Pia's POV
Madaling araw na pero ramdam kong gising pa din ang diwa namin pareho ng lalaking katabi ko ngayon. Nakahiga lang ako sa tabi ni Wage habang yakap niya ako sa aking beywang habang ako naman ay sumusulat sa kanyang dibdib gamit ang aking daliri.
"Sleep now, Sweetie." malambing na wika nito at hinaplos niya ang buhok ko. Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon.
Ewan ko ba, pakiramdam ko ay ano mang oras ay babalik muli sa dati ang turingan namin at alam kong magigising din naman ulit ako sa katotohanang walang kami.
"It's already 3 am in the morning. Kailangan mong magpahinga." pamimilit nito kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Huwag kang namimilit. Kung inaantok ka naman eh pwede ka naman ng matulog atsaka bakit ba pinatutulog mo na ako? Ah, para makaalis ka na, hindi ba?" Ewan ko pero parang iba ang naging dating ng mga sinabi ko.
Napalayo na lang ako rito at pumikit. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ba dapat ay naiinis ako dito at hindi dapat nagpapa-apekto sa mga galaw at salita niya?
Ako lang din naman ang magmu-mukhang tanga sa huli kapag ipinagpatuloy ko pa ang pagbigay muli sa kanya.
Narinig ko namang bumuntong hininga ito at hinapit ako sa beywang palapit sa kanya. Nararamdaman ko ang hininga nito sa puno ng aking tainga kaya nararamdaman ko na naman ang panlalambot ng mga tuhod ko kahit hindi naman ako nakatayo.
"I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up"Nanigas ako sa kinahihigaan ko at hindi ko maiwasang mapalunok habang naririnig siyang kumanta. Bumaha ang mga ala-ala noong unang taon na nagkakilala kami.
Ngayon ang pang-limang araw ko sa ganitong trabaho ngunit parang hindi ko pa din masikmura ang magtrabaho sa ganitong lugar. Hindi lang naman ako ang sasayaw mamaya pero iba ang gabi na ito.
Anibersaryo ngayon ng bar at inaasahan na lahat ng mga dancer ay papayag na mag-table. Hindi naman kami pinipilit na makipag-sex pero kinakabahan pa din ako.
Nang magsimula na nga ang lahat ay patuloy sa pagtambol ang puso ko kahit pa na sumasayaw kami. Napapalunok na nga lang ako.
At nang matapos nga kaming sumayaw ay ayun na din ang hudyat na papipiliin ang mga kalalakihan rito ng kanilang gustong babae.
Nagbaba na lang ako ng tingin hanggang sa tinawag ako ni Miss Pearl at iginiya ako papunta sa pinakasulok na bahagi ng bar. Hindi pa din ako nag-aangat ng tingin at ramdam ko pa din ang kaba sa puso ko.
"Sir, this is Paloma. Bente pa lang po ito at fresh na fresh pa para sa isang gwapo at yummy na katulad niyo." sabi ni Miss Pearl at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang mag-angat ako ng tingin rito.
Nakatitig lang siya sa akin habang umiinom sa kopitang hawak niya. Itinulak ako ni Miss Pearl kung kaya't hindi ko nai-balanse ang sarili ko at tumumba ako sa isang hita ng lalaking ito.
Patayo na sana ako para bumalik kay Miss Pearl na papaalis na nang yapusin ako ng lalaking ito sa aking beywang. Amoy ko ang mamahaling pabango nito at hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata nitong kulay tsokolate.
"S-sorry po, Sir." iwas ko dito ngunit inayos niya lamang ang pagkakaupo ko sa kanyang kandungan at inalok ako ng maiinom.
Alanganin ko naman iyong kinuha at pinakatitigan. Tang ina. Hindi pa ako nakakainom sa buong buhay ko. Nag-angat muli ako ng tingin rito at nahuli ko siyang tinititigan ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)
RomancePaloma Ivanna Accosi and Wage Schneider's Story "HINDI KITA PINAPUNTA RITO PARA HUMILATA LANG!" naiinis na sigaw nito kaya padabog na bumangon na lang ako. "Puta! Makasigaw ka naman dyan! Ano na naman ba ang problema mo ha? Iyong putang inang Bridge...