Bed 10

76.3K 1.2K 50
                                    

Pia's POV

Tahimik lang naming tinatahak ang madilim na kalye palabas ng kabihasnan. Madaling araw na pero hindi man lang ako makaramdam kahit kaunting antok dahil sa mga nangyari ngayong araw.

Ni hindi nga kami nag-iimikan ni Wage at basta na lamang siyang nagmaneho paalis doon. Kahit papaano din ay nabawasan ang galit sa mukha nito at kung minsan pa ay nahuhuli ko ang sandaling pagsulyap niya sa akin.

Bigla kaming huminto sa isang malaking kulay beige na may halong brown na townhouse. Nag-iisa lang iyon sa lugar na iyon ngunit napapalibutan ng mga magagandang bulaklak.

Namamanghang napatingin ako dito lalo pa at kitang-kita rito ang buwan at ang mga bituin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakapikit lamang itong nakasandal sa kanyang upuan.

Hindi ko maiwasang titigan siyang mabuti at purihin ang kabuuan niya. Ang magandang hulma ng kanyang mukha, makinis na balat, perpektong kilay, mahahabang pilik mata na animo'y isang babae, matangos na ilong, manipis at pinkish na labi ngunit ang higit sa lahat ay ang pinakagusto ko ang kanyang mga mata, kulay abo iyon.

Bigla itong dumilat kung kaya't napaiwas ako ng tingin habang hinihimas ang aking tiyan.

"Is there something wrong with the baby?" napatingin muli ako rito at kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kamay kong humahagod sa tiyan ko.

Umiling ako. "Bakit nga pala tayo nandito? Pwede bang iuwi mo na ako dahil gusto ko na talagang magpahinga." napalunok pa ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Tinitigan naman ako nito kung kaya't hindi ko mapigilan ang mabilis na pagkabog  ng puso ko.

Bigla nitong hinaplos ang gilid ng pisngi ko at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil mahapdi ang parteng iyon. Kita ko ang pagtiim bagang nito at bumulong-bulong na parang nagmumura.

Napahalungkat naman ako sa bag ko at kinuha roon ang salamin ko. Nang tignan ko ang pisngi ko ay may maliit na sugat roon at dugo. Hindi naman ganoon kalalim at sa tingin ko ay nakuha ko iyon sa pakikipag-sabunutan kay Gera. Napailing na lang ako.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang makita kong bumaba si Wage ng sasakyan. Umikot ito sa gilid ko at hinila ako palabas ng kotse. Nagmamadali itong pumasok sa bahay na iyon at binuksan ang ilaw sa may sala. 

Naiwan naman ako doon habang tinatanaw siya paakyat. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay at talaga namang namamangha ako sa ganda nito.

Malinis ang paligid at halatang inaalagaan. Umupo ako sa malambot na sofa roon at tinitigan ang pink carnation na nakalagay sa vase na nakapatong sa may lamesa. Hindi ko maiwasang mapangiti at bumalik ang mga ala-ala ng nakaraan.

Malungkot na nakapalumbaba ako sa may loob ng isang sikat na coffee shop habang hinihintay si Wage. Ang lalaking iyon!

May date sana ako ngayon sa dati kong kakilala at nagpaalam ako kay Wage ng maayos pero imbis payagan ako ay nagalit pa ito sa akin dahil kailangan niya daw ako ngayon para sa pagpapaselos kay Bridgette!

Kung hindi nga lang niya ako pinaswe-sweldo at kung hindi ko lang siya mahal ay nungkang sundin ko ang utos niya.

Uminom na lang ako ng inorder kong green tea at bagot na tinignan ang mga taong naglalakad. Buti pa sila hawak nila ang oras nila pero ako hindi! Paano ako magkaka-lovelife at makaka-move on kung ganito na lang palagi.

Napasimangot ako nang dumating si Wage at nakangising umupo sa may harap ko.

"Punyeta ka talagang lalaki ka. Salot talaga lahat ng may abong mata eh!" gigil na wika ko dito at sinipa siya sa paa. Parang wala lang iyon sa kanya at uminom ng green tea ko.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon