Pia's POV
Napakunot ang noo ko ng may biglang humintong itim na kotse sa harapan ko.
Hindi ko maiwasang kabahan ng dahil doon. Posible bang siya ito?
Halos mahigit ko ang aking hininga nang magbukas ang pintuan sa kaliwa nito ngunit agad din akong nakahuma at nakahinga ng maluwag nang mapagtantong hindi pala siya iyon.
"Pia!" napataas ang kilay ko ng mahinuha ko kung sino iyon.
"Anong problema mo, Simon?" mataray kong tanong dito at humalukipkip pa habang tinitignan siya ng mataman.
"Alam mo ba kung nasaan si Xiara? I've been searching for her since yesterday and I'm really fucking worried." para itong sinisilihan sa pwet kung makaarte.
"Gago ka ba? Hindi ba't ikaw ang kasama niya nitong mga nakaraang araw tapos ako pa ang tatanungin mo kung nasaan siya."
Napasabunot na lamang ito sa kanyang buhok at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya. Tang ina. Nasiraan na ba ng utak ang mga tao sa paligid ko at ganito kung mag-siasta.
Nagsimula na lamang ulit akong maglakad habang napapabuntong hininga. Bukod kasi sa nagugutom na ako ay iniisip ko pa din kung paano ako makakapagpadala sa nanay ko sa ibang bansa.
Nakausap ko kasi ito noong isang linggo at lumalala na daw ang sakit ng kapatid ko. Kulang pa daw ang kinikita niya sa mga sideline niya doon para suportahan ang gamot nito.
Gusto ko na lang magwala at magpapadyak pero wala naman maitutulong iyon. Magmumukha lang akong tanga panigurado kung gagawin ko iyon.
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang cellphone ko na nagriring. Napataas ang kilay ko nang makita ang pangalan ng magaling kong kapatid.
Ivan calling...
"Oh? Himala at napatawag ka? Bakit may ginawa ka na naman bang katarantaduhan?"
"Yow, little sister. Ganda naman talaga ng pambungad mo sa akin oh. Parang hindi mo ako namiss ha?"
"Pwede ba at tigil-tigilan mo ako sa kagaguhan mo ha! Halos mag-iisang buwan ka ng hindi nagpaparamdam tapos ganyan ang pambubungad mo sa akin. Ginagago mo ba talaga ako?"
Narinig ko na tumawa ito sa kabilang linya.
"Chill. Magkita tayo sa coffee shop. We need to talk."
Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito.
"Bigay mo address." Binabaan ko na ito ng tawag at napahawak sa sling bag ko.
Pagkareceived ko ng text nito ay agad akong sumibad papunta roon. Sakto lang naman at kababa lang din nito sa isang mamahaling kotse.
Hindi ko maiwasang magtaka dahil para bang hindi ko ito kapatid. Bukod kasi roon ay kakaiba ang porma nito at ang kilos.
"Alam kong guwapo ako, little sister. Tigilan mo na ang katititig sa akin ng ganyan." Nakangisi nitong wika habang nakapamulsa. Napaismid na lamang ako dito. Kapal talaga.
Sabay kaming pumasok sa loob ng coffee shop na iyon at kapansin-pansin ang malagkit na pagtitig ng mga kababaihan sa kapatid ko at pilit na nagpapapansin.
Hindi ko pa din talaga maintindihan kung bakit ganito ang ayos ng kapatid ko. Nagpatiuna na lamang ako sa isang upuan sa gilid at pagod na isinadlak ang sarili roon.
Ilang sandali lamang ay naupo na din sa katapat kong upuan si Kuya Ivan dala-dala ang mga inorder nitong inumin at cake.
"Explain."
"Woah! Ang init lagi ng dugo mo sa akin, Paloma!" natatawang wika nito kaya hindi ko maiwasang pitikin ito sa noo.
Napangiwi naman ito at tinitigan ako ng masama.
"Tang ina mo talaga eh no! Huwag mo akong matawag tawag sa pangalan na iyan dahil nakakadiri! Mabuti pa at umpisahan mo na ang magpaliwanag bago kita dukutan ng mata!" singhal ko rito at padabog na sumandal.
"Kababae mong tao kung makapagmura ka at makapagsalita para kang tambay sa kanto. Mag-eexplain ako pero pwede ba umayos-ayos ka din. Para kang tibo na ewan eh. Tandaan mo din na mas matanda pa din ako kaysa sayo!" Bugnot na wika nito at napapailing na lang. Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ng kapatid ko bago niya binitiwan ang mga kataga na para bang isang bomba sa aking pandinig.
"It's about our father."
Napakuyom ang mga kamao ko kasabay ng pagtagis ng aking bagang.
"Nagkita kami sa araw ng paglabas ko ng kulungan. Well, he was the one who helped me to get out from that fucking place." Seryoso nitong wika habang pinaglalaruan ang cake niya.
"Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandoon ako. He didn't answer me when I asked him that same day. Maybe after all these years, he was really busy looking out for us."
"Noong isang araw lang din ay nakarating na siya sa Germany to help our dear mother at syempre si Irma. Hindi ko pa alam kung anong eksaktong nangyayari ngayon but one thing is for sure. He came back for us."
Tumingin ako ng matalim dito at mahigpit na ikinuyom ang aking mga palad.
"WALA AKONG PAKIELAM KUNG BUMALIK ANG PUTANG AMA NA IYON!" nanggagalaiti kong saad. Pansin ko ang pagtingin ng hindi karamihang customer sa akin pero wala akong pakielam. Naiinis ako. Nanggagalaiti.
"Calm down, Pia! Nakakahiya sa ibang tao!" saway nito sa akin at pinanlakihan ako ng mata.
"I don't care!"
"Yes you do! I came here to tell you that but it seems like you're mind doesn'twant to accept that fact. Wake up Paloma Ivanna! Ibaba mo iyang pride mo at alamin mo ang nangyari sa ama natin bago ka maggaganyan!"
"Ayoko! Wala akong pakielam kung bumalik siya! Kung gusto niyo nila mama doon na kayo pero ako mamumuhay ako ng hindi siya kasama! Hindi ako nagpakahirap at nagpakaputa para lang bumalik sa kanya! Sabi mo galit ka sa walang hiyang iyon pero pinakitaan ka lang ng yaman ay bumigay ka na!"
Hinaklit ako nito sa braso at matalim akong tinitigan. Napalunok naman ako pero hindi nagbawi ng tingin.
"Kung ipagpapatuloy mo ang pagpapagana sa makitid mong kokote, walang mangyayaring mabuti sayo. Ayan ang problema sayo! Wala kang gustong pakinggan at lagi mong pinaiiral ang galit mo! Ano?! Babalik ka sa putang inang bar na iyon?! Titira ka pa din sa pesteng lugar kung nasaan ka ngayon?! Gugutumin mo ang sarili mo?!"
"Wala kang pakielam!"
"Kung pwede lang! Pero kapatid kita Paloma at kahit naiirita ako sa ugali mo, iniintindi pa din kita! Akala mo lang walang akong ginagawang matino para sa pamilyang ito pero higit pa ang isinakripisyo ko para sa inyo! Kaya bago ka magdadakdak ng kapunyetahan, mag-isip ka!"
Pabalya ako nitong binitiwan at umalis ng coffee shop. Hindi ko na napigilan pa at napatulo na ng sunod-sunod ang mga luha ko.
Bakit kailangan pa kasing bumalik ng walang kwentang ama na iyon? Bakit pa siya nanggugulo sa buhay naming sadlak na sa putikan? Ano? Para magmukha siyang bayani na handang iahon kami sa hirap? Para malinis niya lahat ng katarantaduhang nagawa niya sa pamilyang ito?
Marahas kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at umalis na sa lugar na iyon. Pumara agad ako ng jeep pauwi habang tulala sa kawalan.
Pakiramdam ko hapong-hapo ako ngayong araw. Para bang ramdam ko pa din ang sakit na sa puso ko dahil sa engkwentro naming magkapatid.
Alam ko naman na may mga naging desisyon si Kuya para sa amin pero mas higit akong nahirapan! Mas higit ang isinakripisyo ko!
Kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi kami mahihirapan ng ganito! Hindi kami mababaon sa utang! Hindi kami nasasaktan!
Naglalakad na ako papasok sa looban nang makaramdam ako ng pagkahilo. Bigla ako napahawak sa pader kasabay ng pagdaing ng tiyan ko.
Hindi ko alam pero para bang nanghihina na ako ng unti-unti. Pinipilit ko pa ding tumayo ngunit hindi ko na talaga kaya hanggang sa marinig ko ang sigaw ng isang babae sa pangalan ko.
"Jusko po! Pia!"
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)
RomancePaloma Ivanna Accosi and Wage Schneider's Story "HINDI KITA PINAPUNTA RITO PARA HUMILATA LANG!" naiinis na sigaw nito kaya padabog na bumangon na lang ako. "Puta! Makasigaw ka naman dyan! Ano na naman ba ang problema mo ha? Iyong putang inang Bridge...