Part 4

6.9K 194 1
                                    

"AKALA ko ba bukas pa ang uwi mo. Napaaga ka yata?" tanong ni Ernest kay Jay. Ang isa sa mga pinsan ni Jay Novilla na pinagkakatiwalaan nila rito sa kanilang resort. "'Yan tuloy wala man lang sumalubong sa'yo."

"It's okay. Sinalubong naman ako ng babaeng parang tanga lang," wika ni Jay pero sa isip na lang niya iyon. "I'm completely fine, insan. I know you're all busy here at the resort, so don't worry about it," aniya sabay kinilig dahil umiihi siya pero tapos na. Tinaas niya ang pantalon at nag-zipper saka lumabas sa magarang banyo. Thank God. Naihabol niya. Tss!

"Ay oo, sinabi mo pa, Insan. Grabe ang tao ngayon. Salamat sa Climate change," biro ni Ernest.

"Baliw," aniya na umupo at ipinahinga ang sarili sa couch.

"I'm just kidding pero totoo naman, insan. Grabe kasi ang init ngayon ng mundo kaya lahat tuloy ay gusto mag-swimming."

He just gave him a small smile.

"Siya nga pala mamaya pa raw darating ang mama mo kasi may pinuntahan. Nagulat din nang sinabi kong dumating ka na."

"Okay," he answered with a shrug.

"So, paano maiwan na muna kita? Just take a rest now. Bukas ka na tumulong dito sa resort."

"Thanks, insan."

Nang wala ang pinsan ay ni-relax muna ni Jay ang sarili. Kampanteng sinandal niya ang likod sa malambot na kinauupoang couch. Pero ewan niya dahil bumalik sa balintataw niya ang babaeng parang baliw kanina. Tauhan kaya 'yon ng resort? Makikita kaya niya ulit ito?

The truth was nagandahan kasi siya sa babae. Simpleng ganda, natural. Parang si Kim lang noong unang nakita niya ang dalagang ngayon ay bahagi na lang ng buhay niya. Walang make-up. Walang kaarte-arte sa katawan. Nga lang, iyon nga, parang baliw lang kasi. Iyon ang kinaibahan ng babaeng 'yon kay Kim, dahil si Kim na Ex-gf niya ay matino ang isip hindi tulad ng babae kanina na parang may tililing sa utak. Sayang ang kagandahan....


********

PAGDATING ng bahay ni Kim ay baliw na nga siya, hindi na parang baliw dahil natuluyan na siya sa kabaliwan na tinungo ang silid niya.

"Waaaaahhhhhh! Bakit ba kasi ang malas ko sa buhay?! Bakit?!" ngawa niya na walang luha. Naihampas-hampas niya ang unan. Para sa kanya kasi ay wala na siyang pag-asa sa crush niyang si Jay Novilla dahil sa inasal niya kanina.

Sino ba naman ang hindi matu-turn off sa inasal niyang iyon?! Gosh, she's like a huge brainless bitch. Nakakahiya.

"Kainis! Kainis talaga!" Patuloy niya sa pananakit sa mga unan niya. Kung tao lang siguro ang unan niya ay sinapak na rin siya nito dahil dinadamay niya ang mga ito sa katangahan niya. Na kung magsasalita siguro ang mga unan ay sasabihin sa kanyang... "Tantanan mo kami! Wala kaming kasalanan sa katangahan mo para saktan mo kami ng ganito!"

At parang narinig naman niya dahil tinigilan na niya ang mga unan. Hinaplos-haplos na niya ang mga ito tapos ay niyakap. "Sorry. Sorry, naglalabas lang ako ng sama ng loob kasi naman nakaharap ko nga ang crush ko pero ganoon naman ang nangyari. Ibang-iba sa gusto kong mangyari. Wala na, wala na 'yong slowmo na moment."

"Gano'n talaga. Minsan kapag nasa harapan mo na ang taong mahal mo ay 'di mo alam ang mangyayari," sagot ng unan.

Nagulantang siya. Nanlalaki ang mga mata niyang inilayo niya ang unan sa kanyang sarili at tinitigan. "Nagsasalita ka?"

"Tangi. Hindi 'yan ang nagsalita kundi ako. Napa'no ka ba?"

Nakahinga siya nang maluwag nang malingunan niya ang Ate Kayla niya sa likuran niya.

HER NAME IS MY EX'S NAME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon