Part 12

4.6K 148 4
                                        

KINABUKASAN AY MAAGANG PUMASOK nga si Jaz sa resort ayon sa habilin ni Raff.

"Buti naman at pumasok ka na, Besh. Ikaw na muna roon sa VIP room please? Kasi ang dami kong gagawin. Salamat," hiling sa kaniya Cleo pagkakita sa kaniya sabay lagay sa key card sa kamay niya.

"Cleo, kasi ano..." Sasabihin niya sanang hindi pa siya puwedeng maglinis dahil iyon ang sabi ni Sir Raff nila na dapat mas ipa-priority nila 'yong pagde-date nila kuno ulit daw ngayon. Kaya nga nakaayos siya ngayon. Suot niya ulit ang kaniyang inutang na maxi dress.

Lumingon naman si Cleo. "Salamat, Besh. Mamaya pala mag-uusap tayo tungkol sa nalaman ko. Ikaw, hah, may hindi ka sinasabi sa 'kin. Mamaya kukurutin kita sa pwet," ngunit inunahan siya na sabi saka mas nagmamadali nang umalis.

Hindi na siya nakaalma. Kikibot-kibot na lang ang kaniyang mga labi na napatitig sa key card na hawak. Tapos ay napabuntong-hininga nang malalim.

Mayamaya pa'y makikita na nga siyang naka-uniform at tulak-tulak ang isang cart papunta sa isang VIP room. Nagpasiya siyang tutulong muna tutal maaga pa naman sa usapan nila ni Raff. Baka nga tulog pa ngayon ang binata. Mabilis namang maglinis sa mga kuwarto ng mga VIP dahil malilinis naman ang mga mayayaman.

Kumatok na siya sa kuwarto na lilinisan niya nang nasa tapat na siya n'on. Dagli iyong nagbukas.

"Housekeeping po, Ma'am"

"Ah, okay, sige, pasok ka." Niluwangan ng sosyaling guest ang pinto. At nang tingnan niya ito ay ngiting-ngiti pa sa kaniya.

You want some food? Kain ka muna bago ka maglinis kung gusto mo? Saluhan mo ako," at offer pa sa kaniya nito nang naghanda na siya sa paglilinis.

"Salamat po pero hindi na po, Ma'am," magalang niyang pagtanggi. Uumpisahan na sana niya ang paglilinis sa pagdampot ng mga pinagkainan. Pero kasi ay biglang nagbukas ang pinto ng marahas at iluwa niyon ang mukhang galit na si Raff kaya napatigil siya.

Ang lalaki ng hakbang ng binata na tinungo siya at pahablot na hinila.

"Ay!" nasambit niya dahil muntik na siyang matumba.

"Raff, dahan-dahan naman," narinig niyang saway ng babaeng VIP.

Ngunit walang lingon-lingon na hinila pa rin siya ni Raff. Dire-diretso. Ang masaklap pa'y sa hagdan sila dumaan nang ang tagal magbukas ang elevator.

"Aray ko naman!" piksi na niya nang makailang hakbang na sila sa hagdanan. Binawi niya ang kamay, masakit na ang paghila sa kaniya nito. Idagdag pa ang muntik-muntikan niyang pagkatumba. Baka bumulusok siya paibaba ng hagdanan kapag nagkataon.

"What the fuck are you doing there?! Hindi ba sinabi ko kahapon na 'wag ka munang papasok sa trabaho dahil ako na ang bahala sa 'yo?!" paglalabas naman ni Raff sa galit.

"Sorry, Sir. Humingi kasi sa akin ng tulong si Cleo. Kulang daw kasi ngayon ang housekeeper. At akala ko tulog ka pa kaya—" pagrarason niya sana.

"Kaya sinuway mo na ako agad?! Gano'n!" subalit mas malakas na bulyaw pa ni Raff sa kaniya.

Naiiyak nang nagbaba ng tingin si Jaz. Tumagos sa puso niya hangang likod niya yata ang sakit sa mga tinuran ni Raff.

"Alam mo ba iyong ginawa mo? Muntik mo nang masira ang plano ko!"

"Bakit naman po?"

"Dahil ang babaeng kausap mo kanina ang dahilan bakit kita pinagpapanggap na girlfriend! She's my ex-girlfriend! Stupid!"

Napanganga si Jaz. Naunawaan na niya kung saan nanggagaling ang galit ni Raff. Gayunman, tumagos pa rin sa kaniyang puso ang pagtawag sa kaniya nito ng stupid.

Mukhang natauhan naman si Raff kaya natigilan din ito saglit bago nag-walk out.

HER NAME IS MY EX'S NAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon