HABANG NAGHIHINTAY SA LABAS ay panay ang silip ni Sarah sa kaniya. Nginingitian naman niya ang cute na bata. Tapos ay mapapatingin siya sa kaniyang pambisig na relo at mapapatingala sa taas ng bahay.
"Tagal naman niya!" He let out a long sigh. Nag-isip-isip ulit siya. What the hell is he doing? 'Tong guwapo niyang ito ay mangangailangan siya ng magpapanggap na girlfriend niya?
He is Raff Fontanilla—handsome, brilliant, and chased by women in Manila. Hindi niya dapat ginagawa ito. This is not f*cking normal to him.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Huwag lang sana malalaman ng kaniyang mga kabarkada ang pinagagawa niyang ito dahil for sure katakot-takot na tukso at tawa ang matatanggap niya.
Nang sa wakas ay nakita niyang lumabas na ang pasaway na si Jaz sa bahay. Short at maluwang na kulay puting T-shirt ang suot lang ng dalaga.
Raff winced. "'Yan lang pala ang isusuot umabot pa ng ilang minuto sa pagpapaantay sa akin? Naku naman talaga!"
"S-sir, ano po'ng pag-uusapan natin?" tanong sa kaniya ni Jaz nang nasa harapan na niya ito.
"Honestly, I have a big favor to ask."
"Ano po 'yon, Sir?"
"Ayaw mong mawalan ng trabaho, tama?"
"O-opo?"
"And you don't want to have an issue with what you did to my picture, right? Kasi puwede kitang idemanda sa ginawa mong pambababoy sa mga poster ko kung gugustuhin ko," panakot din niya.
"Sir, naman. Katuwaan lang 'yon. Kaya opo 'wag na po nating gawing issue."
Hindi inaalis ang pagkakahalukipkip na humakbang siya palapit sa dalaga. As in malapit na malapit. 'Yong gadangkal na lamang ang pagitan ng mukha nila.
Gustong naman umurong ni Jaz pero kasi parang natuod na ang dalaga sa kinatatayuan. "Juskolord, ito 'yung mga napapanaginipan ko noon lagi-lagi na romantic scene namin ng crush ko... este hindi ko na pala crush... mangyayari na po ba?"
"Mangako ka muna na kahit ano iyong favor na hihilingin ko ay hindi ka tatanggi," pilyong mahinang sabi ni Raff. Sinadyang inilapit pa lalo niya ang mukha sa mukha ng dalaga.
Napalunok naman si Jaz kahit na ang bango ng hininga ni Raff.
"I'm asking you."
"Ah, eh, o-oo naman, Sir. Sabi ko nga, 'di ba? Magsabi ka lang gagawin ko po. Kahit ano po."
"Okay tayo kung gano'n." Napangisi na si Raff. Tapos ay parang wala lang na bigla na niyang inilayo ang sarili sa dalaga.
Hindi niya alam na nakahinga nang maluwang si Jaz dahil muntik-muntikan na nitong makalimutang huminga sa labis-labis na tensyon o sa tamang salita ay sa labis-labis na kilig.
"Hoh!" pasimple na nag-inhale at exhale ito ng ilang beses.
Nang magtama ulit ang tingin nila ay maluwang na ngiti ang makikita sa mukha ni Raff.
Kinabahan naman si Jaz. May nabasa na kasi itong hindi maganda sa ngiti na iyon ng binata.
"Eh, ano po ba 'yong gagawin ko na pabor, Sir?"
Humalukipkip ulit ang binata. "Don't worry dahil simple lang naman."
"P-paanong simple lang po?"
"Simple lang talaga dahil magpapanggap ka lang na girlfriend ko."
Hindi mailarawan ang saktong reaksyon ni Jaz sa narinig. Basta nagulat ito.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?"
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomanceGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
