KINABUKASAN, MULING NAGISING SI RAFF sa mahimbing niyang tulog nang biglang bumungad na naman sa kuwarto niya si Jex.
"Dude, gumising ka na d'yan!"
"Ano na naman?" reklamo niya. Tinabig niya ang kamay ni Jex na yumuyugyog sa kaniya.
"May guest tayo."
"Ano naman ngayon?"
"Ang dapat na tanong mo ay kung sino, dude."
"Okay sino?"
"Walang iba kundi si Jaz, dude. Si Jazmin De Vera, dude. Your Ex."
"What?" Awtomatiko ang pagbangon niya. Kay dilim ng kaniyang mukha. "Where is she? Pinaalis mo na ba?"
Napakamot-ulo muna si Jex bago sumagot. "Nasa VIP room 501 siya. Hindi siya puwedeng paalisin dahil guest daw siya ni Tita Gemma. Kay Tita siya nagpasabi na dito muna siya mag-i-stay habang nasa ibang bansa ang asawa niya."
"Dapat pinaalis mo pa rin!"
"Susuwayin ko ang utos ng may-ari nitong resort ganoon ba? Syempre hindi ko 'yon magagawa. Saka customer 'yong tao, hayaan mo na. Karapatan niyang mag-stay dito dahil customer pa rin siya. Iwasan mo na lang siguro."
"It can't be! Mas mabuti pang umalis na lang ako rito! Hindi ko pa kayang makita ang pagmumukha ng babaeng 'yon at baka—damn it!" Sinadyang hindi niya dinugtungan ang sinasabi. Napahilamos na lang siya sa mukha. Tapos ay inis na inis na tinawagan ang kaniyang dad. Ngunit mas nadagdagan lang ang inis niya dahil mas inayunan nito ang bagong asawa.
"This is crazy!" gigil na gigil niyang sigaw. What would he do now?! He wasn't really ready to see her yet. Baka mapatay niya ang babaeng 'yon.
He has no choice kundi ang magkulong sa penthouse ng araw na iyon. Hindi niya hinayaan na magkaroon ng chance para makasalubong o makita kahit saglit si Jaz.
"Sorry, Sir, pero nagwawala na po kasi ang guest at gusto lamang daw niyang makausap ay ang mag-ari ng resort kaya pinapatawag na kayo ni Sir Jex para 'di na lumala pa ang pagwawala ng guest."
"Okay, papunta na ako d'yan."
Subalit kinailangan niya pa rin talagang lumabas at wala siyang magawa dahil kailangan niyang ayusin ang problema kundi lalong lalaki ang gulo. Iyon pa naman ang dahilan kung bakit siya naroon sa resort. Ang umayos ng gulo.
Ito na. Nangyayari na ang dahilan ng Tita Gemma niya kung bakit ayaw nitong walang magbabantay kahit isa lang sa kanilang pamilya sa resort, dahil may mga demanding talagang guest o na akala mo kung sinong mga special na tao porke't suki na rito sa resort.
Raff fixed himself quickly. At hindi na naman niya maiwasang mapatitig sa kaniyang peklat sa kaniyang dibdib. Napatiim-bagang siya.
Nang makabihis ay lumabas na siya. Tiwala na lang siya na sana hindi pa sila magtatagpo ng Jaz na 'yon. Malawak din naman ang resort kaya sana lang. Ngunit anong kamot ng ulo niya nang makitang si Jaz na ex pa niya na iniiwasan niya ang mismong nagpapakalma sa nagwawalang guest.
"Kainis naman talaga!" ngitngit niya sa kaniyang loob-loob.
"Oh, ayan na pala si Sir Raff," turo sa kaniya ng isang staff nila nang makita siya.
Wala na siyang lusot. Napatingin na sa kaniya ang lahat, kasama na syempre ni Jaz. Nagsalubong ang kanilang mga mata. And he can say that Jaz is still very gorgeous, even though she is already a married woman. Napakaaliwalas nitong tingnan sa kulay yellow nitong daster na pang-summer na hanggang paanan ang haba. Wala man lang nagbago dito at tingin niya mas gumanda pa nga.
"Dude!" tawag at kaway sa kaniya ni Jex.
Iniiwas na niya ang tingin sa dating nobya. Kaswal na lumapit.
"What's the problem here?" at parang wala lang ang presensya ni Jaz na tanong niya. Kahit na ang totoo ay parang nagulo ang kaniyang sistema lalo't magkatabi sila sa pagkakatayo.
Nagwala ulit ang lalaking guest na isa pa lang sikat na vlogger kaya nagmamatapang, pero nagawa naman niya itong kausapin nang mahinahon nang magpakilala siyang anak ng may-ari. Hanggang sa naresolba na nga niya ang problema. Misunderstanding lang pala tungkol sa isang waiter nila na bastos daw. Pinag-sorry na lang niya ang tauhan at kinausap nang maayos ang guest. Siya na ang humingi ng dispensa. Mamaya na niya kakausapin ang waiter para alamin ang side nito. Ang mahalaga ay tahimik na ulit ang resort.
"Sige na back to work," palakpak niya sa mga tauhan upang magsialisan na.
Ang hindi okay ay nang sila na lang ni Jaz ang naiwan doon sa gilid ng pool.
Matamis na ngumiti sa kaniya si Jaz nang mapatingin siya rito. "Mukhang magaling ka na sa pagpapatakbo ng resort niyo, Raff?"
"Thanks," matabang lang niyang sabi at humakbang nang nakapamulsa.
"Raff, wait," ngunit habol sa kaniya ni Jaz. Humarang ito sa kaniyang nilalakaran. "How are you? It's been a long time, Raff?"
"I'm fine," napakaseryoso ng mukha niyang sagot. "Ikaw siguro ang hindi okay?"
"Huh?" Napamaang si Jaz.
"Sorry, I just noticed that you are alone in this vacation. Where's your husband?"
"Ah, oo, mag-isa nga lang ako ngayon. Busy kasi siya. He's now in China for business pero susunod siya dito pagkatapos niya roon at kasama ang biyenan ko at anak namin. Nauna lang ako dito dahil may kinausap akong client namin sa kumpanya."
"Ah, gano'n pala."
"Oo, so let's have breakfast para makapagkwentuhan naman tayo?"
"No thanks. Susunduin ko kasi 'yung girlfriend ko. She's the only girl I want to be with in breakfast."
Kitang-kita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Jaz. "Is that so. Sige, okay lang."
Nagdiwang naman ng lihim si Raff.
"Sige, maiwan na kita. Alam mo naman na ayokong pinag-aantay ang babaeng mahal ko."
Walang naging imik si Jaz. Umawang ang mga labi nito. At ang hindi alam ni Raff ay nahahabag siya rito, kasi alam naman nito na acting lang 'yon ng binata. Halata naman. Saka nakausap na nito si Jex kanina at sinabi na hindi pa rin maka-move on si Raff.
"I'm sorry, Raff," nausal ni Jaz habang sunod-tingin sa palayong dating nobyo. Lumungkot ang mukha nito para sa binatang nasaktan nito nang sobra-sobra noon at nasasaktan pa rin niya hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
Любовные романыGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?