CHAPTER 48

109 10 0
                                    

Chapter 48 ( White Dress )

Paano ba magmahal ulit kung ang puso ko ay ikaw lang sinisigaw.

Isa lang ang sagot dyan, Pakawalan mo ang lahat ng bagay na nagpapahirap sayo at sa damdamin mo.

Yung lahat na inaakala mo na hindi mo kaya ay kaya mo pala.

Hanggat pinapakawalan mo ang bawat sakit, hindi mo alam na papunta ka na rin sa saya na mas deserve mong makamit.

"Haaay! Gusto kong matulog ng matulog. Namiss ko talaga 'tong kama ko" Kausap ko ang aking sarili habang nakabulagta ako sa higaan ko

Nakakamiss din pala dito. Mas masarap sa pakiramdam na uuwi kang buo kana ulit. Kahit may lamat na itong puso ko ay naging okay na

Napadilat ako sa pagvibrate ng cellphone ko katabi ko

"Hello? Zelieese?" tarantang sabi ni Jana sa kabilang linya na ikinaupo ko agad

"Bakit? Ano nangyari sa'yo?" Pag-aalala kong tanong kay Jana

Ang bilis ng tibok ng puso ko sa tono palang niya ay parang may hindi magandang nangyari

"...Punta ka dito, Zel. Kailangan ka niya" narinig ko ang paghikbi ni Jana

"Thraaaaayll!!! Wag mo kami iwan, pre!" may naririnig akong mga sigaw na parang may kasama siJana. Kaboses ni Jaysec

Di ko namamalayan na lumalabo na ang tingin ko dahil sa parating na luha

"A--ano nangyari?! Sumagot ka!" napalakas ang boses ko na lalong ikinahikbi ni Jana

"Pumunta ka nalang dito sa funeral" malamig n'yang wika sa kabilang linya na muntik na malaglag ang hawak kong cellphone

"Ano meron?" walang gana kong tanong

Sana mali lang ang pagkarinig ko. Sana hindi siya. Hindi ko kakayanin

"Si--si Kuya Thrayll--"

"Okay lang siya, diba?" pinutol ko ang kaniyang sasabihin

Okay lang naman talaga siya eh. Okay talaga 'yon. Malakas 'yon eh! Si Eugine kaya 'yon. Malakas 'yon eh

"Wala na siya" malamig na boses ni Jana. Narinig ko ang paghagulhol ng mga kasamahan niya na naririnig ko pagkatapos niyang sabihin ang katagang 'yon

Gusto ko lumubog sa kinauupuan ko.

Binibiro lang ako non eh. Di 'yon mawawala eh! Niloloko lang ako!

Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko "Thrayll naman eh" mahina kong sambit

"Binibiro niyo lang naman ako diba? Loko kayo eh?" pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Baka kasi mali ang pagkakaintindi nila eh

Buhay 'yon! Mabubuhay 'yon.

Masamang damo kaya 'yon! Marami nang napatay yung gangster na 'yon eh! Hindi pwede!

"Hihintayin ka nalang namin dito" malamig niyang wika na ikinadurog na ng tuluyan ng puso ko

Hindi nga talaga sila nagbibiro.

"Jana naman eh" tuluyan na akong humagulhol

"Zelieese. May huli siyang sinabi bago siya tuluyang nawala" sabi niya na napapunas ako ng mga luha ko "Mahal na mahal ka raw niya" dugtong nito

Kumikirot na ang puso ko. Mukhang magkakasakit ata ako nito katulad kay April eh!

Pero sana! Sana magkaroon para masundan ko agad si Thrayll

"Dalian mo na, Zel. Inaabangan kana namin dito" wika niya sa kabilang linya

Narinig ko ang paglakas ng hagulhol ng mga kasamahan niya

Hindi ko malaman kung sino sino ang kasama ni Jana

Sino ba naman hindi hahagulhol? Mabait si Thrayll.

Iba siya sa lahat... Ibang iba...

Agad kong binaba ang phone. Di ko na ako nagpaalam pa

Nagmadali akong kumuha ng damit ngunit narinig ko nanaman nag vibrate ang cellphone ko na agad kong tinakbo para sagutin ito

"Zel! May nakalimutan akong sabihin" wika niya sa kabilang linya "Mag puting dress ka. Sabi ng kapatid ni Kuya Thrayll" sabi niya

"H-Huh?" pagtataka ko

Kailangan talaga naka dress na damit? Kahit ano naman 'yon diba? Lalo na't unang lamay palang naman.

"Bago daw mamatay si Kuya ay sinabi niyang magputi na dress daw ang taong mahal niya. Eh sino pa ba ang mahal niya?" narinig ko ang pagbagong boses ni Jana na parang kinilig pa ito

"Si--si April?" tanong ko sa kaniya na rinig ko ang pagbuntong hininga niya

"Boplogs! Ikaw 'yon!" nilayo ko ng onti ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya

"Ay! Ako ba? Sige. Masusunod." sabi ko na lamang para di na ako ulit ako sigawan nito "Mag-aasikaso na ako" dugtong ko

"Dalian mo. Bye!" paalam niya at saka ito binaba

Bakit kailangan naka white dress ako? Ikakasal ba ako sa patay?

Mahal ko si Thrayll pero... Wala sa bokubularyo ko ang magpakasal sa patay!

Napailing na lamang ako nag-asikaso na...

"Patay ka na nga. Ang cheesy mo parin" sambit ko sa aking sarili.

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon