Part 16

4.5K 139 5
                                        

SA RESORT. Nagpapaalam na nga si Jaz sa kaniyang mga kaibigan.

"Ayaw mo na ba talagang magtrabaho rito? Ayaw mo na ba kaming katrabaho?" malungkot na tanong ni Ana sa kaniya.

Pinilit ni Jaz na ngumiti. "Gustuhin ko man ay parang wala na akong maihaharap pang mukha dito. Nakakahiya ang ginawa ko kay Sir Raff na anak ng amo natin. Sinagot-sagot ko ba naman kasi siya tapos... ay, ewan. Baliw nga yata ako at nagawa ko iyon."

"Ano ka ba? Wala 'yon. Kasalanan naman niya dahil Sir OA siya," pag-alo sa kaniya ni Cleo.

"Oo nga. Naiintindihan ka ng lahat, Jaz." Sabad ni Sasha na receptionist na naririnig ang pag-uusap nila. "Kahit naman siguro sino ay magdaramdam sa ginawa ni Sir OA... este ni Sir Raff pala."

Na-touch naman si Jaz sa mga kasamahan ngunit umiling pa rin siya. Ayaw na niya talaga. Lagi lang siyang masasaktan kapag makikita niya si Raff. At saka may bago naman na siyang trabaho. Hindi magbabago ang isip niya. Mamaya ay babyahe na talaga siya papuntang Cebu. Doon siya maghahanap ng trabaho. Tutulungan daw siya ng kaniyang pinsan.

"Sige na, Jaz, 'wag ka nang umalis. Wala na kaming makulit na kasama kung mawawala ka," pangungulit sa kaniya ni Cleo.

"Pasensya na, Besh, pero nakadesisyon na ako," disididong sagot niya. "Sige, kukunin ko na ang mga gamit ko," paalam na rin niya. Tinalikuran na niya ang mga kaibigan at tinungo ang locker room.

"Anna, Cleo, nasaan si Jaz?" hindi na niya nakita ang humahangos na pagdating ni Misis Santos sa lobby.

"Nagpunta na po sa locker room para kunin ang mga gamit niya," sagot ni Cleo.

"Sige, sige, pupuntahan ko siya doon. Hindi siya puwedeng umalis." Nagmamadali na sinundan ni Misis Santos si Jaz.

"Pipigilan niyo po ba siyang umalis?" habol na tanong ni Cleo.

"Oo, utos ni Sir Raff!"

Pare-parehas nang napangiti sina Cleo, Ana at Sasha. Nakaamoy sila ng bagong love team sa resort.

"Yes!" kinilig na nakipag-apiran pa si Cleo kay Ana.

HER NAME IS MY EX'S NAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon