Bed 26

59.4K 949 32
                                    

Pia's POV

Tahimik lang  akong nakasunod sa kanila habang naglalakad kami papunta sa coffee shop. Balak kasi nilang mag-usap at hindi ko alam kung bakit kailangan pa na kasama ako.

Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko lalo pa at nagtatawanan ang dalawa habang ako, nandito lang sa likod nila na para bang isang tuta na nawalan na ng saysay.

Dumiretso ako papunta sa cr pagkapasok pa lang sa coffee shop. Napabuntong hininga na lang ako at napakapit sa pader.

Hindi ko na napigilan pa at tumulo ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko akalain na babalik na naman ang mga alaala ng nakaraan sa isang iglap.

Bakit ba sa tuwing nararanasan ko ng maging masaya atsaka naman darating yung mga ganitong pagkakataon kung saan magiging isang talunan na naman ako?

Napabuntong hininga na lang ako at mas piniling maghilamos bago lumabas ng cr. 

"Pia." napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko ang pag-aalala ni Wage kaya mas pinili ko na lang magbaba ng tingin bago pa akong tuluyan na maiyak.

"A-ah ano kasi, kailangan ko ng umuwi at mag-gagabi na din. I'm really sorry but can I just leave the two of you? Para na din magkausap kayo." binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti at naramdaman ko ang paghawak nito sa beywang ko.

"No. You'll just stay beside me today. Kailangan natin linawin ang lahat lalo na ang relasyon natin." sabi nito at kita ko ang pangamba sa mga mata nito.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko kaya napasandal na lang ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at para bang unti-unti itong pinipiga.

"Please, Wage. M-masakit kasi eh. Ayoko na ng nararamdaman ko ngayon. P-pakiramdam ko mamatay na lang ako bigla sa harapan niyo sa tuwing titignan ko kayo ni Bridgette na masayang magkasama. P-parang awa mo na naman oh. Pagod na kasi ako eh. Ayoko ng masaktan." 

Naramdaman ko ang pag-hagod nito sa ulo ko kaya lalo akong napahikbi.

"Listen first, Pia. Lagi na lang bang ganito? You really love to walk away and leave everything behind. Kailan ba darating ang panahon na pakikinggan mo muna ako bago ka magtiwala sa sarili mong konklusyon?" malumanay nitong wika at hinalikan ako sa noo.

"This is the right time to clear things out. Kung habang buhay na lang tayong magtataguan at tatakbo sa problema ng relasyon natin, hindi na tayo magiging masaya pa. You know how much I really wanted to marry you but I know you still have doubts. So please, listen to me this time."

Kinalma ko muna ang sarili ko at sinabing aayusin ko muna ang sarili ko bago ko pumunta sa inuupuan nila. 

Pagkaupo ko pa lang sa tapat nilang dalawa ay hindi ko na agad matiis makaramdam ng selos kahit alam kong wala naman akong karapatan.

"Kamusta na, Pia?" nakangiting tanong sa akin ni Bridgette at hindi ko maiwasang panliitan muli habang tinititigan ang mukha niya.

Hindi nakapagtataka na mahal siya ni Wage dahil sa ugali at itsura pa lang mukha na siyang anghel.

"Ayos lang naman. Ikaw?" pinilit kong maging normal kahit alam kong may bumibikig na sa lalamunan ko.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo ng magsalita si Bridgette.

"I know you're not really comfortable, but I just want to make myself clear. Ayoko kasi na may sumasama ang loob sa akin dahil nagu-guilty talaga ako."

"First, I just want to apologize kung sa tingin mo na may relasyon kami ni Wage. It's not what you think, Pia. We are just friends simula pa lang noong una and I am really sorry if I took most of his time in the past. It's just that, hindi ko lang kasi talaga kaya yung depression ko that time. Uh, how am I going to say this?" tumawa ito ng mahinhin at para bang nahihiyang ituloy ang sasabihin niya.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon