Chapter 30 ( Dugo )
Ciendrik's POV
"Hmm? Yup! On the way na ako. Bye" sambit ko sa kabilang linya at agad kong binaba ang tawag ni Thrayll
Luminga linga ako sa bawat parte ng kalsada habang nagmamaneho. Papunta ako ngayon sa SG University upang bisitahin ang kapatid ko sa kinaroroonan nya. Ayaw nya kasing tumira sa condo ko dahil napamahal na raw sya sa unibersidad na puro krimen ang kaganapan noon
Alam kong kasabwat ako sa ginawa ni Dad noon. Alam kong mali na 'yon una palang pero hindi naman ako nagkamali na pigilan syang patayin si Thrayll noon diba?
Napalakas ang preno ko nang may muntik na akong mabangga. Bullshit!
Nilabas ko ang ulo ko sa bintana para pagsabihan ang babaeng gangster na tatawid sa maling tawiran "Miss! Alam mo bang mali 'yang tinatawiran mo? Pagbabayarin mo ba ako sa katangahan mo kung nagka-taon huh?" kunot kong wika at lumapit sya sa pinto ng sasakyan ko na ikinapasok ulit ng ulo ko
Hinampas nya ang pinto ko na ikinanuot ng noo ko, Fuck! Binaba ko ang tinted mirror nito para makita ko ang pagmumukha nya
"Ikaw lalaking feeling gwapo na pa-chinito kuno ka pa na walang kwentang mag-drive!...Sorry po" Sa pasigaw na boses ay naging malambing ang paghihingi ng pasensya nito na ikingisi ko
"I like your attitude huh" ngisi kong wika at dahan dahan ko na itinaas ang tinted glass nito para makapunta na sa SG
Hindi pa nasasagad ang pag-sasara ay kinatok muli ako na binaba ko ulit dahan dahan
"Hmm?" taas kong kilay na sabi
"Sa-saan ka pupunta, Kuyang pogi?" tanong nya sakin na ikinatawa ko. Parang alam ko na 'to eh! Napanood ko na 'tong senaryo
"SG" tipid kong sagot na ikinangiti nya
"Oh! Pasabay ako! Do'n din ako pupunta eh. Sige na! Baka maabutan ako ng cut-off eh" pout nyang sabi na ikinailing ko nalang
Oo nga pala, Enrollment day ngayon. So? Kasama pala 'tong gangster na 'to. Dadagdag nanaman ang mga feeling hari
Binuksan ko ang pintuan sa may likuran ko para do'n sya umupo na ikinatuwa nya naman. Hindi nya pa nasasara ang pintuan ay agad kong pinaandar ng mabilis
Sa pagharurot ko ay may narinig ako kumalabog sa likod ko. Nasa lapag na pala sya at nag salubong ang kilay nito sa akin
"Oops. Sorry" kindat kong paghihingi ng pasensya. Sabi kasi nila tumatalab daw sakin ang pagki-kindat ko, dahil nga sa hunks ako
"Sorry? Sinadya mo naman! Nakakainis" mahina nyang sabi at umupo ito dahan dahan sa upuan. Sa mga tono nya ay namuo ang konsensya ko
Gusto ko lang naman maalis ang pagiging gangster nya dahil ayoko nang may dumagdag sa mga salot sa unibersidad na pinapasukan ni Thrayll
Pinaandar ko na lamang ito nang bahagya hanggang sa makarating kami sa SG University
Pinark ko na muna ito malapit sa entrance at agad kaming bumaba
Lumalayo sya sakin na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Wtf
Naglakad sya papunta sa entrance na agad akong sumunod
"Shit" bulong ko sa sarili ko nang makita ang haba ng pila sa labas
Ganito kadami ang gustong mag-aral sa unibersidad na ito? Hindi ba nila alam o nabalitaan 'man lang ang nakaraan nito?
"Dito nalang ako. Salamat" malamig na boses ang binigay sakin ng babae na kinatingin ko lang
Nakapila sya sa bandang dulo labas ng entrance ng SG. Sobrang haba ang pila nito na may balak atang umabot sa kalsada
BINABASA MO ANG
The Gangs in SG University
Tajemnica / ThrillerHanda ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"