CHAPTER 32

120 9 0
                                    

Chapter 32 ( Freedom Blood )

Nagulantang ako sa tunog ng baril na naipagtataka ko kung saan nanggaling ang putok na 'yon

Napatingin ako sa kaakap ko na si boy pustiso na tila dahan dahan bumabagsak

Sa pagkabagsak nya ay nakita ko si Thrayll na dahan dahan binaba ang baril nyang pumutok kay boy pustiso habang sa likod nya ay 'yung April?

Akala ko ako na ang nakapatay. Wala palang bala ang pinag-aagawan naming baril tila isang strategy lamang o props.

Inayos ko ang sarili ko, naaaninag kong lumapit sa direksyon ko sila Thrayll kasama ang kanyang girlfriend

"Ciendrik? Okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong sakin ni Thrayll na ikinangiti ko

"Kapag hunks ka, lagi kang okay. Bawal masaktan dahil nga hunks eh" napangisi ako sa sinabi ko

Hindi ko alam mga lumalabas sa bibig ko. Nagawa ko pang magbiro sa kalagitnaan nang madugong labanan. Enroll day ngayon pero bakit Fight day ngayon?

"Nakasarado na ang gate. Tapos na ang enrollment..." alam nya kung ano gumugulo sa isip ko pero kulang parin ang mga kasagutan

Fuck! Teka? Nakasarado na? Shit! Yung sasakyan ko!

"Bawal nang lumabas" aangka na sana akong tumakbo nang sinabi nya agad

Fuck! Nakakainis! Nakulong na rin ako dito? Shit! shit!

"Kailangan kong lumabas dito, Thrayll" kunot kong saad sa kanya na ikinangiti nya

"Fight until you die, bro" napamulsa ito "Kahit gustuhin mong lumabas ay hindi mo magagawa. Kung aangkain mong lumabas sa unibersidad na 'to ay mamamatay ka" inayos nya ang kanyang buhok

"Ba--bakit kami ni Kuya Brix, Thrayll? Nakalabas kami sa isang silid na may pintong papunta sa labas" singit ni April na ikinanuot ng noo ni Thrayll

"Dahil nga don ay nahigpitan na nila ang bawat sulok nito. Sana noon ay sinabi mo na, April" sambit ni Thrayll

Mukhang mag-aaway pa ata 'tong dalawang to

Naagaw ang atensyon namin sa tunog ng speaker

"Good Afternoon SG's students. Marami ang nadagdag dito. I-welcome n'yo sila gamit ang inyong patalim" napatawa ang admin sa kanyang sinabi

Dahan dahan akong naglakad patungo sa court na sumunod lang sa akin sila Thrayll

Nagulat ako na tila dumami nga ang estudyante. Dito na ata ako mamamatay

"Sa mga bagong estudyante dito, gusto ko lang sabihin sa inyo na ang kauna-unahang rules dito ay wag tatangkain na lumabas kung ayaw mo pang mamatay... Bumuo kayo nang grupo, kahit ilan. Masaya kapag marami" napahalakhak ito sa sinabi n'ya

"Ang mataas na grupo dito ay ang Black Warrior Gang at ang SG Gang" dugtong nya na ikinataas ng balahibo ko napatingin ako kay Thrayll na ngumiti lang sa akin at ang girlfriend nya ay nag-aalala sa ekspresyon palang ng mukha n'ya

"Free time to fight. Freedom blood" Ngisi nito

Naagaw ang atensyon namin sa isang estudyante na nagtaas ng kamay at tumayo ito

"Ano 'yon iho?" tanong ng Admin

May lumapit sa kanyang tauhan para bigyan ng mic nito "Good Afternoon, Admin. Sabi n'yo ay Free to time? So, kung maaari pala pwedeng pumatay ngayong oras? dahil libre lamang ito" tanong ng lalake

At talagang sang ayon pa sya sa sinabi ng admin na wala manlang naramdamang kaba

Lumingon ako kay Thrayll na kumunot lamang ang noo nito sa tanong. "Thrayll? Close kayo ng admin na 'yan diba?" tanong ko sa kanya na di manlang sumusulyap sa akin

"Yup. But now, hindi na. Lalo s'yang lumala ngayon hindi katulad noon na kahit papaano ay may kabutihan pa sya sa kanyang puso. Nagbago na s'ya parang hindi na s'ya ang itinuring kong nanay-nanayan ng ilang taon" inayos nito ang blazer at tumingin kay April na nagpalitan pa sila ng kanilang ngiti

Third wheel feels. Bumaling muli ako sa stage kung nasaan ang Admin

"Oo naman. Gusto mo patayin mo pa ang iyong katabi" napatawa ito sa kanyang biro? Biro nga ba?

Tumawa lamang ang lalaki at napakamot ito "Salamat po" wika nya at binigay nya ang mic sa tauhan ng admin

May nagtaas uli nang kamay at agad lumapit ang tauhan nila para bigyan ng mic "Ano 'yon iha?" tanong ng admin sa babae

"Sabi n'yo ay bibigyan nyo kami ng certificate? At paano kami ga-graduate kung kami ay magpapatayan?" may halong inis ang boses nito na napaayos ng tayo ang admin

"Isang diskarte lang 'yon para ay maraming enrollers ang magsipuntahan at hindi naman kami nabigo ng boss ko" ngiti nito

"Boss? Tatay ni Jana ang may pakana nito? Putangina" narinig ko ang galit na boses ni Thrayll na inawat agad ni April

"Akala ko ay iba sya. Akala ko ay mabait sya. Akala ko mas matino sya kay Daddy pero tangi--"

"Andito na, Trayll. Wala na tayo magagawa. Kailangan nating mapatay ang mga pinaka pinuno" wika ko na hindi sila sinusulyapan

"Papatayin nyo si Daddy?" nagulat ako sa boses na sumingit na nangagaling sa likod namin

Dahan dahan kaming nilingon si Jana na may patak na ng luha sa kanyang mata

"Tama ba narinig ko, Kuya Thrayll?" hikbi nyang tanong na agad lumapit si Thrayll sa kanya para patahanin

"Masamang tao sya, Jana" wika nito

"Hindi s'ya masamang tao, Kuya! Mabait si daddy! Mabait sy--"

"May mabait bang magpaplano ng ganito? Sige nga?! Nasaan ang mabait don?" pagputol ko sa sasabihin nya

"Kilala ko si Daddy. Hindi nya magagawa 'to" iling nyang wika na hinaplos ni Thrayll ang likod nito

"Tangina. Wag kang magbulag-bulagan, Jana! Narinig mo naman diba? Boss? Sino ba ang boss dito?! Ang daddy mo lang diba?! Hindi lahat ng nakilala mo ay mananatili sa pagkakilala mo sa kanila, dahil lahat sila nagbabago!" sabi ko sa kanya na humikbi na ng tuluyan. Tinakpan ang mata nya gamit ang dalawa nyang kamay

"Tama na, Ciendrik" pagpipigil sakin ni Thrayll "Jana, hindi lahat ng tao mananatili sa kung ano sila. Hatid na kita sa room n'yo" pag-aaya ni Thrayll kay Jana

Tumango na lamang ito at inayos ang kanyang sarili "Ciendrik, Sama ka?" tanong sakin ni Thrayll na umiling ako

Sasama pa ba ako pagkatapos ko bitawan ang mga salita tungkol sa kanyang ama? Nahawa na ata si Thrayll.

Napatingin kami sa court na nagsisi-alisan na pala. Tapos na rin siguro mag demon speech ang admin.

"Tara, April" pag-aaya ni Thrayll sa kasintahan n'ya na agad itong sumama

Sa pagkakaalam ko ay magkasama si Jana at Zelieese sa isang kwadrado? May posibilidad na.... Wtf

Tinignan ko nalang sila habang naglalakad papunta sa building kung nasaan ang room nila Jana

Bumaba na rin ako para mag-ikot ikot. Saan kaya ako makikituloy? Wala akong room dito. Pucha naman eh

Nadamay pa ako sa ka-putahan nila dito.

Pumunta na lamang ako sa isang malaking puno na may isang bench at umupo.

Kumuha ako nang isang bato at sinusuri ang bawat parte nito.

"Paano ba kami makakalabas dito? Hindi ganito ang gusto ko. Wala akong makakatuluyan na babae dito" bato ko sa kalayuan ang bato na hawak ko.

Fuck.

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon