Chapter 12 (IHY but ILY)
Zelieese POV
Habang tumatagal pa-onti na ng pa-onti ang mga estudyante..
Sa bawat may ina-announce ay kaylangan may mamamatayHindi ko alam kung ilan nalang kami? Konti nalang nakikita ko
Simula nung may pinapadala sila sa isang sikretong lugar ay wala nang nagtu-turo. Walang regular class. Paano kaya ako ga-graduate? Kung dito palang hindi mo alam kung aabot ka pa ng kolehiyo
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko
Agad ko 'tong pinunasan.Andito ako ngayon sa corridor namin kung saan hinihintay ang pag dating nila Thrayll
Sana sila ang nanalo. Sana hindi sya namatay.
Its already 5:00 in the morning hindi ako makatulog. Ngayon uwi nila eh..
Hindi ko rin alam kung nasaan si Jana at simula nung nagwalk out sya ay hindi na sya nagpakita pa. Kahit hindi na sya yung kaibigan na nakilala ko, tatanggapin ko parin sya
"Ang tagal naman" bulong ko sa aking sarili, napabuntong hininga nalang ako dahil sa hamog. Napayakap na ako sa sweater ko.
"Ano bang meron tayo?" hindi ko namalayan na nagtatanong na ako sa aking sarili..
Ano ba talagang meron tayo, Thrayll? Gusto mo rin kaya ako? Kasi ako, Gusto kita eh.
Sino ba naman hindi mahuhulog sa isang katulad mo? Kahit nasa gang ka hindi ko maiikalang may kabutihan kang taglay. Iba ka sa mga nakilala kong Gangs na inuugali rin nila
Sa pagsama ng buhok sa hangin patungo sa aking mukha ay may nakita akong isang grupo.. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na makita syang buhay
Nakita kong hawak nya ang braso nya na may tshirt na puti may bakat pa ng dugo
"Shit" wika ko sa aking sarili..
Agad akong tumakbo pababa para mapuntahan sila na patungo sa kanilang dorm
Hindi ko alam pero muntik na akong madulas sa kaharutan ko
Ano nangyari sa kanya?
Nang makababa ako ay nakita ko silang paliko na sa dorm nila
"Thrayll!" sigaw ko na agad syang lumingon
Tumakbo ako patungo sa kanya na nakangiti sya
"Buti buhay ka! Akala ko wa-wala kana" sambit ko habang yinakap syang mahigpit. Naramdaman ko nalang na bumawi rin sya sa pagkakayakap
"Ako pa ba?" narinig kong tawang boses nya.
I missed him.
Bumalikwas ako sa pagkakayap at tinignan ang kanyang braso
"Awch"
Wtf? Hindi pa nga nasasagi um-aray na agad -___-
Sinamaan ko sya ng tingin na agad syang tumawa"Wag mo na intindihin yan, hindi parin naman nabawasan kapogi-an ko diba?" ngisi nyang sambit sa akin
Oo! Gwapo ka parin, Thrayll! Kahit pawis ka, ang pogi mo parin! Kahit duguan ka, ang pogi mo parin!
"Asa" tipid kong wika sa kanya, Easy lang dapat ika-nga
Kumunot ang noo nya sa akin na parang hindi nya nagustuhan ang aking sagot
"Ehem!" narinig kong wika ni Jaysec na nakahawak rin sa kanyang tagiliran
"A-anong nangyari sayo?" tanong ko kay Jaysec na hindi parin ako umaalis sa harapan ni Thrayll
"Nabaril si Goku" natatawang sambit ni Cleo na agad syang binatukan ni Jaysec
"Sya tinanong mo kung ano nangyari sa kanya. Ako, hindi?" taas na kilay na sambit ni Thrayll sa akin
Nagseselos ba sya? Sya nga ang dahilan kung bakit ako tumakbo dito, tapos huhusgahan nya ang pag-ibig ko sa kanya? -__-
"Selos" sambit ng nga ka-myembro nya na nagtatawanan
"Selos? Mga kupal ba kayo? Parang kapatid ko na yan eh" wika ni Thrayll na ikinatahimik namin ng lahat
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga salita na 'yon
Gusto ko umalis, tumakbo pero pinipigilan ako ng mga paa ko.
"O-oo" pait kong ngiti sa kanila
Nakita ko sila Jaysec na nakakunot ang noo sa akin na parang hindi sila makapaniwala. Ako nga rin, hindi makapaniwala eh
Naramdaman ko nalang na ginulo ni Thrayll ang buhok ko.. Ayokong tumingin sa kanya
"Lahat ng mga estudyante ay bumaba rito. Sa pagbilang ko ng tatlo ay narito na dapat kayo" wika ng babae sa speaker
"Hatid na kita" wika ni Thrayll sa akin
"Wa-wag na. Kaya ko na sarili ko" ngisi kong sambit sa kanya "Magpahinga na kayo" wika ko
"Isa" panimula ng babae sa speaker
"Sige, Balitaan mo ko ha" wika nya sa akin na ngumiti nalang ako at tumakbo papunta sa court
Tinapik ko ang kamay nila Jaysec na hudyat na mauuna na ako
"Okay lang yan" narinig kong mahinang sabi ni Jaysec nang madaanan ko sya. Hindi ko na lamang pinansin at tumuloy sa court
"Pangalawa" wika ulit nito
Namili na ako na upuan kung saan malapit sa stage
"Tatlo" huling bilang nya "Pasensya na sa mga hindi nakaabot"
Nagulantang ako nang nasa sampo nalang kami ang nandito. Ganon nalang kaunti ang mga natira?
Nakita ko si Jana sa bandang dulo ng kabilang bench na may kausap na isang babae.
Bago nyang kaibigan, for sure.
"Nandito ulit kayo para malaman na ang mga naririto ay sila na susunod isasalang..." panimula ng nasa speaker
"Ang nanalo sa gang ay ang SG Gang. So, sa huling kabanata ay ang maglalaban ang Black Warrior Gang at ang SG Gang" dugtong nya
Petiks lang sa kanila yan. Libog lang alam ng mga BWG
"At ang susunod na isasalang muna ang mga ordinaryong estudyante na naririto, Dalawa ang ipapadala namin. At eto ang ang isasalang... Resila Cariga at si Particia Legazpi" sambit nya
Napabuntong hiningi ako. Bakit hindi ako? Gusto ko ako ang unang isalang! Ako nalang dapat eh..
"Maiwan ang mga natawag, ayon lamang ang announcement. Salamat" pagtatapos ng nasa speaker
Isa isa na kaming nagsisitayuan..
"Awch" wika ko sa bumangga sa akin, si Jana na nakangiti pa
Nilagpasan nya lamang ako habang may kasama syang bagong kaibigan. Stupid.
Ganon lang ba kadali itapon lahat ng pinagsamahan natin?
Ganon lang ba ako mabilis iwanan?
Mahirap ba akong mahalin?
Dahan dahan nalang akong tumungo sa dorm ko. Ayoko nang lumingon sa building kung nasaan sila. Kung nasaan sya
I hate you...but still I love you
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Mistério / SuspenseHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"