WALANG KAALAM-ALAM SI JAZMIRA na naroon sa di-kalayuan si Raff at malungkot na tinatanaw siya. Napilitan lamang na umalis ito nang makita niyang parang napansin na siya ng naglalarong si Sarah kasama ang mga kapwa bata. Bago pa man makalapit sa kotse niya ang pamangkin ni Jazmira ay pinaharurot na niya iyon.
Pagdating niya sa resort ay hitsurang pinagsakluban siya ng langit at lupa na pumasok.
"Saan ka galing, dude? Kanina pa kita hinahanap," salubong sa kaniya ni Jex nang makita siya sa lobby ng building.
"Diyan lang. Bakit?"
"Ah, wala naman. Yayayain lang sana kitang mag-trekking tayo sa Mount Nalbo? Napansin ko kasi na parang ang lungkot mo sa mga nagdaang araw, eh. Tara, chill tayo sa bundok?"
"Wala ako sa mood."
"Come on, pagbigyan mo naman ako, dude. Ang tagal na nating hindi nagagawa ang mga ginagawa natin noon. Bonding naman tayo."
"Sorry, pero next time na lang siguro."
"Tara na kasi. Saka 'di ba, gusto mong ipakita kay Jaz na nakamove-on ka na sa kan'ya? Kaya dapat naglalabas-labas ka. Baka nakakalimutan mo mga bitter lang ang nagkukulong. Sige ka baka iniisip na ngayon ni Jaz ay nag-i-emote ka pa rin dahil sa kan'ya."
"Of course not!"
"Eh, kung gano'n ay ipakita mo."
Napaisip siya, at naisip niya na may punto ang kaibigan. Kaya naman sa huli ay pumayag na siyang sumama rito. Saka naisip niya para makapag-isip-isip na rin at maiwala sa isip niya na rin si Jazmira.
Nga lang pagdating nila roon ay saka lang niya nalaman na kasama pala nila si ex niyang si Jaz sa pag-akyat ng bundok. Saka lang niya napansin na isa ito sa kasama nila nang mag-alis ng takip sa mukha. Nasa kalagitnaan na sila ng bundok nang magpakita ito ng mukha.
Ngumiti ito sa kaniya. Napasinghap naman siya sa hangin. Kumukulo talaga ang dugo niya 'pag nakikita niya ito.
Binilisan niya ang paglalakad kahit na matarik ang nilalakaran nila ngayon na bahagi ng Mount Nalbo. Ang bundok na malapit sa kanilang resort.
"Raff, wait!" Ngunit habol sa kaniya ni Jaz.
"Oy, dahan-dahan lang kayo!" sigaw sa kanila ni Jex na siyang kinunchaba ni Jaz. Plinano ni Jaz ang lahat para magkausap silang dalawa ni Raff at magkaroon na sila ng closure.
"Raff, please wait. Gusto ko lang naman na mag-usap tayo." Habol pa rin Jaz kay Raff.
"Kausapin mo ang sarili mo," badtrip na sabi ni Raff. Binilisan pa niya ang paglalakad. Tumatahip na ang puso niya sa bumulwak na naman na galit sa kaniyang dibdib. Mamaya ay humanda sa kaniya si Jex. Gets na niya. Ito pala ang plano ng gunggong.
"Dahan-dahan lang kayo matarik ang daanan, Raff! Jaz!" narinig niyang sigaw rin ni Jex.
That jerk! He will boil him alive!
Nakunwari siya na walang naririnig. Mamaya na niya papakuluan ang kaibigan. Tuloy-tuloy lang siya nang mabilis na lakad.
Subalit hindi nagpapaiwan si Jaz. Nakasunod pa rin ito sa kaniya kahit na hingal na hingal na.
"Raff, please! Dahan-dahan naman!" pakiusap ni Jaz pagkuwan.
He still pretends not to hear anything. Mas pinaspasan pa niya ang lakad. Hinding-hindi siya makikipag-usap sa babaeng haliparot. Minsan na niya itong pinatay at inilibing sa buhay niya. Hinding-hindi na niya ito bubuhayin sa kaniyang sistema. Isa na lamang itong multo sa nakaraan.
Napapabuntong-hininga naman si Jaz, gayunman ay wala itong balak na sumuko. This is her last chance to talk and get closure with Raff. Hindi nito sasayangin ang huling tsansa. Pinaspasan din nito ang lakad. Sanay rin ito sa pagtre-trek kaya kahit paano ay nakakasabay ito sa binata.
BINABASA MO ANG
HER NAME IS MY EX'S NAME
عاطفيةGalit na galit si Raff Fontanilla sa ex-girlfriend na ang palayaw ay JAZ. Naging Sir OA na tuloy siya dahil lahat na ng JAZ ang pangalan ay kinamumuhian niya. May pag-asa kaya si Jazmira na crush siya noon pa na mabuksan muli ang puso niya?
