Chapter 13 (Step son?)
Third Person's POV
"Kaya ako bumalik dito dahil pinabalik ako ni Daddy, Tito" wika ko kay Tito Gab nanakaupo lang sa kanyang lamesa habang humihithit ng sigarilyo
"Para kalabanin ako diba? Ija, kahit anong gawin mo hindi mo maiiligtas ang mga tao na nasa paligid mo lalo na ang mga mahal mo sa buhay" natatawa nyang sambit
Nakakainis. Marami na ako naisakripisyo pero hindi parin magtigil.
Kaylangan ko si Daddy..
Kaylan ba talaga sya uuwi? Kaylan ba nya babawiin 'tong unibersidad na ito na noon pa ay isang normal na eskwalahan lamang. Walang patayan. Walang mga gangs na nabuo.
Simula nung kinailangan si Daddy sa US ay pinagkatiwala nya kay Tito Gab ang school na ito, ngunit hindi namin alam na may masama palang hangarin si Tito.
"Ano pa ba gusto nyo gawin?! Gagawin ko lahat wag mo lang sila gagalawin" umiinit ang mata ko sa mga sinasabi ko
Ang hirap...
Hanggang ngayon, hindi pa nalalaman ni Daddy tungkol dito. Kaya ako umalis dito para matawagan sya, makausap sya. Mamuhay ng normal pero mali, pinabalik nya ako dahil kaylangan kong bantayan 'tong pinag ipunan nyang unibersidad.
"Gusto mo bang mamatay, Cara? Ayoko sa lahat ang inuutusan ako" wika nya at dahan dahan nyang hinawakan ang baril na nasa lamesa nya
Nanatili lang akong nakatayo sa harap nya. Nakatingin lang sa mga galaw nya.
Itiniklop ko ang kamao ko.
"Sige! Iputok mo yan" natatawa kong wika habang itinutok nya sa akin ang baril na hawak nya
Para syang demonyo sa mga ngiti nya..
"Kapag pinatay mo ako, mapapatay ni Daddy ang anak mo. Thrayll Sean Deriv, right?" natatawa kong wika sa kanya na nakatitig lang sa mata nya na tila nagulat
Napatingin ako sa hawak nyang baril na nangangatog na sa sinabi ko.
Well, Kung yan lang pala ang paraan sana kanina ko pa ginawa
"Step son ko lang sya!!!!" sigaw nya at binato nya ang baril na ikinagulat ko
"Step son? Talaga ba, Tito Gab? Nakakapag taka nga lang eh, Step o Real bakit kaylangan mong patayin?" taas kong kilay na pagkakasabi sa kanya
Tumayo sya sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin
Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Gusto kong umiyak sa sobrang sakin
Hinawak nya ako sa baba, tinititigan ko lang sya ng masama
"Hindi ko itinuturing na kadugo ang taong sya ang sisira sa akin. Kaya wag na wag mong sasabihin kay Thrayll na ako ang tatay nya kung hindi papatayin ko ang angkan mo" binitawan nyang pabagsak ang pagkakahawak sa akin na ikinaatras ko
"Angkan ko? Edi papatayin mo rin pala sarili mo, Ti-to" ngisi kong wika at tumalikod na palabas
Naiwan syang nakatayo..
Binagsak ko ang pinto at napasandal na lamang ako
Kung gusto nyang patayin ang anak nya bakit naibato nya ang baril? Dahil sa paga-alinlangan? Ang gulo pero kaylangan kong lumaban para sa kanila.
"Maging masama man ako sa inyong paningin. Okay lang, kung 'yan lang naman ang ikaliligtas nyo" pinunasan ko agad ang mga tumulong luha sa mga mata ko at umalis na patungo sa dorm
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mystery / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"