CHAPTER 10

160 12 0
                                    

Chapter 10 (Brain wash)

Alas-otso na ngunit wala parin siya. Wala parin sila

Andito ako sa may labas ng dorm namin, tinitignan ang mga nasa baba kung anong nangyayari pero hindi pa binabalita kung sino ang nakabalik. Baka hindi pa sila tapos mag-laban?

Pinapunta ko na rin ang ka-myembro ni Thrayll kung saan sya pinapunta ni Jana

"Wag kana mag-alala don, Si Naruto yun eh" natatawang sambit ni Jaysec na tumabi sa akin at sa kaliwa ko naman si Cleo

Kahit hindi ko sinabi ay nagpa-iwan na talaga dahil una palang sinabi na ni Thrayll

"Bakit kayo hindi ba kayo nag-aalala? Hindi porket Master nyo sya eh, sapat na ang kakayahan nya" wika ko habang tinitignan ang mga naglalakad sa baba

"Hindi mo pa kilala si Thrayll, Zel" sambit ni Cleo sa akin na ikinalingon ko, nasa malayo ang tingin

Gwapo din naman si Cleo, may pagka-nerd lang

Nerd na nasa Gang? Kiddin'

"Bobo! Ano yan baliw? Nasasabi nya yung pangalan na Thrayll tapos nag-aalala hindi kilala? Fuck" natatawang sambit ni Jaysec na ikinatawa ko

Naramdaman kong dumaan ang kamay ni Cleo sa likod ko na binatukan na pala si Jaysec

"Tanga mo, Goku. Yung pagka-tao ni Thrayll.. Gago" wika nya habang inaayos ang kanyang buhok

Nakita ko ang isang grupo na kakapasok lang.. Duguan ang kanilang damit at maangas ang mga lakad

"Shit" narinig kong sambit ni Jaysec "Nanalo ang Black Warrior Gang"

Nakita ko ang mga rapist kung saan pupunta sa building nila na kaharap lang namin

"Ang tibay ng mga ungas" rinig kong sambit ni Cleo

Narinig namin na may nag-aayos ng speaker na ikina echo neto

"Fuck! Bagong isasalang nanaman" wika ni Jaysec

"Pucha, Wala pa sila" sambit ni Cleo

"Lahat ng estudyante ay bumaba rito" wika ng isang babae na nasa speaker

"Tara na" sambit ni Jaysec

Agad kaming bumaba...

At nagmamadali bumaba ang mga ibang estudyante

"Ang lahat ng mahuli sa pagbilang ko ng lima ay mamamatay" narinig namin ang masayahing boses na yon

Shit.  Wala ba syang konsensya? At ipapatay nya ang mga naiwan? Wtf!

Hinawakan ako ni Jaysec na agad kong ikinabilis

"Ang bagal mo, magpapakamatay ka ba porket wala si Thrayll?" wika nya habang nauuna syang mag-lakad

Nasa likod ko si Cleo..

Nag-uumpisa nanamang mag-siksikan

"Isa" panimulang sambit ng babae sa speaker

Hindi pa nakakadalawa ay naka-labas na agad kami ng building..

Sila Thrayll kaya? Nasaan na?

"Dalawa" wika ulit ng babae

Wala sya sa stage.. tanging sa speaker lang syang naririnig

Hawak hawak parin ni Jaysec ang kamay ko hanggang makahanap kami ng upuan

Napagitnaan ako ng dalawa

"Tatlo" wika ulit nito

Halos madapa na ang ibang estudyante na ayaw pang mamatay

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon