Bed 30

56.5K 961 10
                                    

Pia's POV

Bumungad sa akin ang purong puti sa paligid nang buksan ko ang aking mga mata. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil ramdam ko ang hapdi sa buong katawan ko ngayon.

Bumaba ang paningin ko sa aking kaliwang kamay at nakita ko roon si Wage na nakahawak habang mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan kong inangat ang kanang braso ko upang haplusin ang halatang pagod na mukha nito. Napadilat ito at ilang segundo lang ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.

"Thank God you're awake." masayang wika nito at hinalikan ang noo ko.

"Do you need anything else, sweetie? May masakit ba sayo? Kailangan kong tawagin ang doktor. Tama." natatarantang wika nito habang nakatayo.

Napatawa naman ako ng mahina sa pinagsasasabi nito.

"Umayos ka nga, sira." mahinang turan ko ngunit hindi ako nito pinakinggan at nagmamadali itong lumabas ng kwarto habang tinatawag ang doktor.

Ilang sandali lang ay may pumasok sa kwarto ko at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ko ang magulong itsura ni Reena.

"A-anong--"

Bigla itong humagulgol at napaupo sa sahig kaya hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya. Alam ko malaki ang mga naging kasalanan niya sa akin, sa pamilya namin, pero alam ko namang nabulag lang ito sa galit na nararamdaman niya para kay nila lola.

"I-I'm really sorry, Pia. I'm sorry. Hindi ko intensyon na patayin ka. Believe me." punong-puno na nang luha ang mukha nito at nararamdaman ko na di ang pangingilid ng luha ko.

Bigla namang pumasok si Wage kasunod ang doktor at sila Mama. Sabay-sabay silang napatingin kay Reena at nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Wage. Bigla nitong hinaklit sa braso si Reena at galit na pinalalayas ito.

Kahit nahihirapan akong magsalita ay ginawa ko ang lahat para lang mapigilan si Wage.

"P-please Wage, bitawan mo si Reena." mahinang usal ko at nakita ko ang paglambot ng reaksyon nito ng tumingin siya sa akin.

"P-pwede niyo b-ba kaming maiwan sandali?" pakiusap ko sa kanila. Nakita ko ang pagtutol ng mga ito ngunit binigyan ko sila ng isang tipid na ngiti.

Aangal pa sana si Wage pero tumango lamang ako sa kanya.

Nang maisara na nila ang pinto ay napatingin muli ako kay Reena na tahimik lamang na nakatayo roon habang yakap ang sarili. Umiiyak pa din ito at rinig ko ang hikbi niya.

"Una sa lahat, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sayo. Simula nang mabuo ang pamilya namin ni Wage ay tinanggal ko na lahat ng bahid ng galit sa puso ko. Ang gusto ko lang naman kasi maging maayos ang lahat."

Tumingin ito sa akin ng puno ng lungkot at napangiti ng mapait.

"That's what I want at first." bigla itong umiling-iling. "But your grandmother didn't let me have my own happy ending. Pakiramdam ko..." napalunok ito at rumagasa muli ang luha sa magkabilang pisngi nito.

"Pakiramdam ko, ang baboy baboy ko na. Sino pa ang tatanggap sa akin diba? Isa na akong maruming babae at hindi ko alam kung magiging maligaya pa ba ako katulad ng pamilya niyo. I was totally shut down from this world and it hurts." sabi nito at napatakip sa mukha.

Maingat na umupo ako kahit may parte ng katawan ko ang mahapdi pa din.

"You'll be happy Reena. I can assure you that. I know where is your little sister is." mahinang wika ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito at lumapit sa akin.

"Where? Please tell me, Pia. Parang awa mo na." humagulgol na naman ito at kita ko ang pananabik sa mga mata nito.

"Nasa Albay siya. I knew her since last year. Nagkakilala kami noong maligaw ako roon para sana pumunta sa isa sa mga supplier ko.  Since then, lagi akong nagpupunta doon to fix the problem in our company."

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon