PAGDATING NI RAFF SA KOTSE ay marahas na isinara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. He felt pity for himself. Ngayon lang niya na-realize na mukhang ginawa lamang niyang katawa-tawa ang kaniyang sarili kanina.
"Kainis ka, Jazmin De Vera!" Nasuntok-suntok niya ang manibela. Mas naiinis siya sa sarili. Siya na nga ang niloko noon, siya pa rin ang kawawa ngayon.
"Fuck you!" Inis niya pa lalo dahil saan siya kukuha ng babae na gagawin niyang girlfriend. Kailangan niya talagang paninidigan iyon kundi ay mas mapapahiya siya.
Mayamaya ay may naisip na siya. Tapos ay napangisi na siya. Tama. Pwede 'yon. Alam na niya kung sino ang magpapanggap na girlfriend niya habang nasa resort sila ni Jaz.
"TITA, TITA JAZ, BANGON KA! May bisita ka!" Yugyog ng batang si Sarah sa natutulog na si Jazmira Blanco. Halos hilahin na ng bata ang tiyahin.
Si Sarah ay anak ng Ate Karla ni Jaz na kasama pa rin nila sa bahay dahil wala pang kakayahang bumukod kahit may asawa na. Ang panggatas ni Sarah ang isa pang dahilan kaya nag-housekeeping siya Sunkiss Resort. Hindi niya matiis ang pamangkin. Mabuti na lamang at kaaalis lang papuntang abroad ang kaniyang bayaw kaya medyo hindi na sila hirap sa gastusin.
"Bakit ba, Sarah?" pupungas-pungas na tanong ni Jaz sa makulit na pamangkin. Tanghali na pero tulog pa rin siya dahil day off siya ngayon.
"May bisita ka nga, Tita."
"At sino naman ang bisita ko?" Ipinikit niya ulit ang mga mata kasi antok pa rin siya.
"Siya po." May itinuro ang bata na lalaking nasa dingding. "Siya po, Tita. Si Kuya."
Hirap na hirap na nagmulat ulit ng mga mata si Jazz. Medyo malabo pa sa paningin niya sa bagong gising na diwa niya ang lalaking bisita raw niya, pero nang maging malinaw iyon ay anong balikwas niya ng bangon.
"Aaahhh!" sigaw niya pa na parang tanga. Nagtakip agad siya ng kumot hanggang leeg niya. Kasi naman si Sir Raff nila pala ang bisita niya at ang seste wala siyang bra kaya itinago niya ang katawan sa kumot.
"H-hi, Sir. Ba-bakit po kayo nandito?" ngiwing-ngiwi niyang bati at tanong sa binatang amo habang panay na ang punas niya sa mukha. Naisip niya na baka may muta siya o panis na laway. Nakakahiya. At sana lang hindi siya nakanganga kanina habang tulog.
Hindi sumagot si Raff sa halip muling ibinalik ang pansin sa kanina ay tinitingnan nitong poster.
"Yay!!" malakas na malakas namang tili ni Jaz nang ma-realize niya kung ano ang tinitingnan ni Raff sa may pader ng kaniyang kuwarto. Napakabilis niyang bumaba sa kama at sumingit sa binata. Tinakpan ang mga poster na tinitingnan nito. Ngunit kulang ang payat niyang katawan para takpan ang mga iyon. Kung saan-saan niya itinatapik ang kaniyang mga kamay.
How she wishes bumuka ang lupa at kainin na lang siya. Kasi naman 'yon 'yung mga pinaggugupit, pinagkikilamos at pinagsusulat niyang nga larawan ni Raff noong isang araw. Noong galit na galit siya binata. Noong binababoy niya ang mga picture ng binata. Muli ay nakadikit sa mga dingding nila. Kung paano hindi niya alam. Ang alam lang niya ay ibinasura na niya ang mga iyon.
"S-sir, wala po 'to! Wala po!" Hindi mailarawan ang mukha niya na sabi pa. At 'yong hitsura niya ngayon dahil nakadipa siya na nakataas ang isang paa niya para lang takpan ang mga iyon. Wala na siyang pakialam kung wala siyang bra.
"Diyablo ang taong ito pala, ah?" Ngunit nakita na iyon lahat kanina pa ni Raff dahil kay Sarah na pamangkin daw ni Jaz. Nakilala siya ng bata sa poster niya at hinila siya sa loob ng kuwarto para ipakita kaya naroon siya imbes na hihintayin niya si Jaz sa ibaba. Laking gulat niya kanina sa lahat ng nakita niya. Kung 'di lang sa bata ay baka siya ang nanggising kay Jaz sa pamamagitan ng pagsakal.
"Sir, wala lang po ito."
"Ang guwapo ko dito sa mga poster ko tas lalagyan mo lang ng sungay at pangil, really?!"
Naiiyak na lamang si Jaz na nanlupaypay. Itinakip na niya sa mga dibdib ang mga kamay. Sa pasaway na pamangkin na lang siya tumingin nang masama dahil ito ang mangunguya niya ng buhay mamaya.
"Mommy!" Nagtitili ang bata na natakot sa kaniya pero nagtatawa naman sa ginawa.
"Pakainin ko lang siya. Maiwan na nami kayo, Sir. Si Jaz na po ang bahala sa iyo." Iwas naman ni Ate Karla niya na nasa pinto pala.
Humalukipkip na si Raff nang dalawa na lang sila ro'n.
"Sorry po, Sir," hiyang-hiya na paghingi ni Jaz ng sorry. "Sa sobrang inis ko lang sa iyo noon kaya nagawa ko ang mga ito. Paano kasi ay gusto mo akong sisantehin, eh, wala naman akong ginagawang masama. Sorry po. Huwag po kayong mag-alala at aalisin ko na sila. Itatapon at susunugin ko na po sila mamaya." Nagsimulang pinag-aalis ni Jaz ang mga poster.
"Fix yourself. I have something to tell you. I'll wait you in the car," pero sabi ni Raff na parang wala nang pakialam sa bagay na iyon.
"S-sige po, Sir."
"Bilisan mo." Pumihit na palabas ng silid si Raff. At habang palabas siya sa bahay nina Jaz ay napapailing siya. Paano ay parang gusto nang magbago ang isip na gagawin niyang girlfriend si Jazmira. Nagkamali 'ata siya ng naisip na babae. Ang layo-layo nito sa Jaz na ex niya. Walang-wala ito. Maniniwala kaya si Jaz na ex niya na nagkakagusto siya sa babaeng 'to? Malabo yata?
Jazmine De Vera knew his type when it comes to women. Alam ni Jaz na ang gusto niya ay pang-modelo na babae at hindi ganito na mukhang ewan, a nobody girl tapos may saltik pa.
Nga lang ay wala na kasi siyang maisip na paraan. He had no choice. Kaya bahala na siguro.
Sabagay hindi na iyon importante kung talbog na talbog sa kagandahan at katalinuhan si Jaz na pasaway kay Jaz na ex niya. Ang mahalaga na lang ngayon para sa kaniya ay ang may maipakita siyang girlfriend niya para hindi siyang magmukhang kawawa.
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomanceGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
