan akong tumingin sa kaniya na nakahawak siya sa kan'yang dibdib
"O-okay ka lang?" pag-aalala kong sabi na dahan dahan akong lumapit
"Okay lang..." ngiti niya at sumenyas siyang umupo raw ako
Di na ako nagdalawang isip pa. Baka dito pa mahimatay 'to eh
"Bakit gusto mo kong kausapin?" tanong ko sa kaniya
Nakatingin ako sa mukha niyang namumutla na. Dry na ang kaniyang labi
This time... parang natatabunan ang inis ko ng awa
"May mga gusto akong sabihin sa'yo" panimula niya dahan dahan niya hinahaplos ang kaniyang puso
"Ano?" tanong ko.
"Bago ako mawala. Gusto ko lang malaman mo na minahal ka talaga ni Thrayll" ngiti niya na umubo pa ito ng saglit
"Mawala? Mamamatay kana ba?" pagtataka kong tanong
"Ikaw talaga ang mahal niya, Zel. Pasensiya kana kung nasira ko kayo. Nang dahil sa akin hindi ka niya natuluyang ligawan dahil sa pakikiusap ko sa kaniya" sabi niya na makikita mo ang lungkot ng mata niya
"Naka move-on na ako..." ngiwi kong sabi
Nakamove-on na ba talaga, o pagpapakita ko lang na okay ako?
Hays.
"Kung ang sarili mo naloloko mo. Ako, hindi" tawa n'yang sinabi na napakagat na lamang ako ng labi
"Okay... Hindi pa pero--- malapit na" sabi ko
Susubukan ko.
Napatawa siya "Kaya ka minahal ni Master e" napatingin siya sa kisame at bumaling muli sa akin ang tingin niya
Pinipigilan n'ya sigurong umiyak dahil ganyan din ako minsan.
"Ikaw ang mahal non" ngiti kong sinabi
Sinabi n'ya lang sakin 'to para pagmukhain akong tanga na ako ang mahal ni Thrayll kasi mamamatay na siya
Ganon na lang ba palagi? Ako ang taga-salo ng naiiwanan na?
"Mali ang iniisip mo. Simula pa lang, ikaw na ang mahal niya" giit niya "Zelieese. May mga bagay na kailangan isakripisyo para pagbigyan ang taong nangangailangan. At si Thrayll 'yon... Kasi alam mo sinakripisyo niya ang sarili n'yang kaligayahan para lang mapagbigyan ang kahilingan ko" wika niya na nakikita ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mata niya
"May taning na ako Zel. Alam ni Thrayll 'yan... Wala na kasi akong pamilya dito iniwan na nila ako. Nagmakaawa ako kay Thrayll dahil gusto ko bago ako mamatay maging kami ng crush ko" pagngisi niya
Nararamdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko na agad kong pinunasan
"Sorry-- hindi ko alam, April. Kung sinabi mo agad edi sana naintindihan ko pa" patuloy ang pagpunas ko sa mga luha ko
Napatawa siya muli "Basta, maaari n'yo nang ipagpatuloy ang pagmamahalan niyo na sinira ko" hinawakan niya ang kamay ko "Sana bumalik muli ang pagmamahal mo sa kaniya, Zel. Mahal na mahal ka ni Thrayll. Nasasaktan s'ya kapag nakikita ka n'yang nasasaktan" ngiti niya sa akin
Kahit kailan naman hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay Thrayll. Ganon kalakas ang tama n'ya sa akin.
"Salamat, April. Ako ang magpapatuloy ng pagmamahal mo sa kaniya" hikbi kong sabi
"Wag ka nang umiyak. Ayaw ni Thrayll na nakikita kang ganyan. Baka magalit 'yon sa akin dahil pinaiyak kita" napatawa nalang ito
Nagawa niya pang mag-biro sa kabila ng sitwasyon niya... Nakakainis. May taglay ka rin palang kabaitan April.
"Aaaaray" nabitawan niya ang pagkakahawak sa akin dahil napahawak ito sa dibdib nito "A-ang sakit" napapaiyak siya sa sakit na napatayo agad ako
"April! Teka lang! Tatawag ako ng doctor" pagtakbo ko sa pinto
Aangka na sana akong ipihit ang door knob ng narinig ko ang pagsalita niya "Pakisabi kay Thrayll..argh--Salamat sa pag-alaga sa akin" ngiti niya na agad napatingin siya sa kisame
Nangangatog akong buksan ang door knob ng nakita ko si Thrayll na nakaupo
"Thrayll. Tumawag ka ng doctor! Si April" nagulat si Thrayll sa sinabi ko at agad itong tumakbo
Napaiyak ako sa kinatatayuan ko.
Di ako makagalaw
Nagmamadaling pumasok ang Doctor kasama ang Nurse.
"Wag ka nang umiyak" natauhan ako sa pag punas sa akin ng luha ni Thrayll at saka ito pumasok
Ayokong makita ang ganitong sitwasyon. Ang hirap.
Dahan dahan akong tumingin sa loob ng kwarto nakikita ko ang kakatigil ng pump nila
"Sorry pero wala na ang pasyente" pagkadismaya ng doctor na dahan dahan itong lumabas
Tumabi ako para makadaan sila.
Di ko napigilan ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko
Nakita ko si Thrayll na dahan dahan lumapit kay April
"April. Gumising kana dyan" malamig na boses ni Thrayll
Napayuko na lamang ako at umupo sa bench
Bakit kailangan pang may mamatay... Pwede namang humingi ng tawad nang hindi namamatay
Pag-iling ko sa aking sarili.
Paalam.
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Bí ẩn / Giật gânHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"