Bed 14

74.3K 1.2K 35
                                    

Pia's POV

Walang nagsalita ni isa sa amin at hinayaan ko siyang hatakin ako papunta sa sala. Umupo siya sa single sofa at hinatak ako sa beywang na naging dahilan kung bakit ako napaupo sa hita niya.

Nanlaki ang mga mata ko at parang napipilan sa ginawa niya. Pilit naman akong umaalis sa pagkaka-kandong rito ngunit mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakayapos sa magkabilang beywang ko.

"W-wage, ano ba." saway ko rito lalo pa nang lalo pa ako nitong hapitin palapit sa kanya. Bigla nitong ibinaon ang mukha niya sa leeg ko kung kaya't hindi ko maiwasang mapasinghap.

"Just this once, please." pagod na pakiusap nito kaya napabuntong hininga na lang ako. 

Nanatili ako sa kandungan ni Wage habang hinahaplos ang buhok nito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kalmadong paghinga nito tanda na nakatulog na ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang bumaba ang tingin ko dito habang patuloy pa din sa paghaplos sa buhok niya. Hindi pa din nagbabago ang lalaking ito. 

Noon pa man ay madali na itong nakakatulog tuwing paglalaruan ko ang buhok niya o hindi naman kaya ay kinakantahan ko siya.

Hindi kasi daw siya dinadalaw ng antok agad noon pa man at kailangan niya pa daw magtrabaho ng sobra bago makatulog. 

Ilang sandali pa ay dinalaw na din ako ng antok at nakatulog ako sa kandungan nito.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap sa beywang ko at dahan-dahan akong nagmulat ng mata.

Napalingon ako sa paligid at napansin kong nasa loob na kami ng isang kwarto. Napalingon ako sa tabi ko nang lalo pa itong sumiksik sa akin. 

Napatawa naman ako ng mahina sa inaasta nito kaya unti-unti na din itong nag-dilat ng mata. Nakanguso ito na parang bata habang nakakunot ang noo.

"Why are you laughing?" paos na wika nito kaya napakagat na lang ako ng ibabang labi. Umiling na lang ako ngunit lalo pang humigpit ang pagkakayapos nito sa akin.

Napangiti na lang ako habang umiiling-iling.

"Ang clingy mo." saad ko sa kanya at nakita kong napalabi ito. Lumuwang ang pagkakayakap nito sa akin at bigla na lang akong tinalikuran.

Napapailing na lang ako sa inaasta nito. Putsa. Parang siya ang buntis sa amin sa bilis ng pagbabago ng mood niya.

Kagabi para siyang halimaw na galit galit, Nang dumating kaninang tanghali parang yelo sa sobrang lamig ang pakikitungo tapos bigla na lang umamo na parang tuta. Tapos ngayon naman parang tanga sa pag-aasal bata nito.

Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas ko pagkatapos ay inayos ang sarili ko. Magluluto na ako ng hapunan tutal ay alas sais na din naman.

Napalingon naman sa akin si Wage at kita ko ang masamang tingin nito habang nakakunot ang noo sa akin.

"Problema mo?" naglakad na ako papuntang pinto nang bumulong-bulong siya ng kung anu-ano. Napatingin ako rito habang nakahawak sa sedura.

Inirapan lang ako nito at nagtalukbong ng kumot. Napatawa na lang ako at lumabas na ng kwarto niya panigurado.

Pagkababa ko sa kusina ay agad kong inihanda ang mga rekado ng lulutuin ko. Naramdaman ko naman ang presensya ni Wage kaya napalingon ako dito.

Naka suot lamang ito ng sweat pants at walang saplot na pang-itaas. Gulo-gulo pa ang buhok nito habang nakahalukipkip na nakatayo sa bungad ng kusina.

"I'm mad at you." wika nito ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Pakielam ko?" masungit kong sabi dahil nahuhulaan ko na kung bakit ito umaakto ng ganito. Kahit kailan talaga.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon