Chapter 6 ( Who? )
Jaysec Roljand POV
"Iiwan mo nanaman ako?" sambit ko kay Sere
Hirap palang magpanggap na okay ka lang no? Masaya ako, yep. But its part of my being best actor
"Sorry, Jaysec. But I don't love you anymore" sambit ni Sere na ikinabagsak ng luha ko
Fuck. agad kong pinahid agad.. Ayokong umiiyak sa harap ng babae. Baka lumaki ulo nila kapag iniiyakan sila ng isang poging tulad ko
"That's your final decision huh? babe?" wika ko. hinawak ko ang dalawang braso nya, tinitigan ko sya sa dalawa nyang mata na hindi mo mawari kung ano ang nararamdaman nya ngayon "Binigay ko lahat sayo, Sere! Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na binalikan kita kasi akala ko magbabago kana. Alam kong magagalit sila kapag binalikan kita noon diba? pero wala akong pake kung malaman nila. Ipaglalaban kita, babe. pero bakit mas pinipili mo sya kaysa sa akin? Ganon ba ako kadaling palitan? Ganon ba?!" sambit ko habang niyuyog ko ang braso nya.
Napayuko na lamang ako, at naramdaman ko ang kamay nya dahan dahan inaalis ang pagkakahawak ko sa braso nya "Sorry" tipid nyang sabi at dahan dahan syang tumalikod
Napaluhod ako habang tinitignan syang naglalakad..
Its 5am in the morning.. Andito kami sa likod ng Practice room
Di ko alam kung bakit pinagpalit mo ko sa isang inutil.
3 years? ganon lang ba kadali ang lahat? Yes. Nagpapanggap akong womanizer sa mata ng mga kaibigan ko pero wtf. I'm loyal with only one girl
Nagbreak na rin kasi kami dati, ganito din ang rason nya. She's inlove with another. Kaya nagalit sila Thrayll, wag na wag ko na raw babalikan
After a month, nagparamdam ulit sya at sinabing ako talaga ang mahal nya. Ako naman tong si Gagong pogi, pumayag namang balikan sya pero sikreto sa mga tropa ko dahil mapapatay ako sa walang oras. Wala eh, 1st Girlfriend. Binigay ko na lahat pati nga pagka-lalake ko binigay ko na dahil mahal ko sya.
Pero bakit? bakit, bumalik nanaman. Ang sakit eh. Ang sakit sakit!!! What the fuck!!!
Akala mo may babalikan ka pa, Sere? Ipapakita ko sayo kung ano ang sinayang mo.
Dahan dahan ako tumayo sa pagkakaluhod.
"Heeeeeeeelp!!!!" isang sigaw ng babae na narinig ko
Dahan dahan akong tumingin sa labas kung sino ang sumisigaw
Dafak! Si Zelieese!
Nakita kong buhat buhat sya ng isang lalaki na nakamaskarang itim
"Heeeeeeelp me!... Bitawan nyo ko!" sambit nito habang pinapalo ang likod
Ano ba ginagawa nya sa ganitong oras? Nako naman.
Tadaa! Napangiti ako sa iniisip ko ngayon
"Salamat, Sere! May pagbubuntungan na ako nang galit!" sambit ko sa akin sa sarili
May nakita akong mahabang kahoy at kinuha ko to.
Nakita ko nang pumasok na ang mga BWG sa building kung saan dun nila nilalagay ang mga nirarape nila. Dapat pinangalangan ang grupo nila ng Libog Gang eh! Dfq.
Agad akong tumakbo para mahabol sila habang hindi pa sinasamantala si Zelieese.
Nang malapit na ako sa kanila, binagalan ko ang pagtakbo ko at agad akong nakita ni Zelieese.
"Shhhhh" sambit ko sa kanya at sumenyas na wag syang magsasalita
Nakita kong pigil ang paghikbi nya.. Shit
Nakita ako ng mga myembro ng BWG at hinarangan nila ako sa hagdanan samantalang ang may buhat kay Zelieese ay tuluyan ng umakyat. Wtf.
Kaylangan ko nang mag sandoku!
ANG DAMI NILA. PERO BALEWALA SAKIN TO. SERIOUSLY, IT'S ACTUALLY GOOD
"Isa isa lumapit sakin" ngiwi kong sabi sa kanila at lumapit na ang isa sakin na umikot pa at agad sinipa ako na ikina- ilag ko naman. Fvck. di mo ko maiisahan at agad ko syang hinampas ng kahoy. Agad sya tumumba sa sahig
Hindi pa ako nakakaangat ng ulo pero may susugod na sa akin na dalawa, hinawakan ko ang isang kamay ng isa. at ulo naman ang isa kong hawak. Nilagay ko ang kamay ng kakampi nya sa batok nya at binali ko ito na agad kong pinabagsak sa lupa.
"Sino pa?" Dfq. pag angat ko ng ulo nawala na ang apat nila kasamahan.
Baka pinagpi-piyestahan na nila si Zel! PuchaAgad ako tumakbo sa taas.
At tama nga ako...nahuli na ako, hindi ko inaasahan na napahiga na ang lahat sa lupa. Wala pa akong ginagawa pero bakit tila natutulog na sila sa sahig? Napagod na ba sila?
Agad akong tumakbo sa room, at nakita ko ang magkayakap na Thrayll at Zelieese. Nakita ako ni Zel na agad bumalikwas ng yakap ito kay Thrayll.
Parang isang langgam si Thrayll, na bigla bigla na lamang sumulsulpot kapag naaamoy ang paborito nya.
"I'm too late huh. Di mo na ako pinagbigyan sa mga gagong to bro" sambit ko kay Thrayll na tumatawa. He is insane fvcking asshole.
"Jaysec, thankyou parin dahil niligtas nyo ko. Tinawagan mo agad si Master" sambit ni Zelieese na natatawa pa
What? Tinawagan? Eh hindi ko nga pinuntahan yan. Nawalan na ba sa sarili si Zel?
"Hindi ko sya tinawagan." tipid kong sagot na di parin makapaniwala
"Bro, may nagsalita sa controller at nagpakilala ka pa nga. Sabi mo pa nga diba, nasa delikadong kalagayan si Zel." ngisi nitong sabi sakin na sabay nag cross arm
Ano ba ang sinasabi nila? Wala akong ginawa. Kumuha lang akong ng kahoy. Hindi naman controller siguro yon
"Bro. Wala akong controller. Eh ang alam ko nga tulog kana eh?" Inayos nya ang buhok nya na messed. Lol, but I'm so fvcking handsome than him hahaha
"Seriously? Fvck. Eh sino yon?" sambit nito napahawak sa batok nya
Sino ba ang nilalang na yon. May mabuti ba syang hangarin o ka-demonyohang taglay?
"Wag nyo na isipin yon. ang importante okay na. Dapat pa nga tayo magpasalamat kung hindi man si Jaysec yon. Magpasalamat parin tayo" sambit ni Zel na nakangiti
Nagtitigan lang kami ni Thrayll na parang binabasa nya ang isip ko at ganon rin sya.
Sinenyasan nya ko gamit ang bibig nya na dun nalang mag usap sa dorm namin.
Agad akong tumango at iniwan silang dalawa.
Nagmamabutihan na ba tong dalawa? Kaso parang malabo e.
Ayaw pang magmahal ni Master NGSB. Malay natin?Pero sino nga ba ang hampas lupa na yon?
Kung sino ka man. Mamahalin kita. Mamahalin kita sa sindak ko. Subukan mo lang na may galawin isa sa mga kaibigan ko, buhay sa buhay ang labanan.
HINDI MO PA ATA KILALA SI JAYSEC ROLJAND ANG DAKILANG GOKU NG SG GANG.
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mystery / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"