Pia's POV
Isang buwan na ang nakalilipas noong huli kong makita si Wage kasabay din nito ang pag-alis ko sa bar na pinag-tatrabahuhan ko.
Nagpakalayo layo muna ako at minabuting manahimik na lamang sa isang tabi para naman kahit papaano ay may matira pa din sa aking kakarampot ng pride.
Lalo pa ngayon na wala akong matatakbuhan dahil bigla na lang nawala si Xiara. Buong buhay ko ay nakadepende na lang ako sa matalik kong kaibigan pero alam ko din namang may problema iyon ngayon kaya kung sakali din na magparamdam siya ay hindi na lang ako iimik pa.
Kasalukuyan akong nandito sa may paradahan ng tricycle sa may Pasig para sana makahanap ng murang matitirhan.
Pinalayas na kasi ako kagabi sa tinutuluyan ko dahil ilang buwan na pala akong hindi nakakabayad rito. Idagdag mo pa ang pagbalik ko ng pera sa hudas na lalaking iyon.
Ayokong isipin niya na mababa lang talaga ako dahil kinuha ko pa ang pera niya. Sapat na iyong natabi kong pera para mabuhay ng panandalian.
Kailangan ko pa ding kumayod lalo pa at bigla na lang naglaho ang magaling kong kapatid. Hindi man lang inisip na mayroon pa kaming pinoproblema sa ibang bansa. Gago talaga.
" Magandang araw po, kuya. Magtatanong lang ho sana ako kung may alam kayong mga murang paupahan malapit dito." tanong ko sa isang drayber doon.
"Ayy, oo ineng! Doon sa may dulo ng eskinita. Hanapin mo lang si Cholita dahil alam kong naghahanap iyon ngayon ng tenant." sabi nito ng nakangiti.
"Maraming salamat po." sabi ko rito kaya't agad na akong sumibad upang puntahan ang sinasabi nitong eskinita.
Sa bungad pa lamang ay makikita mo na agad ang mga mag-aasawang nagbabangayan, mga batang nag-hahabulan at mga lalaking nag-iinuman.
Napailing na lamang ako. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena. Bata pa lamang ako ay ganito na ang kinalakihan ko. Naranasan nga namin ang magutom sa kalsada noong mga panahong naglaho na parang bula ang ama ko.
Hindi ba't isa siyang duwag? Tumakas sa isang responsibilidad labing pitong taon na ang nakakalipas. Buntis pa noon si Mama sa bunso kong kapatid noong mga panahong iyon at dahil na rin sa kahirapan ay hindi namin mabigyan ng maayos na pag-papagamot si Irma.
Kung hindi niya sana kami iniwan. Tang ina bakit ko nga ba siya iniisip? Matagal ko na siyang ibinaon sa limot at dapat na manatili na lamang iyon sa ganoong paraan. Pareho sila ni Kuya Ivan na walang silbi.
"Magandang araw po, mag-tatanong lang po sana ako kung nasaan si Aling Cholita? Iyong nag-papaupa ng bahay?" tanong ko sa isang aleng may hawak na bilao.
Tinignan lamang ako nito at binigyan ng isang tipid na ngiti.
"Iyong bahay na may mga tarpaulin sa may kanan." sabi nito at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad.
Pag-punta ko roon ay nakita ko iyong sinasabi nilang Cholita na nakikipag-kwentuhan sa mga kabaro niya. Hindi ko maiwasang mapakamot ng batok nang makitang mga nasa 30s pa lamang ito.
"Magandang umaga po sa inyo." bati ko sa kanila at nakita kong tinaasan akong kilay noong Cholita at sinuri ako simula ulo hanggang paa.
Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil ganoon din ang ginawa ng mga kausap nito.
"Anong kailangan mo?" tanong nito at sinenyasan akong pumasok sa loob ng kanyang bahay. Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)
Roman d'amourPaloma Ivanna Accosi and Wage Schneider's Story "HINDI KITA PINAPUNTA RITO PARA HUMILATA LANG!" naiinis na sigaw nito kaya padabog na bumangon na lang ako. "Puta! Makasigaw ka naman dyan! Ano na naman ba ang problema mo ha? Iyong putang inang Bridge...