IKALIMANG ORAS NA PAGBABA SA BUNDOK, sa wakas nakarating na sa ibaba sina Raff. Agad niyang pinaspasan ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse. Hindi nagtagal ay narating niya ang resort. Kulang na lamang ay liparin niya ang pagpasok. Natawa pa siya nang i-cheer up siya ng mga tauhan.
"Road to forever, Sir!" nangingibabaw na sigaw ni Cleo.
Nginitian ito ni Raff.
"Sir, heto po ang susi ng locker room," salubong naman ni Misis Santos.
"Thank you, Misis Santos."
Lakad-takbo siya na tinungo ang locker rooom. Pagdating naman niya sa tapat ng pinto ng locker room ay marahang niyang binuksan iyon. Para ngang naging slow motion sa sobrang marahan.
At nang bumungad sa paningin niya ang tulog na dalaga ay napaluha siya. Hindi niya napigilan ang emosyon. God, parang isang dekada na hindi niya nakita si Jaz. Na-miss niya ito nang sobra.
Dahan-dahan siyang pumasok sa locker room. Nakuntento muna siya sa pagtitig sa parang anghel na natutulog na dalaga. Tapos ay marahan niyang iniluhod ang isang tuhod niya para mapang-abot niya at mahaplos niya ang napakainosenteng mukha nito. Mayamaya ay buong pagmamahal niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga, na siyang nagpagising dito. Umungol ito at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.
Hindi na rumihestro sa mukha ni Jaz ang pagkagulat dahil alam naman nitong darating ang binata. Nahiya lang konti nang bumangon. Kiming pinunasan ang mukha at inayos ang damit.
Raff let a loving smile. "Ayos ka lang ba?"
Inirapan na ito ni Jaz. "Paano magiging maayos kung ikinulong ako dito dahil sa pananakot mo?"
"Huh? Pananakot?"
"Oo dahil ang sabi nina Misis Santos at Cleo sa akin ay tinakot mo sila na tatanggalin mo sila sa trabaho nila kapag hindi sila sumunod."
Nanlaki ang mga mata ni Raff. "Oy, mamatay man pero wala akong sinabi na gano'n, ah. Ang sabi ko lang ay gawin nila ang lahat para hindi ka makaalis dito sa resort. Hindi ko sinabi na ikulong ka."
Humaba ang nguso ni Jaz. "Hindi mo inutos ito?"
"Of course not. Basta noong tumawag ako ay sabi nakakulong ka sa locker room."
"Kung gano'n humanda sila sa 'kin."
Natawa si Raff. "Relax lang dahil ginawa lang naman nila ito para makapag-usap tayo. Ayaw ka rin nilang umalis na hindi tayo nagkakaayos."
Bumuntong-hininga si Jaz at tumayo na. "Ano pa ba kasi ang dapat nating pag-usapan? Ano'ng sasabihin mo sa akin? Sabihin mo na't kailangan ko nang umalis. Hahabulin ko ang flight ko pa-Cebu."
"Ang gusto ko lang naman ay sabihing huwag kang umalis. Please, don't leave. I'm begging you, Jazmira," nagsusumamong mahinang saad ni Raff. "I'm sorry for everything I've done. Babawi ako. Okay na kami ni Jaz. Nagkausap na kami nang maayos. Pinatawad na namin ang isa't isa kaya okay na ang lahat ngayon, kasama na itong puso ko."
Napatanga si Jaz.
"Jazmira or Jaz, whatever your name is ay kaya ko nang banggitin ngayon. Wala akong pakialam kung Jaz ang pangalan mo dahil mas may pakialam na ako ngayon sa totoong nararamdaman ko para sa 'yo. At iyon ay ang gusto kita, Jaz," nakakagulat na pag-amin na rin ni Raff. "Correction, I think mas tamang sabihina pala ay mahal na nga kita. Mahal na kita kahit na maikling sandali pa lamang ang lahat sa atin simula makilala kita. Pero hindi naman basehan 'yon, hindi ba? Meron ngang love at first sight, eh, kaya posible ang nararamdaman ko sa 'yo o kaya liligawan kita."
Hindi na pinigilan ni Jaz ang sarili. Hinayaan na niyang mag-unahan ang mga luha niya sa paglandas sa mga makinis niyang pisngi.
"Hayaan mong iparamdam ko 'to sa 'yo. Hayaan mong mahalin kita, Jaz. 'Wag kang umalis," sumamo pa ni Raff.
Pinunas niya ang mga luha sa pisngi. "Bago ang lahat, puwede bang malaman kung bakit ganoon na lamang ang galit mo kay Miss Jaz na nadamay pa kaming lahat na Jaz sa galit mo?"
"Maliban sa ipinagpalit niya ako sa best friend ko ay dahil dito." Walang ingat na binuksan ni Raff ang polo. Nagtalsikan tuloy ang mga butones sa kung saan-saan. "Ito. Ito ang dahilan bakit ako nagkaganito. Sa dating tattoo na nakatatak dito noon na pangalan ni Jaz." Iyon pala ay ipapakita nito ang peklat sa may bandang dibdib nito. "Nakakatawa man pero sumagad ang pagkamuhi ko sa pangalan na Jaz dahil dito sa tattoo. Sobrang nasaktan kasi ako sa pagbura nito noon kaya... kaya naisumpa ko ang pangalan na Jaz!"
Napamata roon si Jaz. Napatitig siya sa mga peklat. Mayamaya ay tumaas ang kaniyang kamay at hinaplos iyon.
"I'm sorry kung para akong naging tanga o naging OA dahil nandamay ako ng mga taong walang kasalanan tulad mo. But I promise aayusin ko na ang sarili ko. Just don't leave me. Dito ka lang sa resort. Gusto ko pang mahalin ka, Jaz."
Matagal, as in matagal na nagkatitigan silang dalawa. Para na silang na-istatuwa sa kanilang kinatatayun. Napapakurap lamang sila dahil sa simoy ng hanging pumapagitna sa kanila paminsan-minsan.
Hanggang sa gitna ng kaniyang pagluha, "Raff!" ay iyak na niyang sambit kasabay nang mahigpit na pagyakap na niya sa lalaking mahal na mahal din niya.
"I love you, Jaz! I love you so much!" Ginantihan iyon ni Raff nang mas mahigpit na yakap.
"I love you din, Raff." Napaiyak ulit si Jaz pero sa sobrang kasiyahan niya.
SA MGA SUMUNOD NA ARAW ay mas naging masaya na sina Jaz at Raff. Lahat ay ginagawa ni Raff para maging memorable ang bawat sandali na magkasama sila sa resort. At nang kinailangan ni Raff na umalis na at bumalik sa Maynila ay walang pangamba si Jaz. Walang naging problema sa kanila ang LDR dahil kapag may pagkakataon ay dumadalaw naman si Raff sa La Union para muli silang magkasama.
Isa lang ang naging malaking problema nila, iyon ay nang ipina-tattoo ulit ni Raff ang pangalan na Jaz sa dibib nito. Nagalit si Jaz pero hindi naman nagtagal.
"Basta kapag naghiwalay tayo, d'yan lang 'yan, ah! Huwag mo nang ipapabura para hindi mo na naman kamuhian ang pangalan namin!" sabi nito nang magkabati sila.
"Bakit hihiwalayan mo ba ako?"
"Muntik na. Kanina."
Natawa lamang si Raff at niyakap ang mahal na mahal na nobya.
Dalawang taon lamang ang lumipas, matapos maka-graduate si Raff bilang Engineer, ay naging busy ang lahat sa Sunkiss Resort para as gaganaping magarbong kasal na magaganap. Ang kasap nina Raff at Jaz.
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
RomanceGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
