Part 17

4.4K 141 3
                                        

SA LOCKER ROOM AY HALOS hindi magawang pumasok doon ni Jaz. Pinilit lang niya ang sarili dahil kailangan na niyang magmadali dahil anong oras na. Mag-eempake pa siya mamaya doon sa bahay nila ng mga gamit niyang dadalhin niya sa Cebu.

"Okay lang, self. Masasanay ka rin doon sa Cebu," pag-alo niya sa sarili nang buksan na niya ang locker niya.

"Jaz!" Nang bigla ay bungad ni Misis Santos.

"Bakit po?"

"Jaz, hindi ka puwedeng umalis. Kailangan daw kayong mag-usap ni Sir Raff kaya kailangan mo siyang hintayin. Pababa na sila mula sa pagte-treking sa bundok."

Mas nalungkot si Jaz. "Sorry po, Misis Santos, pero kailangan ko na pong umalis pagkaligpit ko ng mga gamit ko."

"Hindi nga puwede dahil pati ako ay matatanggal daw sa trabaho kapag pinayagan kita."

Napasimangot na siya. "Ang OA talaga ng lalaking 'yon."

"Ah, basta! Hindi ako makakapayag na umalis ka!"

"Sorry po talaga, Misis Santos."

Kinabahan ang ginang nang makita niyang ipinagpatuloy ni Jaz ang pagliligpit ng gamit mula sa locker. Napakapit na lang sa hamba ng pinto ang nawalan ng pag-asang ginang na mapipigilan pa niya ito. Nang bigla ay napatingin siya nahawakang pinto ng locker room. Hindi nagtagal ay napangisi na ito sa naisip na paraan.

"Sige, maiwan na kita dito kung gano'n."

"Opo, at sorry po ulit sa lahat, Misis Santos, kailangan ko lang talaga na umalis na dahil mag-iimpake pa po ako."

"Ayos lang pero sorry din sa gagawin ko, Jaz." Hinawakan na ni Misis Santos ang doorknob ng pinto at hinila iyon pasara.

"Hala!" ang tanging naisambit ni Jaz nang marinig niyang nag-lock ang pinto. Nang ma-realize na ikinulong siya ni Misis Santos sa locker room ay saka siya nagtatakbo sa pinto at sinubukang buksan pero naka-lock nga talaga.

"Sorry, Jaz, pero ayokong mawalan ng trabaho. Isa pa, sa tingin ko ay kailangan niyo ngang mag-usap ni Sir Raff," sabi ni Misis Santos.

"Misis Santos, buksan mo ang pinto! Hindi niyo po puwedeng gawin ito sa akin! Palabasin niyo po ako dito, Misis Santos!" Kinalampag-kalampag ni Jaz ang pinto ngunit parang wala nang naririnig ni Miisis Santos. Umalis na ito. Iniwan na siyang nakakulong.

"Kainis!" Wala na siyang nagawa kundi ang mainis dahil nang sinubukan niyang tumawag sa nanay at ate niya ay wala pala siyang load tapos walang wifi sa area ng locker room.




ISANG ORAS NA PAGBABA NG BUNDOK. Nakangiti pa rin si Raff kahit tagatak ang kaniyang pawis. Nakangiti siya dahil iniisip niya kung ano ang mga sasabihin niya kay Jaz oras na makaharap na niya ito. Excited na siya.

Si Cleo naman ay binigyan ng pagkain at maiinom si Jaz. Idinaan sa mga maliliit na bintana ng locker room. Kinuntsaba ito ni Misis Santos.

"Besh, sige naman, oh. Buksan mo ang pinto," pakiusap ni Jaz.

"Sorry, Besh, pero ayaw kong matanggal sa trabaho, eh," pagsisinungaling ni Cleo sapagkat ang totoo ay ginusto rin ang pagkukulong kay Jaz dahil gusto rin nitong magkausap pa sila ni Sir Raff nila.

Nanlupaypay na lang muli ang mga balikat ni Jaz nang mawalan ng pag-asang makalabas doon.




IKALAWANG ORAS NA PAGBABA SA BUNDOK, nababagot na si Raff. Pakiramdam niya ay nadoble ang tagal ng kanilang pagbaba kahit na binibilisan nila.

Nakatulog naman na si Jaz na hindi niya namamalayan doon sa locker room.




IKALAWANG ORAS NA PAGBABA SA BUNDOK, tinawagan ni Raff si Misis Santos nang magkaroon ulit ng signal ang kanilang cellphone. At laking tuwa niya nang malaman niyang imposibleng makalabas si Jaz sa locker room.

"Kumusta naman siya sa loob, Misis Santos? Okay lang ba naman siya?"

"Ay, opo, Sir Raff. Huwag po kayong mag-alala, ayos na ayos po si Jaz doon. Katunayan nang sinilip ko kanina ay nakatulog na."

"Sige po. Basta, huwag na huwag niyo siyang paalisin hangga't hindi kami nakakabalik d'yan."

"Yes, Sir. Ako pong bahala."

HER NAME IS MY EX'S NAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon