Chapter 45 ( Everything has changed )
"Tama na Zelieese" pag-aawat sa akin ni Jana
Nandito kami sa isang bar, kaming dalawa lang ni Jana ang nandito. Gusto kong makalimot. Ang sakit parin talaga. Hehe!
"Ang KJ mo" pagta-taray ko sa kanya at kukunin ko na sana yung bote nang may biglang umagaw, napatingala ako sa taong nang-agaw nang bote na 'yon.
Wala atang pera pangbili kaya nangbu-buraot na lamang
"Mag-usap tayo" malamig na boses ang natanggap ko kay Thrayll
Napangiti na lamang ako sa kanya at bumaling ang tingin ko kay Jana "Narinig mo ba 'yon? Gusto niya ako---kausapin" ngisi kong sambit
"Lasing na siya, Kuya" pag-aalala ni Jana sa akin
Lasing? Haha. Ako malalasing sa dalawang bote lang? Sabagay, nalasing ako sa pagmamahal niya nang ilang araw lang.
"Zelieese" tawag sakin ni Thrayll na hindi ko siya nililingon, nakatingin lang ako sa hawak kong bote na wala nang laman "Please. Mag-usap tayo" umupo si Thrayll sa tabi ni Jana kaya magkaharap na kami
"Wala na tayong dapat pag-usapan" giit ko. Di ko siya sinulyapan ng tingin
Sakit. Pait. Galit ang nararamdaman ko. SPG. Spg ang nararamdaman ko sa kan'ya
Hinawakan niya ang kamay ko nang iniwasan ko agad "Tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan pa" tumingin ako sa kaniya ng lumabo na ang paningin ko sa kan'ya dahil sa parating na luha ko "Tinapos mo na ang lahat sa atin, Thrayll. Sinaktan mo ako ng sobra. Pagbigyan mo naman akong magmove-on" wika ko na agad kong pinunasan ang luha ko at agad akong lumabas ng bar
Tinatawag ako ni Jana ngunit naaninag ko ang pagpigil ni Thrayll sa kaniya at sumunod sa akin
"Zelieese!" paghahabol niya sa akin
Lalo kong binilisan ang lakad ko ngunit ang bilis din niyang mag-lakad
Hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Basta ang alam ko makalayo lang sa kaniya
"Zelieese naman oh, Gusto ka kausapin ni April" mabilis niyang sinabi na ikinahinto ko
Tama ba ang pagka-rinig ko? Kaya niya ako hinahabol dahil lang sa utos ng girlfriend niya? Ang sayaaa.
"Para ipamukha n'yo sa akin na masaya kayo?" malamig kong boses na sinabi sa kanya
Nasa likod ko lang siya... Di ko namamalayan na humihikbi nanaman ako
Lagi na lang ba ako iiyak sa'yo, Thrayll?
"Hindi. Dahil may sakit siya" mahina niyang sambit na tama lang para marinig ko
Ano gagawin ko kung may sakit siya? Hindi naman ako nurse para gamutin ang karamdaman niya.
Kung naging doctor lang pala ako sana ginamot ko na agad ang puso ko na damaged na.
"Get well, paki sabi" wika ko at muli nanaman ako naglakad ngunit naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay
"Girls talk daw. Nakikiusap siya sayo, Zel" malungkot ang mga mata ni Thrayll na kinasikip ng dibdib ko. Hirap na hirap na siyang maging gwapo sa araw-araw kaya ayan nalulungkot
Napailing na lang ako sa naiisip ko
"Para saan ba 'yan?!" sabi ko kay Thrayll na hinarap ko siya "Consent ba 'yan? Oo na agad ako" pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa akin ngunit hindi niya ito binibitawan
"Hindi ko alam. Pero kailangan ka niyang makausap, Please!" pagmamakaawa nito sa akin na halos lumuhod na
"Mahal mo talaga siya 'no?" ngiti kong sabi sa kaniya na ikanuot ng noo niya
"Ano pinagsasabi mo?" pagtataka niyang tanong sa akin
"Akalain mo 'yon, hinabol mo pa ako para lang ipabatid ang sinabi ni April. Dahil ayon ang kahilingan niya, eh diba?" ngiti ko nito na napailing na lamang siya
"O-oo" iwas niyang tingin sa akin
"Okay. Tara" pag-aaya ko sa kaniya na ikinagulat niya
"Salamat" ngiti nitong banggit
Dahil ganyan mo siya kamahal ay pati ang paghabol ay nagawa mo na.
Ako naman ang hahabol sa'yo.
"Salamat sa pagtupad ng kahilingan niya" ngiti niya habang naglalakad kami
"Ang swerte niya sa'yo" sabi ko na nakatingin lang ako sa malayo
"Hindi rin" Pagtatanggi niya sa sinabi ko
"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya
"Nasa akin na 'yon" ngisi niyang sabi na inirapan ko nalang siya
"Okay" pag-angat ng balikat ko at nanguna na nag-lakad.
Paano ako makakamove-on kung lagi siyang nand'yan. Oo, para sa akin siya pumunta dahil ayon ang utos ng kaniyang mahal.
Paano ko sisimulan muli, kung lagi ako bumabalik sa unang paghina.
Malabo nang ibalik ang nakaraan.
Everything has changed.
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mystery / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"