Bed 2

111K 1.5K 27
                                    

Pia's POV

Nagising ako sa marahang pagkatok na nagmumula sa labas. Pupungas-pungas pa akong bumangon at ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata.

Leche. Bakit ko ba pinagaaksayahan ng luha ang walang modo na iyon. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa aking harapan ang kaibigan kong si Xiara.

"Oh, napadalaw ka ata? May pachibog ka pa dyan! Pasok ka." nakangiting pahayag ko rito pero tinitigan niya lang ako ng mataman.

Napaiwas na lang ako ng tingin at naglakad papunta sa maliit na table sa maliit lang din naman na apartment ko. Naglapag ako roon ng mga kubyertos at platito.

"Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mong titig Xiara Wriella ha! Tutusukin ko ng tinidor iyang mga mata mo ng wala ka ng makita!" nanlalaki ang mga matang banta ko rito habang nakapameywang.

Kita ko ang panlalaki ng mata nito at napalunok pa. Jusko! Napakainosente ng gaga. Nang makahuma ito ay napailing na lamang siya at nagsimula na namang maglitanya.

"Alam mo Paloma Ivanna Accosi, pumapayat ka. Hindi lang iyon ha. Parang habang tumatagal eh nagiging malungkutin ka na. Nasaan mo dinala ang kababata ko? Nasaan na si Pia na walang ginawa kundi ang mang-trip at magpakasaya?" tanong niya sa akin at sumubo na ng fruit cake. Umiwas naman ako ng tingin.

Naiinis ako kapag bumubuka ang bibig nitong si Xiara dahil pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko sa mga salitang sinasabi niya.

"Putang ina, Xiara. Ayoko ng mga ganyang hirit mo at pwede ba huwag mong mabanggit banggit ng buo ang pangalan ko dahil kinikilabutan ako. Atsaka pakiramdam ko ay binabasa mo na naman ang buong isip at kaluluwa ko kapag ganyan ka makatingin. Hmp! Maiba nga tayo, bakit ka ata napadpad rito? Diba tuwing pasko at bagong taon mo lang naman ako dinadalaw rito?" pagiiba ko at tinaas ang paa sa lamesa.

Napabuntong hininga naman ito at sumandal sa upuan. Napakamot pa siya sa batok niya na para bang walang maapuhap na salita. Alam na this. May gumugulo sa utak ng gaga.

"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang pinakamagandang gawin ko sa buhay ko, magreresign na ba ako o mananatili pa din ako sa kanya? Na aasa pa din sa wala?" tanong niya sa akin ng may mababang tono.Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Sabi na eh.

"Magresign ka na. Walang magandang maidudulot iyang pagpapakatanga mo kay Simon. Akala niya patay ka na. Akala niya hindi ka na nag-eexist kaya hayaan mong ganoon na lamang ang tingin niya sa mundo. Kapag sinabi mong ikaw si Ella, tingin mo maniniwala pa sayo iyon? Tingin mo naaalala ka pa niya makalipas ang labing siyam na taon? Hindi na iyon! Ginusto na niya dito sa Maynila eh! Kaya ka di makamove on kasi ikinulong mo sa utak mo na baka may pag-asa pa kayo kahit wala na! Matalino ka te, kaya huwag kang magpakabobo sa taong hindi na maibabalik katulad ng nakaraan." litanya ko rito at nilantakan ang fruit cake. Nakakamiss pala talaga to. Grabe.

Nagpapayo ako pero heto ako at alam ko sa sarili kong may problema ako. Huwaw talaga.

"Bakit ikaw? Di ba nagpapakatanga ka din naman sa Wage mo? Ikaw din naman ha, nagmamahal ka din naman." hirit niya pa sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"HOY! FYI! Sumuko na ako, tatlong araw na ang nakakaraan. Ayoko na no. Nagising na ako sa katangahang nagawa ko. Tama na ang pagpapakahirap kaya kumawala ka na din para maging masaya ka! Hindi pa huli ang lahat habang virgin ka pa." dinilatan ko pa ito ng mata. Napalunok naman ito at umiwas ng tingin.

Putang ina! May hindi sinasabi sa akin ang babaeng ito!

"What the fuck?! Huwag mong sabihing isinuko mo na iyang puke mo sa kanya?! Maria Santisima Fernando San Victores!!" nanggagalaiting singhal ko rito at sinabunutan siya. Nakakagigil!

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon