Part 8

4.8K 152 6
                                        

SA PENTHOUSE AY NAG-ALALA NA TALAGA si Jex para kay Jaz kaya nagpasiya siyang gisingin si Raff.

"Raff, dude, wake up!" Niyugyog niya sa kung saan-saang parte ng katawan si Raff magising lang ito.

"Bakit ba?" Raff's grunts as he opened his eyes slowly. Pupungas-pungas siya at halatang tamado pa konti ng alak.

"What did you do to Jaz, dude?" salubong ang kilay ni Jex na tanong.

"Ano'ng sinasabi mo na Jaz? Matagal na kaming hiwalay niyon, 'di ba?" Nakakunot-noo na bumangon na si Raff. Kahit paano ay wala na 'yong grabeng kalasingan niya dahil sa nakatulog siya kahit na saglit na saglit lang.

"Si Jaz na housekeeper dito sa resort ang tinutukoy ko. Si Jazmira Blanco at nandito siya kanina and she was crying. Ano na naman ang ginawa mo sa tao?"

"At bakit naman nandito ang Jaz na iyon sa kuwarto ko?"

"Of course, para maglinis dito sa penthouse. Ano pa ba?"

Nagbuntong-hininga si Raff. Hindi na interesado sa usapan.

"At alam mo bang grabe ang iyak niya na umalis. Ano'ng ginawa mo sa kan'ya?"

"Aba malay ko. Nakita mo naman bagsak ako, di ba? Ano'ng gagawin ko sa kan'ya kung tulog ako?"

"Malakas ang kutob kong meron kaya isipin mong mabuti, dude, dahil kapag may nangyari ro'n sa tao ay ikaw ang sisisihin."

Napaisip nga si Raff ngunit wala naman siyang matandaan. Ang natatandaan lang niya ay humiga siya sa kama dahil hilong-hilo siya, then wala na. "Pwede ba, dude, huwag mo akong gini-guilty sa babaeng 'yon dahil wala nga akong ginawa sa kan'ya. Natitiyak ko 'yon dahil tulog ako."

"Isipin mong mabut kasi o baka naman may nasabi ka sa kaniya na hindi maganda?"

"No and I don't care about her. At puwede ba umalis ka na. Iniistorbo mo lang pagtulog ko, eh," reklamo na niya. Kung alam lang niyang gigisingin lang siya dahil sa Jaz na iyon ay sana nagtulugtulugan na lang siya nang maalimpungatan siya. Ano ba'ng pake niya sa babaeng 'yon?

"Ewan ko sa 'yo. Pero sana walang mangyari ro'n na masama dahil kasalanan mo talaga. Kaaalis lang niya at parang wala siya sa sarili niya. 'Yan ang mahirap sa 'yo, eh. Porke't kapangalan lang ng babaeng nanloko sa 'yo 'yong tao, eh, dinadamay mo na. Hindi ka na makatao, dude. Ang OA mo na." Pagkasabi niyon ni Jex ay umalis na nga.

Iirap-irap namang kinuha ni Raff ang unan at niyakap iyon nang muling mapag-isa.

"Mga istorbo!" daing niya nang ginusto niya ulit makatulog.

Subalit minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya makatulog gayung ang sakit ng ulo niya at nahihilo pa rin. Ayaw man niya ay sumasagi pa rin sa isip niya 'yong housekeeper. Para rin kasing umi-echo pa sa kaniyang isipan ang tinuran sa kaniya ni Jex. Na kapag may nangyaring masama sa babae na iyon ay siya ang mananagot.

"Kainis talaga!" Padaskol siyang bumangon. At kahit ayaw niya ay bumaba na siya sa kama para habulin ang babaeng 'yon. Sinabi na lang niya sa sarili na ayaw niya na magkaproblema ang resort kung magmamatigas siya. Isa pa, lagot siya kapag malaman ito ng Tita Gemma niya. Ayaw na ayaw pa naman niyon na inaapi ang mga tauhan nila. His stepmother greatly values the resort staff. Para sa kaniyang Tita Gemma, wala raw ang resort kung wala ang mga empleyado nito.

"Uhm, Kuya Guard, kilala mo ba si... si J-Jaz?" napilitan niyang tanong sa guard kahit na namimilipit ang kaniyang dila sa pagbigkas ng pangalang Jaz.

"Ay, opo si Miss Kulit? Kaalis lang po, Sir. Umiiyak nga po, eh."

"Saang direksyon siya nagpunta?"

"Doon po, Sir. Pero kanina pa po 'yon."

"Okay, thanks." Tumakbo na siya para maabutan ang dalaga.Alam niya kapag umiiyak ang mga babae ay mga mabagal maglakad, kasi nag-i-emote pa.

HER NAME IS MY EX'S NAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon