"SAYANG NAMAN. Akala ko naman ay totoo na iyong date niyo. Kilig na kilig pa naman kami dahil nakita kayo ni Ana sa isang restaurant kahapon na masayang kumakain daw." Hinayang na hinayang si Cleo sa nalamang katotohanan.
Malungkot ngumiti si Jaz sa kaibigan.
Nagkukwentuhan sila sa locker room nila na magkaibigan. At inamin na niya kay Cleo na pagpapanggap lang ang mga nangyari, walang katotohanan, drama lang, echoss lang, kagagahan lang.
"Akala ko pa naman ay mapo-promote na ako kasi girlfriend ka na ni Sir Raff," sabi pa ni Cleo na umiling-iling.
"At bakit mo naman naisip iyon?"
Pilyang ngumisi si Cleo. "Kasi 'pag kayo sana ang nagkatuluyan ni Sir Raff ay syempre itataas mo ako ng rangko hindi ba? Best friend tayo, eh!"
Nakataas ang gilid ng labi niya na inirapan ang kaibigan. "Baliw ka!"
Humagikgik naman si Cleo.
Balik malungkot na siya ulit. Naalala na naman ang sinabi sa kaniya ni Raff na stupid siya na talaga namang tumagos sa puso niya. Hindi niya talaga magawang balewalain.
"Pero alam mo, suwerte ka pa rin dahil ikaw ang napili ni Sir Raff na magpanggap na girlfriend niya. Meaning kasi niyon ay nagandahan siya sa 'yo," turan ni Cleo at wari'y katatapos lang na umihi na kinilig.
"Hindi rin dahil alam niyang hindi ako makakatanggi sa kan'ya dahil sa mga kapalpakan ko na nagawa kaya ako ang pinili niya."
"Sa tingin ko hindi gano'n. Sigurado ako, interesado rin 'yon sa 'yo, Besh."
"Sana nga pero malabo 'yang sinasabi mo, Besh. Nasabihan na nga ako ng stupid kani-kanina lang, eh."
Nagsalubong ang mga kilay ni Cleo. "Sorry, Besh. Kasalanan ko kung bakit nagalit sa 'yo si Sir Raff. Sana hindi na lang ikaw ang hiningan ko ng tulong kanina na maglinis sa room ni Miss Jaz. Ganoon tuloy ang nangyari."
Hindi na narinig pa ni Jaz ang ibang sinabi ni Cleo dahil ang pinansin niya ay ang nabanggit nitong pangalan. "Ano'ng sabi mo? Miss Jaz?"
"Oo. Si Miss Jaz. Iyong ex-gf ni Sir Raff sa VIP Room. Bakit?"
"Jaz din ang pangalan o palayaw niya?"
"Jazmin De Vera ang totoong pangalan niya. Katukayo mo siya sa palayaw na Jaz. Teka, hindi mo alam? Hindi man lang binanggit sa iyo ni Sir Raff?"
Marahan siyang umiling. Natutulala na rin siya. Kung ganoon kapangalan niya ang babaeng balak na pagselosin ni Raff sa pamamagitan niya. Aba'y ang galing pala.
Magsasalita pa sana si Cleo nang biglang nagbukas ang locker room at iluwa roon ang napakaseryosong si Raff.
"Mag-usap tayo," seryoso na sabi nito sa kaniya.
Napatitig siya nang masama sa binata.
Bumuntong-hininga si Raff at nilapitan siya. Kinuha nito ang kanyang kamay at hinila.
"Bitawan mo ako, Sir. Uuwin na po ako," piksi niya. Ayaw niyang pahila pero ang lakas ni Raff. Nahihila pa rin siya hanggang sa paglabas.
"Don't call me 'sir'! I said call me Raff!"
"Sige, Raff kung Raff!"
Nagtaka tuloy ang mga nakakakilala sa kanila sa paghihilaan at bulyawan nila.
"Get in." Marahas na tulak ni Raff sa kaniya nang marating na nila ang kotse at pinagbuksan siya.
"Ayoko nga," angal niya. Iniiwas niya ang sarili papasok sa kotse.
"Kailangan natin mag-usap," madilim ang mukhang sabi ng binata.
"Sorry, Raff, pero ayoko. Ayoko nang ituloy ang binabalak mo. Ayokong maging girlfriend mo kahit na pagpapanggap lang."
Halos magsalubong na ang kilay ni Raff. "What?!"
Napayuko siya ng ulo.
"We have a deal, Jazmira. You can't back out anymore. Kung tungkol ito kanina then I'm sorry. Forgive me. Nag-alala lang naman ako sa 'yo. Baka mapahiya ka kay... kay ano kapag—"
"Baka mapahiya ako kay Miss Jaz? So, Jaz din pala ang pangalan niya? Parehas kami," maagap na agaw niya sa sinasabi ng binata. Namumula ang gilid ng kaniyang mga mata sa nagbabadyang mga luha niya.
"Hindi kayo parehas dahil Jazmira ang pangalan mo!"
"Gano'n din 'yon dahil Jaz din ang palayaw niya, at ngayon alam ko na kung bakit, Raff. Na-realize ko na kung bakit ganoon na lang ang pagtrato mo sa akin noon. Dahil pala sa..." Sumagap muna siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay kakapusin siya. "Dahil kapangalan ko pala ang babaeng nanloko sa'yo. Ng babaeng kinamumuhian mo kaya kinamumuhian mo na rin ako."
"Mali ka!" protesta ni Raff.
"Mali ako? Sige, Raff, sabihin mo sa akin kung ano'ng dahilan mo noon, noong gusto mo akong ipatanggal sa trabaho kahit wala naman akong kasalanan. Noong sinabi mo na ayaw raw makita ang pagmumukha ko. Sige, sabihin mo ano'ng dahilan mo?" Kumawala na ang mga luha sa mga mata ni Jaz. Sobrang nasasaktan na siya. Parang ang daming pako na ibinabaon sa kaniyang puso.
Natigagal naman si Raff. Hindi nakapagsalita. Napamaywang lang ito habang napapatiim-bagang. Bumubuka ang bibig na parang may sasabihin pero sa huli ay nagiging singhap naman sa hangin.
"Hindi ko naman kasalanan kung... kung magkapangalan kami ni Miss Jaz, eh, dahil kahit ako hindi ko naman ginusto ang pangalan ko. Nanay ko ang nagbigay sa akin ng pangalan na ito kaya sana 'wag mo naman akong idamay sa sama ng loob mo sa ex mo ang pangalan ko. H'wag mo naman idamay lahat ng Jaz ang pangalan dito sa mundo sa nangyari sa into kasi ang unfair. Oo nga't pare-parehas man kami ng pangalan o palayaw pero magkakaiba kami. Magkakaiba ang pagkatao namin. Huwag kang OA!"
Hindi pa rin nakaimik si Raff. Pero makikita na namumula na ang mga mata nito sa nangingilid na mga luha.
Sisigok-sigok si Jaz na ipinagpatuloy ang pagsisintimyento. "Sorry, Sir, pero ayoko na. Ayoko nang ituloy ang pagpapanggap natin. Humanap ka na lang po ng iba." At pagkasabi niya niyon ay patakbo na namang iniwanan niya ang binata.
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomanceGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
