CHAPTER 11

159 14 2
                                    

Chapter 11(Fight)

Thrayll Sean Deriv POV

Isa-isa na kaming bumaba..
Isang lugar na makulimlim, Anong oras na ba?
Tumambad sa akin ang simoy ng hangin

Sinadya ba talaga 'tong lugar na to? Walang mga bahay, walang ring masisilungan tanging mga damuhan lang ang makikita mo

"After ten minutes ay magsisimula na kayo, Sero gang d'on kayo pumwesto sa unahan, at SG gang dito kayo. Mag handa na kayo..Tandaan, isa lang pwedeng manalo, Goodluck" wika ng driver na sinakyan namin at agad itong tumalikod

Pumunta ang kalaban namin kung saan sila pinapapapwesto

"Wag nyong hayaan na mamamatay kayo ah...Tiwala lang, mapapatay natin sila" wika ni Zene habang inaayos na ang mga kagamitan

"It's already five in the morning" wika Xas

Umupo ako sa damuhan upang mag-handa ng panaksak
Alam kong may nakahanda dito na mga armas pero nakatago sila sa isang lugar

"Magsa-saiyan na ako mga pr--"

"Mag handa kana dyan" pinutol ni Cleo ang sinasabi ni Jaysec na inirapan sya nito

Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba
Ayokong may mamatay sa amin kahit isa lang, ayokong nababawasan kami.
Sampo sa sampo ang labanan

Ngayon lang namin naka-laban 'tong mga 'to
Hindi ko itatangging magaling sila kaysa amin

Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko at napatingala ako

"Master, Alam kong kinakabahan ka dahil sa amin, Wag kang mag-aalala sa amin kayang kaya 'to" wika ni Wiz sa akin

"Kayang kaya!!" narinig kong sambit ng mga kasamahan ko

Napatayo ako at inayos ang blazer ko, Dahil sa kataga na 'yon ay nabuhayan ako ng loob

"Mananalo tayo!" wika ko at ngumiti sa kanila na tumayo na rin

"Tama" wika ni Jaysec na nagreaksyon pa na akala mo may power

"Putang ina" sambit ni Cleo

Nagulantang kami na may nagpaputok na ng baril

Wtf! Simula na...

Sinuot na namin ang mask namin at sinenyasan ko sila kung saan pu-pwesto

Hinahawi ko ang mga damo kung saan nakikita ko na ang paglapit nila sa amin habang may hawak na kutsilyo

Isa isa na kaming sumugod

May lumapit sa akin na malaki ang katawan at aangkang sasaksakin ako na agad kong iniwas

"Master! Matagal na akong nagtitimpi sayooo!" wika nya na agad ako nadaplisan sa braso ng kanyang hawak na patalim

"Shit! Ayoko sa lahat yung nagagasgasan ang balat ko!!!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya

Nandilim ang mata ko.. Sinasapian na ako ng kung ano

Agad ko syang sinuntok na agad ikinabagsak nya

Sinapak ko sya ng sinapak hanggang mabasag ang kanyang mukha

"Ako pa gagalitan mo, tangina mo!" wika ko na sinapak parin sya

Nakapikit na ang kanyang mata at puno ng dugo ang kanyang mukha

Naramdaman ko nalang na may humatak sa akin na ikinabagsak ko. Fuck!

Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang mga kasamahan ko na nakikipaglaban rin

"Pinatay mo ang kapatid ko!" sambit ng lalaki

The Gangs in SG UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon