Part 5

5.4K 183 6
                                    

"MISIS PERES, is there a problema here?" Hindi napigilan ni Jay na lumapit at sumabad. Ang akala niya kasi ay pinapagalitan ni Misis Peres ang isang guest o customer nila sa resort na napakagandang dalaga.

Yeah, the lady is so gorgeous at inaamin niyang nabighani siya kanina sa taglay na ganda ng dalaga, kahit pa parang pamilyar ito. 'Di lang niya maalala kung saan niya nakita ang dalaga.

"Naku, Sir Jay, wala po. Sinasabihin ko lang po itong isa nating tauhan." Diniinan pa ni Misis Peres ang word na 'tauhan'.

"Tauhan?" His eyes norrowed. He looked at the woman wondering. Sa hitsura kasi ng dalaga ay mukha itong may kaya. "Are you sure? Tauhan siya ng resort?"

"Oo naman, sir. Isa po siya sa mga housekeeper natin."

Napamata siya sa dalagang hindi makatingin sa kanya ng diretso. Awang ang mga labi niyang tiningnan ito mula ulo hanggang pa. He can't believe it. Hindi kasi talaga mukhang tauhan ito ng resort.......

********

SI KIM ay kulang na lang ay maglupasay na siya sa sahig. Nakagat niya ang apat niyang daliri. Nganga! Walley ang diskarte! Buking agad! Ang saklap!

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Alis na," pasimpleng pagtataboy pa ni Misis Peres sa kanya. Pinadilatin din siya nito ng mata at kinurot sa pwetan. Aw!

Ang haba ng nguso niyang paisa-isa siyang humakbang paalis na nga, wala na siyang magagawa. Ngunit ay tila kasi ay kay bigat ng kanyang mga paa kaya hirap siyang makalayo. Ayaw niyang umalis kasi kaharap na niya ang crush niya. Ito na 'yung lagi niyang ini-imagine noon. Pero anong magagawa niya? Masakit ang kurot ni Misis Peres, eh.

Parang maiiyak na lang siyang lumingon kay Jay. "Bye crush," at naibulong niya na lamang niya sa isip-isip niya habang nagkakatinginan sila ng binata.

"Um... wait," buti na lang at pigil sa kanya nito.

Biglang bilog ng mga mata niya at kyambo. Sabi na nga ba niya at nagustohan siya nito. Kita niya kaya kanina 'yung tingin nito sa kanya. Nakakatunaw. 'Yung tingin ng isang lalaki sa babaeng nagugustohan, ganern.

"Sir Jay, may sasabihin ba kayo kay Kim?" kaso ay singit ni Misis Peres agad na nagpasalubong bigla sa mga kilay ng binata.

"What did you say?!" Mukhang nagitla ang binata sa tinuran ni Misis Peres.

"A-alin po ro'n, sir?"

Napangiwi siya. "Pwede ba mamaya na sila mag-chekahan, Misis Peres?" Nais niyang isatinig.

"'Yung name na binanggit mo? Can you repeat it?" sabi pa ng binata kay Misis Peres. Hindi na siya napansin. Tsk.

"'Yung pangalan niya po?" Turo ni Misis Peres sa kanya.

Nahihiwagaan na lang siya na palipat-lipat ang tingin sa dalawang nag-uusap. May tumubong kaba rin sa dibdib niya. Kasi 'yung mukha na ngayon ni Jay ay iba na, eh. Parang galit na? Anyare?

"Yeah, what's her name again?" Salubong na ang kilay ng binata. Naku po!

"Kim po. Kim po ang pangalan ko, sir. Kim Salomon po. 'Yung Salomon apelyido ko po, hindi Salmon. Salomon po," Inunahan niya si Misis Peres na sumagot. Na-excite na kasi siya kahit paano. Kasi naman tinatanong na ng crush niya ang name niya. Ayiee! Kilig nemen! Akala niya kasi ay mawawelly lang ang effort niyang ito... ito.. itong pagpapaganda niya.

Muli ay tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa. Inayos naman niya ang tayo. Nag-posing pa talaga siya para mas bongga. 'Yung pose na masakit ang ulo. At 'yung pose na masakit ang tiyan. At kulang na lang irampa niya rin ulit ang kanyang dress. Dahil do'n ay hindi niya na nakita ang pagtiim bagang ng binata.

"Misis Peres," wika na ng binata na humarap sa manager.

Tuloy pa rin siya sa pag-posing-posing. Stollen pose naman. Tapos masakit tuhod pose.

"Sir?"

"Fire her! And I want it ASAP!" subalit hindi niya inaasahang matatag na sabi ng binata kay Misis Peres.

Toinks! Muntik ng matumba siya sa pagpo-posing.

"Sure ka, sir?" At kahit si Misis Peres ay nagulat din.

"S-sir, bakit naman po?" takang sabad niya sa dalawa. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Nag-posing lang siya, Fire agad? Ba't naman gano'n?

"Just fire her! Or else ikaw ang ipapatanggal ko!" makapangyarihan utos pa rin ni Jay na hindi man lang na tumingin sa kanya. "Ayokong makita ulit 'yan na pagalagala rito sa resort namin! Understood?!"

"Y-yes, sir," utal na sagot ni Misis Peres.

Tapos ay wala nang lingon-lingon pa si Jay na iniwan silang dalawa.

"Misis Peres, nagjo-joke lang siya hindi ba?" Kalabit niya sa manager. Parehas silang nakanganga na nakasunod sa binatang boss nila na paalis.

Anyare ba talaga? Bakit biglang nag-beastmood ang binata?

"Sa tingin ko ay hindi," matapat na sagot ni Misis Peres na lalong nagpanganga sa kanya.

********

NAKASALUBONG ni Jay si Ernest. "Oh, ba't parang badtrip ka? Is there something wrong?"

"Yeah! Badtrip talaga ako!" tuloy-tuloy na hakbang siya, malalaking hakbang. Nag-init agad ang ulo niya nang malamang Kim ang pangalan ng babaeng muntik na niyang ipagtanggol.

"Huh?! What happened?!" habol sa kanya ni Ernest. "Tell me."

Tumigil siya at tinuro ang kinatatayuan nina Misis Peres at ni Kim. Urgh! Damn that name!

"You see that girl?" aniya sa pinsan.

"'Yung katabi ni Misis Peres? Si Kim?"

"Aahh!" Parang nasaktan ang pandinig niya nang banggitin ni Ernest ang pangalan na 'yon. Napatakip siya sa tainga niya at nakulot ang mukha niya.

"You okay, insan?"

Inayos niya ang sarili. Bumuntong-hininga. "Ernest, I want you to fire that woman ASAP! I don't want to see her face again. Ayokong nandito siya at pakalat-kalat dito sa resort habang nandito ako."

"What? Bakit naman? For what reason? May ginawa ba siya?" Gitla si Ernest.

"Just do it!" he just hollered kaysa ang magpaliwanag.

Umabot iyon kina Kim at Misis Peres. Kaya napaluha na si Kim. Anyare ba talaga? Kasalanan na ba ngayon ang mag-possing?! Jusko!.......

HER NAME IS MY EX'S NAME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon