CHAPTER 44

114 11 1
                                    

Chapter 44 ( Confront 1 )

(Play ▶ )

Nagising nalang ako nang nasa kwarto na ako ng hospital na ito.

May nakatusok sa kamay ko. Nanghihina ako

Para bang kakapusin ako ng hininga.

Napatingin ako kay Thrayll, na nakasubsob ang kanyang ulo sa tabi ko habang hawak niya ang kamay ko.

Napaiyak nalang ako sa tuwa. Bago pa ako mawala ay nandito lang siya sa tabi ko, binabantayan ako.

Iniangat niya ang ulo niya, Nagising siya gamit lang ang titig ko? Nakakatawa.

"April? Kamusta kana?" lumapit siya sakin ng gaano para marinig niya ako. Hinahaplos niya ang kamay ko

Ngumiti ako sa kanya at tinanggal ko ang paghahawak ng kamay naming dalawa.

Hinawakan ko ang mata niya.. papunta sa pisngi niya.. labi niya

Gusto ko sa huli kong pagkakataon, mahawakan ko muli ito.

"Hey, babe! Ano ginagawa mo?" tanong niya sa akin habang hinawakan niya ang kamay ko

"Thank you, Thrayll" ngiti ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya "Thank you for what?" pagta-taka niyang tanong sa akin

"Sa pagpayag ng relasyon na ito. Sa pagsasakripisyo mo ng kaligayahan mo. Sa pagpapanggap na mahal mo ako sa harap nila.. Thank you" hinigpitan ko ang paghahawak ng kamay ko sa kanya

"Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan, huh? Wag ka ngang magsalita ng ganyan" inis nitong sinabi na ikinangiti ko. Ang cute niya talagang mainis

"Alam ko namang mahal mo siya, babe. Sa t'wing nakikita kitang palihim mo siyang sinusulyapan. Sa t'wing umiinom ka mag-isa kasi nakita mo ang kapatid mo at si Zelieese na nagtatawanan. Sa t'wing na nasasaktan ka kapag nakikita mo si Zelieese na umiiyak dahil sa'yo katulad kagabe na patago kang nakikinig sa spoken words niya una palang... Nakita ko 'yon, babe." ngiti kong winika sa kanya

Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong nakikita n'yang nasasaktan ako. Gusto ko nakikita niya akong matatag

"April. Napag-usapan na natin 'to diba?" kunot na noo n'yang sinabi na agad kinusot ang mata nito.

Ngayon ko lang s'yang nakitang umiiyak.

Parang sumakit ang dibdib ko nang nakita s'yang umiiyak.

Sinabi niya noon na kapag kaming dalawa lang ay walang Zelieese na pag-uusapan. Dahil ayaw niya raw ito marinig

"Pero hindi na ako magtatag--"

"Stop!" taas niyang boses na sinabi "Hindi ka mawawala, April. Kumapit ka. Wag kang bumitaw!" diin n'yang sinabi

Imbis na sagutin ko ang sinabi niya ay ngumiti na lamang ako.

Hindi matagal ang buhay ng tao kung alam mo lang, Thrayll. May hangganan ito

Pero ang pagmamahal ko sa'yo ay dadalhin ko ito hanggang sa kabilang buhay ko.

At 'yon ang tinatawag na hangganan...

"Can I ask a favor, babe?" sambit ko sa kanya

"A--ano 'yun?" tanong niya

Pinunasan ko ang luha na nangingilid sa kan'yang  mata

"Gusto ko makausap si Zelieese ngayon" malamig kong sambit

"Bakit?" pagtataka niya "Ano gagawin mo?" dugtong nito

Sa inasta n'ya ay akala mo may gagawin akong masama sa kan'yang minamahal.

Ganyan niya kamahal si Zelieese.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko sasaktan ang mahal mo" pagbibiro ko sa kanya

"A--alam ko" nahihiyang nitong sinabi.

Natawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Pero mukhang malabo nang mapapunta ko siya dito" nakayuko n'yang sinambit.

Bakas sa boses niya ang pagka-lungkot.

Alam kong galit si Zelieese sa akin kaya malabo talaga n'yang mapapunta dito 'yon.

"Sabihin mo, girls talk. Hindi ako mang-aaway" sabi ko sa kanya na hinawakan ko ang kan'yang baba para makatingin sa akin "Hindi ko siya sasaktan" dugtong ko

"Pero sinaktan ko siya..." nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya "Sinaktan ko siya. Iniwan ko siyang mag-isang umiiyak... And it's really break my heart" pinunasan agad nito ang luha na pumatak na sa kaniya

Bakit ganito ang nadarama ko sa t'wing nakikita kong umiiyak ang mahal ko.

Kumikirot lalo ang puso ko.

Dahil ba nakikita ko s'yang nasasaktan?

O dahil....

Nakikita ko s'yang umiiyak sa kan'yang mahal. At hindi ako ang dahilan.

"Hey, babe! Please stop crying... You are a Master from your group that it means you're always be strong no matter what happen" ngiti ko sa kan'ya na kumunot naman ang noo nito

"I'm strong... Pero hindi bawal ang umiyak sa mga gwapong katulad namin. Why? Kasi kahit umiyak kami, gwapo parin kami." nagtawanan na lamang kami sa sinabi n'ya

Di n'ya talaga ako nabibigo na pasiyahin ako.

Konting bagay pa lang ang ginagawa niya pero kinikilig na agad ako rito.

Ganito ba talaga kalakas ang tama ko kay Thrayll?

"I love you" nagbago ang reaksyon ng mukha niya ng marinig niya ang sinabi ko "You don't need to response... I know" ngiti kong sabi

Alam ko namang hindi niya sasagutin ito ng 'I love you too' kung iba naman ang nasa laman ng puso nito.

Ito ang isa sa hinahangaan ko kay Thrayll.

Kapag hindi niya ramdam ay hindi niya talaga ito sinasabi. Hindi katulad nang iba na palaging nagi-i love you sa kanilang kasintahan ngunit ang tanong? Totoo ba ang nararamdaman nito sa'yo? Totoo ba talagang mahal ka ng taong mahal mo?

Mas mabuti nang hindi magresponse sa mga 'I love you' mo, dahil alam mo ang totoo nito.

Kaysa naman sa 'I love you' na hindi galing sa puso. Lalo ka nitong sasaktan bagkus ay gagawin ka pang tanga nito.

Madali lang sabihin ang 'I love you' pero mahirap iparamdaman kapag hindi mo talaga mahal ang isang tao.

Nakatingin lang siya sa akin na parang may sinusuri "April. Dumudugo ang ilong mo" pag-alala ni Thrayll

Hinawakan ko kung saan niya tinuro at oo nga. Totoo ang kan'yang sinasabi

"Dito ka lang tatawagin ko ang doctor" aangka na siyang tatayo nang hinawakan ko ang kamay niya na ikanuot ng noo niya

"...Babe? Please, papuntahin mo dito si Zelieese" ngiti kong wika at dahan dahan ko binitawan ang kamay niya

Hindi siya sumagot dahil tumakbo agad ito palabas.

Bago pa ako mawala sa mundong ito. Gusto ko muna humingi ng sorry sa nasaktan ko.

Gusto kong malaman n'ya kung gaano siya kamahal ni Thrayll.

Gusto kong makita silang haharap sa altar, dahil mahal nila ang isa't isa.

Masaya na ako d'on.

Masaya na akong masaya ang mahal ko sa taong minamahal niya. Okay na ako.

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon