Bed 15

76K 1.2K 68
                                    

Pia's POV

Kinabukasan ay maaga akong tumayo para umiwas kay Wage. Pagkatapos kasi ng nangyari sa amin noong isang gabi ay agad ko itong itinulak palabas ng kwarto ko. Hindi ko din ito pinagbuksan ng pinto kahit pa magkakatok pa siya doon.

Kahapon din ay hindi ako lumalabas ng kwarto ng basta-basta lang. Kapag alam kong nasa malapit lang siya, agad akong nagkukulong dito sa kwarto at kakausapin na lamang si Nanay Minda.

Hindi ko lang kasi alam ang magiging reaksyon ko sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Para kaming mga tanga sa ginagawa namin at isa pa ay hindi ko na naman nagugustuhan itong nararamdaman ko.

Napagtanto ko kasi na hindi naman ako ang babaeng mahal niya. Na kailangan ko ng putulin ang kahibangan ko na baka magkaroon na ako ng pag-asa na sana sa akin naman matuon ang pansin niya.

Malaking sampal na lalo sa akin ang kaalamang magkakaroon na sila ng anak ni Bridgette at isa lamang akong sabit sa relasyon nila. Ano nga naman ang ibinatbat namin ng baby ko sa babaeng mahal na mahal niya at ngayon nga ay ang magiging ina ng anak nila o mga susunod pa nilang supling.

Doon pa lamang ay para ng tumatarak ang iba't ibang klase ng punyal sa puso ko na may halong lason na unti-unting papatay sa akin ng tuluyan.

Naisip-isip ko din na siguro, kaya din ako itinatago ni Wage dito sa kadahilanan na ayaw niyang malaman ni Bridgette ang tungkol sa pagbubuntis ko. Panigurado naman kasi na iyon ang magiging dahilan ng lamat sa nagiging maganda nilang relasyon.

'Hindi ba at pagkakataon mo na ito na agawin siya sa babaeng iyon?'

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga ideyang pumapasok sa utak ko. Mali ang sumira ng relasyon ng iba para lang maging masaya ka. Matagal na panahon na ang naigugol ni Wage para lang mahalin siya ni Bridgette at ayaw kong masayang lang iyon ng dahil lang sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagmamadaling nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto ay dahan-dahan akong bumaba at nagdire-diretso sa may pintuan.

"Ehem." para naman akong pinako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagtikhim ni Wage sa likod ko. Pakiramdam ko ay isa akong akyat bahay na nahuli ng may-ari na nangtatakas ng kung ano man.

Napapalunok na lamang ako at iniiwasang tumingin sa mga mata niya. Lalo pa akong nataranta nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinapit ako sa beywang.

"Where do you think you're going?" seryoso ang itsura nito nang mapatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"K-kailangan kong puntahan si Ate Cholita." umiwas pa ako rito ng tingin at tuluyan nang binuksan ang pinto. Hinablot niya ako ng marahan sa braso kaya napalingon ako sa kanya.

"May problema ba tayo, Pia?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

Napayuko na lamang ako at dahan-dahan inalis ang kamay niya sa akin.

"Wala tayong problema, Wage. Napagtanto ko lang na hindi na dapat tayo gumagawa ng mga bagay na alam naman nating hindi tama. Sige, mauna na ako." nagmamadali akong lumabas ng bahay niya at napapaiing na lamang.

Nang makarating ako sa looban ay agad kong tinungo ang bahay ni Ate Cholita. Nakita ko naman itong nagwawalis sa tapat kaya agad ko itong nilapitan.

Napatingin ito sa akin at agad akong nginitian ng malawak.

"Kamusta ka na, Pia? Ilang araw kang hindi nagpapakita o nagtetext man lang. Nakakatampo ka ha." nakanguso pa ito na parang bata kaya natawa ako.

"Pasensya na Ate, hindi kasi ako nakakapagpa-load eh. Ngayon lang din ako nakahanap ng pagkakataon na lumabas sa lungga ng bakulaw na iyon."

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon