"Aaaaaah! Sh*t bro! Take it slowly! Ang sakit!" hiyaw ni Jay. He could not describe the pain he feels. Sapagkat pinapaso lang naman kasi ngayon ang balat niya para maalis ang tattoo niya sa dibdib.
"Whether if I do it slowly or not, it still hurts, dude," kantyaw sa kanya ng kabarkadang si Dan at sinundan iyon nang malutong na tawa. Ito ang malakas ang loob sa lahat ng kabarkada niya kaya ito ang hiningian niya ng tulong na magpaso sa dibdib niya.
"F*ck!" Jay cursed again. His way to reduce the pain na nararamdaman niya sa tuwing pinapaso siya. Nasaktak na siya ni Kim nang iwanan siya noon tapos ngayon ay heto na naman nasasaktan na naman siya. Nasaan ang hustisya? Damn it!
Si Kim ay ex-girlfriend niya, who cheated on him. At ang tattoo na pinapabura niya kay Dan sa dibdib niya ay -Yes- it's Kim's name. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pina-tattoo niya noon ang pangalan ng babaeng iyon sa dibdib niya. If only he knew that would happen, na maghihiwalay rin pala sila dahil mabubuntis ito ng iba, he would not have done it. Para tuloy siyang tinustusta ng buhay ngayon! What the hell?!
Muling idinikit ni Dan sa balat niya ang dulo ng matulis na aparatong pangbura ng tattoo. Sumirit ang balat niya, para iyong balat ng baboy na idinarang sa mainit na baga. Umusok din iyon.
"Awat muna!" Pigil na niya kay Dan dahil para na siyang mahihimatay sa matinding sakit n'on. Napapabuga na siya ng hangin sa bunganga niya at napapapikit ng mariin. Nakakabakla pero talagang masakit kasi, masakit na masakit.
"Saglit na lang ito," Dan said sarcastically, tuwang-tuwa kasi ito sa ginagawa, tatawa-tawa pa ito. Palibhasa ay hindi ito ang nasasaktan.
"Tama na. I can't take it anymore," pigil pa rin niya sa kabarkada.
"But it's not yet done, dude?"
"Hayaan mo na," he insisted. Tagatak ng pawis ang mukha niya, namumutla na rin siya.
"Are you sure?"
"Yeah, okay na 'to," nakangiwing saad niya na napapahawak sa gilid ng balat niyang nasunog ng napakainit na aparato. Medyo hindi pa iyon nabubura dahil may mga itim-itim pa sa gilid. Pero okay na 'yon sa kanya, at least hindi na nababasa ang name na KIM. At baka mahimatay na talaga siya sa sobrang sakit na nadarama.
AFTER a few months, naging peklat na lang ang binurang tattoo sa dibdib ni Jay. Pero kasabay ng pagpapagaling niya n'on ay ang galit namang namuo sa dibdib niya sa pangalang Kim. It seems like a phobia now to him, na sa tuwing makakabasa at makakarinig siya ng pangalang KIM ay nanginginig na siya sa galit. Hate na hate na niya ang pangalang KIM. Isinusumpa na niya.
"Jay," tawag sa kanya ng kuya Gardo niya. Nadaanan niya ito sa sala. Napabalik siya.
"What?" walang kalatoy-latoy na tanong niya sa nakakatanda at nag-iisang kapatid.
"Wala na kayong pasok next week, isn't it?"
"Yeah," he answered. Hindi nagkakalayo ang edad nila ng Kuya Gardo niya kaya minsan ay hindi na niya ito tinatawag na kuya. Parang magbarkada na lang din kasi sila ng kapatid.
"Good dahil tumawag si Mama. Umuwi ka raw sa atin dahil kailangan ng resort ng magbabantay. May aasikasuhin daw kasi sila ni Papa abroad. Kaya ikaw raw muna ang tatao sa resort."
Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya. Ayaw niya sana agad.
They have a resort in their province, La Union. A business of their parents. Nandito lang sila ngayon sa Maynila na magkapatid dahil mas gusto nilang mag-aral dito. At malakas ang resort nilang iyon, dumadagsa ang mga tao na nagbabakasyon tuwing summer. Kaya hindi na siya nagtaka bakit siya pinapauwi ngayon. Hindi kasi pwedeng walang tatao roon kahit pa may mga manager at mga staff naman sila. Nga lang ay parang ayaw niya ngayong umuwi dahil doon niya nakilala noon si Kim De Vera, his ex-gf na kinamumuhian niya ngayon ng matindi. Customer nila kasi noon ang dalaga. Doon niya rin niligawan hanggang sa naging sila.
At nag-uumpisa na niya itong makalimutan. Pero paano niya makakakalimutan nang lubos ang babaeng iyon kung uuwi na naman siya roon? Paniguradong babalik na naman ang lahat ang mga ala-ala at sakit sa puso niya kapag makikita niya ang mga lugar doon kung saan sila naging masaya noon ni Kim De Vera.......
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomancePara kay Jay Novilla, pinakakasumpa-sumpang pangalan ang KIM matapos siyang lokohin ng Ex niyang si Kim De Vera. Ang alam niya ay naghilom na ang sugat niya pero nang nagpunta siya sa probinsya ay muling nabuksan ang lahat ng sama ng loob niya dahil...