CHAPTER 4

295 16 0
                                    

Chapter 4 (Secret)

"Ouch!" sambit ng isang babae na nakabangga ko

Hindi manlang nya ako tinignan

Kundi tinarayan pa.. may panyo sa kanyang ulo at naka hanging blouse pa ito. Talagang gangster ang labas nya

"Sorry ha" sambit ko na tinarayan sya at nilagpasan sya

"Aw" sambit ko na hinatak nya ang buhok ko

"Wag mo akong matara-tarayan ha! Hindi mo ako kilala" sambit neto

Nahulog ang hawak kong folder laman ng seatworks. at hinawakan ko ang kamay nya at umikot ako, umaray sya sa sakit dahil mababale na ang kamay nya

"Hindi ko kaylangan na kilalanin ka! At wala akong balak na magpakilala sayo! Bitch!" sambit ko at diniinan ko pa sa pagkakabale nito

"Awwww! Bitawan mo ko!!" sambit nito na inaabot nya ako ng isang kamay nya ngunit di nya ako maabot

"Bitawan mo sya" mahinang boses na narinig ko mula sa likod ko

"Bitawan ko? Sino ka para sundin kita" ngiwi kong sabi, hindi ko sya nililingon dahil hawak ko pa ang kamay ng bruha na 'to

"Don't ever talk to me like that" sambit ng lalaki sa likod ko na mahinahon

Sino ba sila para sundin ko?

Naramdaman kong may humawak sa dalawang balikat ko at inilayo ako sa babae kaya nabitawan ko ang pagkakahawak.

"BITCH! WHO ARE YOU!?" sambit ko at nakita kong dalawang lalaking naka panyo din na violet ang humawak sa tig-isa kong balikat

Hinarap nila ako sa lalaking mahinahon. At nakita ko ang mukha nya para bang ang amo ng mukha, Ang dami nyang hikaw sa tenga hindi tulad ni Thrayll na isang hikaw lang na itim ang nakadikit

"Girlfriend ko yang sinasaktan mo" sambit neto pero mahinahon parin. Wala ba tong energy? "Honey, Gawin mo na ang gusto mo sa babaeng yan" sambit neto at ngumiti naman ang bruha sa kanya

Sabay naghalikan sila sa harap ko, napapikit ako. Kadiri!

Naramdaman ko nalang na may sumuntok sakin, dumilat ako

Fuck! Ang sakit!

"Walang gangster na pabebe sumuntok!" sigaw ko sa babae

"What?! Ah, talaga lang ah!" sambit ng babae

"Honey, iwan ko muna kayo dyan. Ikaw na bahala. May aasikasuhin pa ko. Burgos at Bargas wag nyo bibitawan yan hanggat hindi nagsasawa ang girlfirend ko" sambit neto at tumalikod na para umalis

Tumingin muli sakin ang babae at sinapak ako ng sunod sunod. Fuvck! Yung mukha ko!!!

"Bwisit ka!!! sinira mo pa buhok ko!" sambit nito na galit na galit.

Napayuko ako, nakita ko may pumapatak na ng dugo sa lupa

'Wag mong ipakitang na talunan ka. Dahil sa tuwing nakikita nilang nahihirapan ka. Matutuwa pa yan'

naalala ko ang sinabi sakin ni mama dati.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nginitian sya.

Kumunot ang noo nito na tila'y naaasar na.

"At talagang hinahamon mo ak---" napapikit ako sa paparating na suntok ngunit walang dumating

"Ouch" mahina kong sabi, at dahan dahan akong dumilat

Si--siya..

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon