"HINDI KA PAPASOK sa trabaho mo, Anak?" mahinang tanong ni Aling Juanita kay Jaz isang umaga na nagtutulungan sila sa paglalaba ng mga kumot at kurtina.
"Natanggal na po ako sa resort, 'Nay," pagsisinungaling ni Jaz sa ina dahil puwede pa rin naman siyang bumalik sa resort, siya lang ang may ayaw. Katunayan, nakailang tawag na si Cleo at Misis Santos sa kaniya na sinabi ni Sir Jex nila na puwede pa rin siyang pumasok sa kabila ng mga nangyari.
"At bakit naman?"
Napalabi siya. Alam niya agad ang nasa isip ng nanay niya. Na paano na silang pamilya kung walang maghahanap buhay sa kanila?
"May ginawa ka bang mali, Anak, kaya natanggal ka? Ano ang ginawa mo?"
"Mahabang kuwento, 'Nay, eh. Pero 'wag po kayong mag-alala dahil balak ko ay tanggapin ang off55er sa akin ni Insan Belen sa Cebu na maging waitress sa isang restaurant. Mas malaki sahod doon."
Nalungkot si Aling Juanita. "Pasensiya ka na, Anak, kung hindi man lang kita matulungan sa pagtatrabaho."
Nabahalang ginagap ni Jaz ang isang kamay ng ina. "Ayos lang, 'Nay. Ako nga ang dapat humingi ng sorry dahil kahit itong paglalaba sana ay hindi niyo na ginagawa. Dapat sa edad niyong iyan ay relax na lang po kayo. Sorry po, 'Nay, mahina akong anak. Wala man lang akong natupad na pangako ko sa inyo noon."
"Ano ka ba? Iyon pa nga lang pagtatrabaho mo sa resort ay sobra-sobra na iyon. Proud na proud na ako sa 'yo niyon."
Ngumiti siya sa nanay niya. Pagkuwa'y madamdamin silang nagyakapan sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
Любовные романыGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?