PAGSAPIT NG GABI, isang bulto ng lalaki ang pumasok sa penthouse. Si Raff na galing sa bar. Nakainuman niya roon si Jex matapos ang sobrang busy nila na trabaho.
Susuray-suray ang nakainom na binata. Walang anumang itinumba nito sa malambot na kama ang nanlalambot na katawan.
Yumugyog ang kama, nga lang hindi nagising si Jaz na nasarapan na ang tulog. Umayos lang siya ng higa, pumihit. At hindi sinasadya ay nagkatapat ang mukha nila ng binata. Kaya nang maalimpungatan siya ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang magmulat siya ng mga mata dahil mukha ni Raff ang nasilayan niya. Maghihistirekal na dapat siya pero kasi ay natalo ng kagwapuhan ng binatang tulog ang pagwawala niya. Imbes na magtaka siya bakit katabi niya ang binata na natutulog ay pinagsawa na lang niya ang sarili na tinitigan ito nang malapitan.
"Shocks! Ang guwapo mo talaga ni Sir Raff. Para kang Greek God na bumaba rito sa lupa para makatabi ako rito sa kama na matulog. Ayiee!"
Napangiti siya nang pagkatamis-tamis nang dumako ang tingin niya sa ilong ng binata na matangos. Tapos bumaba sa lips nito na parang kay sarap halikan. Napapikit siya at akmang hahalikan ito.
"Jaz..." ngunit ay narinig niyang sambit ni Raff sa kaniyang pangalan habang tulog dahilan para mawala siya sa pagpapantasya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Pangalan ko ba 'yon? Luh!"
Mayamaya ay naitakip niya sa kaniyang bunganga ang dalawang palad. Muntik na kasi siyang mapatili sa sobrang kilig. Hindi siya makapaniwala na tinawag ni Raff ang kaniyang pangalan habang tulog. Ibig sabihin ay napapanaginipan siya nito. Ibig sabihin ay naiisip siya nito.
"Damn you, Jaz! Huwag lang talaga tayong magkikita pa dahil mapapatay talaga kita!" ngunit dagdag sambit pa ni Raff na mas hindi niya inasahan.
"Ano raw?" Natigilan siya nang husto. Hindi siya bingi para hindi marinig 'yon. Ang pakiramdam niya ay sinilyaban siya ng apoy sa pagkakataong iyon. At para rin siyang nakuryente na binitiwan bigla ang kamay ng binata.
"Mabuti naman at nandito pala siya. Bigla na lang nawala sa bar 'yan, eh," bungad bigla ng tinig ni Jex na humahangos.
Napaalis agad-agad sa kama si Jaz at naiiyak na tumingin kay Jex. Nagyuko rin siya ng ulo bilang paggalang.
"Bakit nandito ka, Jaz?"
"Itong penthouse po ang tuka kong nilinisan, Sir Jex. Kaso nakatulog po pala ako. Sorry po."
Bumuntong-hininga si Jex. "Ayos lang. Akala ko lang ay kung ano na ang nangyari dito. Wait, wala ba siyang ginawa sa 'yo? Ginambala ka ba niya? Sinungitan ka na naman ba?"
"W-wala naman po, Sir Jex. Ayos lang po kami. Pagdating nga po niya ay humiga agad po siya sa kama," sisinghot-singhot niyang sagot. Kahit anong pigil niya ay hindi pa rin niya mapigilan ang sama ng loob.
"Hey, are you crying?"
"Hindi po, Sir Jex," mabilis na sagot niya kahit na nag-unahan na ang mga luha niya sa pagpatak sa kaniyang mga mata.
"Sure ka? Eh, ayan umiiyak ka, oh?"
"Hindi po talaga, Sir," giit niya kahit humihikbi na siya at sisinghot-singhot.
Nakusot ang mukha ni Jex na takang-taka. "But—"
"Akala niyo lang po na umiiyak ako pero hindi po talaga, Sir. Maniwala ka po sa 'kin. Hindi po ako umiiyak."
Napanganga na talaga si Jex sa inaasal ng dalaga.
"S-sige po, Sir. Uuwi na po ako at baka makita ako ni Sir Raff. Gusto pa naman daw niya akong patayin," sabi na ni Jaz nang hindi makayanan ang sakit.
"Huh?"
"Una na po ako," sabi niya pa't lumakad na siya para umalis.
"Sige, ingat ka, Jaz." Narinig niyang pahabol ni Jex.
Hindi na siya sumagot. Dire-diretso siya ng labas sa penthouse. Luha pa rin siya nang luha. Ang sakit kasi talaga ng kalooban niya. Okay lang na pilitin siyang mag-resign, eh, pero 'yong malaman niyang gusto siyang patayin Raff ay parang ang OA naman na iyon.
"Ano ba talaga'ng kasalanan ko at bakit pati buhay ko na ngayon ay gustong tapusin ng dyablong lalaking 'yon? Sapat na ba 'yong kasalanan kung 'yon para patayin ako?" ngawa niya nang naglalakad na siya sa labas ng resort. Mabuti na lang at gabing-gabi na. Walang nakakakita sa parang baliw niyang pag-iiyak.
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomanceGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
