Bed 17

69.8K 1.2K 90
                                    

Pia's POV

After 4 years...

"PALOMA IVANNA! Hurry up!" Napairap na lang ako sa kawalan habang kinakabit ang hikaw ko nang marinig ko ang pagsigaw na iyon ni Kuya Warren galing sa baba.

"OO NA! ANG INGAY MO!" sigaw kong pabalik dito at kinuha na ang clutch ko sa kama. 

Pagbaba ko ay naabutan ko si Kuya Warren na masama ang tingin sa akin at si Kris na nilalaro ang anak kong si Ingrid. Napasulyap sa akin ang bulilit at nagmamadaling bumaba sa kandungan ni Kris.

"Mommy!" masiglang wika nita at itinaas ang dalawang kamay. Agad ko naman siyang binuhat at pinugpog ito ng halik sa magkabilang pisngi.

"Hi Baby Girl! Aalis muna si Mommy ha? May pupuntahan lang kami ng mga tito mo somewhere." nakangiti kong wika dito.

"Sure, Mommy! Just don't forget my macaroons, okay?" at lumabas ang dimples nito sa pisngi.

"Yes, Baby. Remember, obey your Tita Irma and don't forget my rules." tumango naman ito at hinalikan ako sa pisngi.

Pagkatapos namin magkapaalamanan at magbilin sa kapatid kong si Irma ay agad na kaming bumiyahe palabas ng kabihasnan.

Tahimik lamang akong nakatingin sa labas ng bintana at hindi ko maiwasang mapaisip. It's been 4 years since I did something terrible in my life. If I could just turn back time, I will exchange my life just to be with my other half.

"We're here." naputol ang pag-iisip ko at napatingin sa paligid. Nagsimula na akong kabahan at naramdaman ko ang pag-angat ng inis at tampo sa isang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Nauna na sila Kris at Kuya Warren na bumaba kung kaya't sumunod na lamang ako sa mga ito. Kumatok ang mga ito sa maliit na bahay at ilang sandali pa ay may lumabas na isang dalagita.

Nagtataka ang mga tingin nito sa amin at para bang nag-aalangan magsalita.

"Hi Miss. Dito ba nakatira si Xiara Wriella?" tanong ni Kris rito. 

"P-pasensya na po at nasa trabaho po kasi ngayon si Ate eh." mahinhin na wika nito. Napatingin kaming lahat sa likuran niya ng marinig namin ang maliit na tinig ng isang batang lalaki.

"Ate Nena! Kain na po tayo. Gutom na po ko." nakanguso nitong wika at napabaling sa amin.

Parang may humaplos sa puso ko kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Hello po sa inyo!" magiliw na bati nito sa amin at pare-pareho na lamang kaming napangiti. Lumapit si Kuya Warren dito at lumuhod para magkapantay sila.

"Hi Little kid. What's your name?" 

"Sandro po. Ikaw po?" 

"You can call me, Tito Warren. Kuya ako ng mama mo." nakangiti nitong tugon sa bata. Nanlaki ang mga mata nito at lumawak ang ngiti.

"Talaga po?!" masaya ito at magiliw kaming pinapasok sa maliit na bahay nila. Wala naman nagawa iyong babae na halatang tutol sa pagpapapasok sa amin.

Bago ako pumunta sa sala ay nilapitan ko ito at kita ko ang kaba sa mga mata nito. 

"Maybe you're still in doubt about our relationship with Xiara, but let me tell you this. Umalis ka muna sa bahay na ito at bumalik ka na lang mamayang gabi o bukas. Huwag kang magsasabi kay Xiara na nandito kami or I'll do something that you won't like." mataray na wika ko rito at natatakot na tumango lang sa akin.

Nang makaalis na ito ay sumunod na ako sa kanila sa sala at naabutan ko silang nagkukulitan na para bang matagal na silang magkakakilala. 

Parang may pumiga sa dibdib ko. Kung sana lang. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at pilit na gamitin ang maskarang ngiti na matagal ko ng ginagamit. Nakipag-kwentuhan na din ako at nakipag-tawanan sa mga ito.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon