Part 3

6.4K 192 4
                                        

SA PROBINSYA NG LA UNION. Doon sa Sunkiss Resort.

"Talaga? Darating si Sir Raff dito sa resort?" Excited pa sa lahat ng excited si Jazmira Blanco o simpleng si Jaz.

Ang crush niya raw kasi na binata na anak ng amo nila sa Sunkiss Resort ay magbabakasyon kaya naman halos himatayin siya sa balita. Noon pa kasi niya itinatangi si Raff na anak ng asawa ng amo nila na si Madam Gemma. Katunayan, kaya siya pumasok sa housekeeping ng resort ay upang makilala balang araw si Raff Fontanilla.

"Ayiee!" tili niya sa labis-labis na kasiyahan nang tumango ang kaniyang kaibigan na si Cleo. "Sa wakas masisilayan ko na ang crush kong matagal ko nang inaasam na makita at makilala ng personal. Hindi na lang sa mga billboard at mga fliers ng resort ko siya makikita."

Si Raff Fontanilla kasi ang siyang modelo ng resort. Sa taglay nitong kaguwapuhan, laging ang mukha nito ang nasa billboard at fliers, pati na sa website ng resort. At doon unang nasilayan ni Jaz ang mukha ng binata at hinangaan. Pinagpantasyahan na balang araw ay ito ang magiging asawa niya. Hindi niya alintana ang langit at lupa nilang estadu sa buhay. Para sa kaniya ay libre namang humanga at mangarap, kaya walang masama.

"Tumigil ka ngang lukaret ka!" Natigil lang si Jaz sa ginagawang pag-iikot-ikot sa ere, pagtitili, at pagtatalon nang binatukan siya ni Cleo.

"Aray ko naman, Besh!" angal niya na napasapo sa likod ng ulo.

"Paano, wala pa man kasi si Sir Raff, eh, ang landi-landi mo na. Paano na lang kung nand'yan na siya sa harap mo? Maghuhubad ka na ng panty? Ganern?"

Inismiran niya ito. Maliban sa kaibigan niya si Cleo ay kasama niya rin ito sa housekeeping sa resort dahil kasabay niya itong nag-apply noon. Kasabay rin niyang na-hire. "Grabe ka naman. 'Di ba puwedeng magsaya? Kasi ang prince charming ko darating na? Makikita ko na?"

"Suss!" Hinalukipkipan siya ng kaibigan. "Asa ka namang papayag 'yung maging prince charming mo? Hoy, Jazmira Blanco, gising! 'Yung darating amo natin! Boss na rin natin dahil anak siya si Sir Romeo at stepson ni Madam Gemma! Hindi lang siya empleyado lang ng resort! Kaya 'wag kang assuming!"

"Alam ko naman, pero malay mo. Hindi naman masama ang mangarap at mas lalong hindi masama ang umibig," paninindigan niya. Iningusan niya ulit ito bago kinuha ang bag at pamarchang umalis na. "Siya, babosh!"

Una siyang uuwi ngayon kasi mag-o-over time raw si Cleo.

Mahaba ang nguso niya na naglalakad. Masama ang loob niya dahil imbes na suportahan siya ng kaibigan na balang araw matutupad din ang matagal niyang pinapangarap na pag-ibig niya ay ito pa talaga nagda-down sa kaniya.

"Kasla saan nga gayyem!" himutok niya sa wikang Ilokano na ang ibig sabihin ay parang hindi kaibigan. "Bakit ba? Eh, 'yung mga nababasa ko nga sa pocketbook ay mas madaming rich guy at poor girl ang nagkakatuluyan? Sabi nga sa mga libro, wala sa estadu sa buhay ang pag-ibig kaya naniniwala ako na hindi imposible ang nararamdaman ko para kay Raff. Naniniwala ako na kami ang magka-forever kahit pa isang hamak na housekeeping lang ako at siya ay anak ng boss. Basta! Laban lang ako!"

Ang haba pa rin ng nguso niyang naglalakad pero pangiti-ngiti na siya. Ibinalik niya ang sigla. Gusto niya good-vibes lang siya. Hindi siya papaapekto kay Cleo. Ngayon pa na makikita na niya sa wakas ang crush niya? Fighting lang siya.

Mas lumawak ang pagkakangiti ni Jaz nang napadaan siya sa isang boutique sa CSI Mall. May nagustuhan siya na isang maxi dress. Bigla ay naisip niya na mag-empress bukas. Deserve naman siguro niya na magpaganda dahil darating ang kaniyang ultimate crush.

Saglit nga lang ay bitbit na niya ang biniling damit. Pikit-mata niyang ipina-swipe ang kaniyang credit card. Twelve months to pay. Bahala na si Batman kung wala sa oras ay nagkaroon siya ng malaking utang. At least, kahit bukas lang ay maganda siya at sosyal tingnan.

HER NAME IS MY EX'S NAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon