Bed 11

71.6K 1.2K 22
                                    

Pia's POV

Pagkarating ko pa lamang ng restaurant ay dumiretso agad ako sa opisina ni Yell. Nahihiya kasi ako sa nangyari kagabi at gusto kong humingi ng tawad rito.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Have a seat, Pia." seryosong wika nito kung kaya't agad ako umupo sa tapat.

"Ms. Yell, gusto ko po sanang humingi ng tawad sa nangyari kagabi. Alam ko naman po na mali talaga ang ginawa ko kaya kung pwede po sana ay hindi niyo ako tanggalan ng trabaho." nakayuko kong wika habang nakasalikop ang dalawang palad ko na nakapatong sa hita ko.

"It's not entirely your fault, Pia. I've already talked to Yana and Felice, si Gera ang unang gumawa ng gulo and you just defend your child." sabi nito at ngumiti pa sa akin.

"Pero huwag niyo po sanang tanggalin si Gera sa trabaho. Kahit naman po may pagka-demonyo ang isang iyon eh nakakaawa pa din kung bigla na lang siya mawawalan ng trabaho."

"I cannot do anything about that Pia. Kinausap na ni Wage ang parents ko this morning at talaga namang nagalit si Mommy sa nalaman niya tungkol sa ginawani Gera. As a matter of fact, my mother was too sensitive about pregnancy. Hindi niya kayang i-tolerate ang kahit sino man kung may ginawa o sinabi itong hindi maganda about it kasi naranasan niya iyon when she was still bearing their first son. My dad didn't want that kind of issues also kasi sobrang mali." mahabang paliwanag nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Paano na si Gera?" ewan ko ba pero nakakaramdam pa din ako ng lungkot kahit naman masama ang ugali ng isang iyon. May part din naman kasi na kasalanan ko dahil nilabanan ko pa.

"You're really pushing it, huh? Well, she will work pa din naman pero wala ng connection sa family namin especially to Wage." sabi nito kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Yell ay nagbihis ako agad ng uniporme upang makapaghanda na sa pagbubukas ng restaurant.

"Uy, Ate Pia! Anong nangyari sa inyo ng fafabels mo? Naka-score ka ba ulit kagabi dahil mainit ang ulo?" pang-aasar ni Yana kaya napatawa na lang ako habang napapailing.

"Baliw. Hindi naman siya ang tatay ng dinadala ko no. Kaibigan ko lang siya at natural lang na maging ang reaksyon niya bilang lalaki." balewalang sagot ko rito.

Napaigtad naman ako ng bigla niyang sundutin ang kaliwang tagiliran ko. Nakangisi ito sa akin at nagtataas baba ang dalawang kilay.

"Aysus, share mo naman kasi kung paano naging kayo ni fafabels mo. Aba! Isa palang sikat ng bachelor iyong lalaking iyon pero pagmamay-ari mo na pala." kinikilig na wika nito kaya napailing ako. Sana nga kung ganoon na lang.

"Hindi nga kami at walang kami. Mas mabuti pa ay magtrabaho ka na lang diyan para matapos na agad tayo." nakakaloko pa din ang mga tingin nito habang nagpupunas ng lamesa kaya natawa na lang ako. Sira ulo talaga.

Alas onse na ng gabi nang makapagsarado kami ngayon dahil sa dami ng customer. Friday din kasi at karamihan ng kumakain ay mga mag-asawa o hindi naman kaya ay mag-nobyo.

Napahilot na lang ako sa kaliwang balikat ko sa sobrang pagod. Gusto na ding bumagsak ng mga mata ko sa pagod pero ang hirap naman makahanap ng masasakyan. Ni ultimo taxi ay may laman.

Napabuntong hininga ako at mas pinili na lang maglakad papuntang terminal. Kahit nag-aalangan ako dahil gabi na ay wala din naman akong magagawa dahil ang hirap talagang makasakay ngayon.

Malapit na ako sa likuan nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa at wala akong makitang naglalakad masyado rito.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon