Bed 22

68.8K 1.2K 38
                                    

Pia's POV

Maaga pa lang ay tumayo na ako para makapag-handa dahil may mission akong kailangan gawin para kay Xiara at Simon.

Ilang linggo na din ang nakakalipas nang manggaling kami kay nila Mama at ang pagkakaayos namin ng kaibigan kong iyon.

"Mommy, where are you going po?" tanong sa akin ng anak ko pagkalabas ko pa lang ng CR. Ngumiti ako rito at hinalikan siya sa noo.

"Magiging cupid lang si Mommy today pero uuwi din ako agad. Ano bang gusto mong pasalubong, hmm?" tanong ko rito at inilabas na ang mga gusto kong suotin ngayon.

"Macaroons po ulit." masayang wika nito kaya natawa na lang ako.

Napili ko ang isang red pleat fit and flare dress  at pinaresan ito ng isang black pumps. Napili ko ding magmake-up ng kakaiba ngayon dahil ewan. Wala lang ako maisip.

"Alis na ako, baby ha? Susunod ka kay Kuya Ivan." paalala ko rito at hinalikan siya sa pisngi.

"Yes, Mommy! I'll be good with Uncle Panget basta good din po siya." sagot ng anak ko at humagikgik pa. Kinurot ko naman ito sa pisngi at sumulyap naman kay Kuya.

"Kuya, ikaw muna ang bahala sa anak ko ha. Huwag mo masyadong ini-spoil iyan dahil masama ang kalakihan niya yun." sermon ko dito dahil masyado itong kunsintidor.

"Why not? Madami naman tayong pera at isa pa, para saan ang pagpapalago namin sa kompanya kung hindi din naman gagamitin diba?" mayabang na wika nito kaya napailing ako. Mga linya ng babaero.

"Ewan ko sayo. Sige na at aalis na ako." paalam ko sa kanila at sumakay na sa kotse ko.

Pagkarating ko sa mansyon nila Simon ay sinalubong ako ng isa sa mga katiwala nila at iginaya sa sala. Busy ako sa pagsagot sa mga walang kwentang tanong ni Simon nang magsalita ang isang babaeng pabebe.

"Sinong sumanib sayo Pia at ganyan ang itsura mo?" tanong nito sa akin at napapakamot sa pisngi niya. Aba! Anong mali sa itsura ko? Gaga ba to?

"Magma-mall tayo, ano ba? Atsaka masama na bang ganito ang itsura ko? Napaka-echusera mo talaga eh noh?" malditang wika ko rito at nameywang sa harap niya.

Tinignan lamang ako nito ng puno ng pagtataka kaya pumitik ako sa harap nito.

"Ano tititigan mo na lang ang alindog ko?! Ano ba, gogora na tayo at mag-ayos ka na." inirapan ko pa ito pero tinawanan niya lang ako. 

Hinatak nito ang hibla ng buhok ko nang dumaan siya sa likod ko. Nakakapikon talaga ang babaeng to minsan! Bestfriend ko ba talaga to?!

"Punyeta ka talaga, Xiara! Ginulo mo pa eh! Tandaan mo noong isang linggo lang tayo nag-bati!" naiinis na wika ko rito pero sinuklian niya lamang ako ng malutong na halakhak.

Kung hindi lang talaga para sa kaligayahan niya, hindi ko to pupuntahan dito eh. Pagkababa nito ay hindi ko maiwasang taasan ito muli ng kilay.

"Anong gusto mong ipamukha sa akin, Xiara Wriella? Na mukha akong kontrabida sa teleserye at ikaw naman ang bida? Walang hiya ito!" nanggigigil na wika ko rito. 

Hina-high blood talaga ako nito eh! Hindi na nag-bago, gusto na lang lagi akong pinagti-tripan!

Nagsuot ba naman ng peach and white kaya tuloy mukha na naman akong kontrabida.

"Ano naman ang gusto mong suotin ko? Backless?" pamimilosopo nito pero hindi ko na siya pinansin at nag-lakad na ako palabas ng bahay nila.

"Atsaka bakit ba ganyan ang itsura mo ngayon ha?" tanong nito pagkasakay ng koste ko.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon